Part Eight.

474 20 3
                                    

Eunice'

"What?" Natatawang tanong saakin ni Khalid nang tanungin ko sakanya kung pwede kaming uminom.

Sabi ko na nga ba't mali tong ginawa ko. Atsaka sino ba ako para magtanong ng ganun sakanya?

At inisip ko rin, babae ako. Bat ang isang babaeng gaya ko ay magaaya ng ganung bagay sakanya?

Di kaya magbago tingin ng lalakeng to sakin ngayon? Huwag naman sana.

Napapikit nalang ako ng madiin habang kinakagat ang ibabang labi ko sabay yuko.

Umiling-iling nalang ako't tiningala muli sakanya. Kunot noo naman siyang nakatingin saakin.

"Hmm, wala. Hayaan mo na." Napakamot nalang ako sa batok ko. Siguro magisa ko nalang iinom dito sa condo ko. Mas better pa. Pero ang hirap nang umiinom ka magisa, nakakatanga.

"Sige ba. Kaylangan ko rin yan ngayon, pampatulog." Tumingala ako sakanya. Nakapamulsa siya ngayon at nakangisi.


Umupo si Khalid sa couch ko sa living room. Napag-desisyonan namin na dito nalang daw kami sa condo ko maginuman. Mas maganda na yun kesa sa dun kami sa place niya, mahirap na.

Pero pumunta siya doon saglit sa condo niya upang magpalit ng damit, at ganun din ang ginawa ko nang makaalis siya.

Mejo malaking tshirt lang na nakaliitan ni kuya at maong shorts ang suot ko saka ko tinali ng messy bun ang buhok ko. Sweatshorts at simpleng puting tshirt naman ang suot ni Khalid.

"A-anong gusto mong inumin?" Nahihiya kong tanong sakanya. Tumingala siya saakin at ngumisi ng kaunti.

Nag-ayos siya ng upo niya't pinatong ang siko sa tuhod saka pinagsiklop ang mga daliri.

"May something hard ka ba jan?" Tanong niya saakin. Teka, naalala ko noon may time na uminom si kuya dito nang dumalaw sila ni mama. I think Red Horse yung iniinom niya that time. Di kasi ako mahilig sa hard, light lang ako. Pampatulog ganun.

"Wait check ko." Sagot ko sakanya saka pumunta sa kitchen. Binuksan ko ang ref ko at nakita ko dun ang dalawang bote ng RH.

Mabilis kaya malasing yun? Paano kung malasing yun, dadalhin ko ba siya sa condo niya?

Isa lang ang kinuha kong RH. Kumuha na rin ako ng light beer ko, dalawang baso at ice. Pinatong ko ito sa tray at bumalik na ako sa sala.

Naabutan ko naman si Khalid na nagce-cellphone. Parang may kachat ata siya. Di niya namalayan ang pagdating ko kaya umupo ako sa kabilang couch na pang-isang tao lang.

Nakapwesto ang couch ko sa may bintana kaya kapag uupo ka rito, makikita rito ang City Lights.

Lumingon siya sa gawi ko at tinago niya ang phone niya.

"Ok na ba yan?" Tanong ko. Nahihiya pa talaga ako. Ewan ko kung bat ganito. Di ako sanay na may ibang bisita sa condo ko. Laging si Cameron at Angelo lang ang bumibisita rito e. Kadalasan naman si Szerina, yung batang babae na kapitbahay ko.

Hinawakan niya ang bote ng RH at inangat ng konti. Sinuri niya ito. Natawa siya ng konti. "Pwede na rin."

"Pero wala bang pulutan jan?" Natatawang sabi nito.

He Took His Leave (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon