Part Five

1.3K 27 1
                                    

Hello po, pasensya na po kung super late ang update kasi po super busy sa school and na-elect pa po ako as an officer. Hihi. I tried my best to make an update. Sana po magustuhan nyo and thank you po sa more than 1k reads.

Ps; papalitan ko na po yung title ng "He Took His Leave" kasi po cliché na yung "The One That Got Away"

Thank you po!!! ❤️

Dedicated to bibi Jasmineandie 💋
••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

Eunice'

Nasisilaw ako sa sinag ng araw na nagmumula sa bintana ko. Inangat ko ulo ko pero kumirot ito. Kapa ako ng kapa sa side table ko at may nakapa akong baso. Tinignan ko ito at nakita kong inuming tubig ito. Pwinersa ko ang sarili kong bumangon at uminom ng kaunti. Nakita ko naman ang isang gamot na nakalagay sa platito at may note doon.

[Drink this. Im mad at you. -Kuya]

Pumikit ako't hinahawakan ang magkabilang sintido ko. Sht, ano nangyare kagabi. Ano ba ginawa ko kagabi? Last thing I remembered kagabi is yung hinihila ako ni kuya papasok sa kotse nya at paulit-ulit na nagmumura.

Hinilamos ko sa mukha ko ang palad ko at napabuntong-hininga na lamang. Ininom ko ang gamot at pinilit na tumayo.

Naghilamos ako sagli at nagsipilyo. Tinignan ko ang repleksyon ko sa salamin.

"Guiny ano ba!!! Bat ba galit sayo si kuya!!!" Wala akong ibang magawa kundi ang sabunutan ang aking buhok. Naisip kong puntahan si kuya pero baka wala siya sa kwarto niya.

Nagbakasakali akong pumunta at kumatok sa pintuan ni kuya. Walang nagbubukas ng pinto kaya't binuksan ko nalamang ito.

Magulo ang kama nya, bagsak ang mga damit niya dito at nangangamoy sigarilyo ang kwarto niya. Naglakad ako't tinignan siya sa CR niya ngunit wala siya.

"Andito ako." Nagulat naman ako at tinignan kung san naggaling yung boses na iyon. Nakita ko naman si kuya na nakatayo sa terrace habang nagyoyosi.

Tinabihan ko siya habang tinitignan ang view. Mejo mataas ang bahay namin dahil sa kalsada dito sa village na pataas kaya't mejo maganda ang view.

"Good morning kuya." Sabi ko habang nakatingin parin sa view. Tumango lang siya at humithit ng yosi.

Umirap ako sa kawalan at inagaw ang yosi nya at humithit-buga ako rito. Ginawa ko lang ito para mapansin ako ni kuya, para di niya lang ako balewalain... pero nagkamali ako!

Tinignan nya lang ako at ningisian. Wtf, what's wrong with you kuya?

Di ko napigilan ang sarili ko kundi hinarap ko si kuya. "No violent reaction kuya?"

Humithit muli ako at bumuga malapit sakanya. He just smirked and inagaw ang yosi saakin.

"I know you're smoking, matagal na." Sambit ni kuya. "Nasa tamang edad kana, alam mo na ginagawa mo. But please, alagaan mo sarili mo. Ayoko ginagawa mo kagabi."

Teka, ano ba kasi ginawa ko? Pinuntahan ko lang naman siya ah. Di naman ako nakipaglandian kagabi.

"Ano ba ginawa ko kagabi? Pinuntahan lang naman kita eh." Naiinis na sinabe ko kay kuya. Bat siya ganyan! Naiinis na ako.

He Took His Leave (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon