chapter 1

17 2 1
                                    


No

Dalawang linggo na ang nakalipas mula ng mag-orient ang teacher namin. naging maayos naman ang lahat. yun nga lang,lagi akong inaasar nila melina dahil sa sinabi ni nico. nakita at narinig kasi nila ang buong pangyayari dahil nasa katabing upuan ko lang si melina at nasa likod ko naman sila xav at gelaine. ayan tuloy,wala silang ibang ginawa kundi mang-asar sakin. Grr. nakakainis na,kung bakit kasi naisip ko pang tignan siya. ayan tuloy!

"oh,tulala ka diyan? ano ba yang iniisip mo?......I mean,sino ba yang iniisip mo?si nico siguro no? " pang-aasar ni xav. nagtawanan naman silang lahat. nandito kami ngayon sa canteen at walang tigil sa pang-aasar itong mga kaibigan ko.

"kung bat kasi makatingin wagas eh,ayan tuloy! wag kasing pahalata bes....Dapat sulyap-sulyap lang,ganun. try mo! " sabi naman ni melina at pinagtawanan ako ulit. hindi ko nalang pinansin ang mga pang-aasar nila.

matapos kasi nang nangyari nung first day,madaan ko lang siya nang tingin kinikindatan at ngumingisi agad siya sakin. flirt! itong mga kaibigan ko naman,nakakainis lang feeling agad nila tinititigan ko.

"tigilan niyo na nga si kiara,kita niyo na ngang naiinis na eh. kayo talaga" sabi naman ni gelaine pero halata sakaniyang mukha na nagpipigil siya ng tawa. hays.

"yan na si nico oh!" biglang sabi ni xav. at totoo nga ang sinasabi ni xav. papasok sila ng mga kaibigan niya sa room. malapit na kasi ang oras ng kalse. hinihintay nalang namin ang teacher.

"ayieee!!!" sabay sabay naman na sabi nung tatlo.

"hay nako,stop it you guys! it's not funny,okay? stop teasing me,hindi ko siya gusto. so please" i said out of irritation. nakakainis na eh,wala naman akong gusto sakaniya. yes,he's handsome but he's a flirt. kung kani-kaninong babae nagpapacute. like err.

"uy nakatingin siya sayo! omgeeeee!" sabi ni melina. so sabay sabay kaming napalingon sa kanya, tapos bigla nya akong kinindatan ulit. like wtf! napakaflirt talaga. at yan na nga siya papalapit na sa pwesto namin sa pinaka sulok ng classroom kung saan kami nakaupo habang naghihintay ng teacher.

"Good morning,miss beautiful" sabi niya sakin sabay ngisi ng makalapit na siya at ang mga kaibigan niya samin. at ayun na nga,kung makapalo wagas na itong mga kaibigan ko.

"you know what? tigil-tigilan mo na ako sa kakakindat mo at diyan sa miss beautiful-miss beautiful na yan. di ka na nakakatuwa. nagmumukha ka lang timang" sabi ko sakaniya na ikinatawa ng mga barkada niya. naiinis na kasi talaga ako.

"wala ka pala nico eh,wala kang effect sakaniya" sabi ni romeo. yung kaibigan niya na katabi ko sa upuan. in-arrange na kasi kami ng adviser namin. bababe at lalake daw kasi dapat ang magkatabi.

"ouch....binati lang naman kita ng "good morning" ah,galit ka kaagad?" sabi niya na nakahawak sa dibdib na akala mo nasaktan talaga.

"so dapat may kasamang kindat-kindat? like what the!? tigilan mo na nga ako,kung wala kang magawa. wag ako ang pagtripan mo,okay? " sagot ko sakaniya.

"sorry na,miss beautiful. hindi na kita kikindatan kung yan ang gusto mo. wag ka nang magalit ,papangit ka sige ka!" sabi niya ng nakangiti at umalis na sila ng kaibigan niya sa harap namin. talagang nagtawanan pa ha!

dumating narin ang teacher namin maya-maya at nagsimula na siyang magturo.maayos naman ang naging klase namin sa dalawang subjects namin. at dahil recess na,niligpit ko na yung mga gamit ko at lumapit kila xav.

"ano? tara na,gutom na ako" sabi ni melina at nag lakad na kami papuntang canteen.

nang maka bili na kami,agad kaming bumalik ng classroom dahil sik-sikan talaga sa canteen. at ayun na nga,pagkadating namin ay nandoon din sila nico kasama ang mga kaibigan niya na nagkwekwentuhan kasama yung mga babae sa kabilang section. pumunta ulit kami sa sulok kung saan kami lagi pumwepwesto at umupo na nang naka indian sit tsaka nagkwentuhan.

"nandiyan nanaman yang mga pabebe na yan. nakakainis talaga yang mga yan. parang sino,lalong-lalo na yang mukha ni twinkle,kala niya naman sa satili niya kumikinang siya na parang star. mukha namang ipis na pagod." inis na sabi ni melani na ikinatawa namin.

"oo nga eh,pinapaasa lang naman yan. siopao siya. binola-bola lang,asadong-asado naman. kala niya gusto siya,di naman." sabi ni gelaine at nag-apir pa talaga sila ni melani.

"uyy kiara,baka naman mafall ka ha? ingat-ingat. sa panahon ngayon,marami nang paasa. baka inasar-asar ka lang namin,feel na feel mo na agad. joke lang namin yun,kilala namin yan...marami nang napaiyak na babae yang si nico,playboy yan.paasa,wag bibigay" sabi ni xav. saaming magkakaibigan,yang si xavierry talaga yung tipo na mahilig magpaalala at mag advise. pare-pareho naman kami na mahilig mag advise sa isat-isa. yun nga lang mas madalas yang si xav,kahit may pagka-loko rin yan. seryoso siya sa mga bagay na maaaring makasira o maka-apekto samin.

"hindi no,tsaka ano ba guys. you know me. wala pa sa isip ko yang mga ganiyan. i dont want distractions to my studies. and look at him? kung sino-sinong babae ang kasama niya. mga paiba-iba. what a flirt! " i said at kumain nalang.

"change topic na nga tayo. you're taking it seriously agad xav. you know,alam naman nating lahat na this is just a joke. lokohan lang. siyempre hindi natin hahayaan na may masaktan satin." sabi ni gelaine.

"kumain na nga tayo,malapit na mag-time...hindi pa tayo kumakain. but seriously kiars, hindi ka ba talaga kinikilig tuwing kinikinditan ka nya? be honest ha? " tanong ni melina habang kumakain. mahilig kasi yan kumain,pero di naman tumataba.

"NOOOO!" hindi ko napigilang isigaw na dahilan ng pagtingin sakin ng grupo nila nico at pagkagulat nila melina.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 25, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I can't make you love meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon