Prologue

269 3 0
                                    

''Naomi!" Sabi ng isa kong kaklase na may ipinapaabot na libro.

Lumingon ako at ang nakita ko ay si Angelo. Si Angelo na aking tropa at kasama kapag breaktime sa library. Pala-aral yang si Angelo. Dean's Lister siya, ayaw nya kasi mawala scholarship niya kaya masipag mag-aral. Kahit maykaya sila, gusto niya tumayo sa kanyang sariling mga paa. ''Oh, Angelo. Ano namang libro ito?''

''Ah... eh kasi, naiwan ni Vivienne. Pakibigay na lang.''

''Ganun ba. Sige ako na lang magbibigay.''

''Thank you. By the way, hindi ka ba mag-library?"

''Hindi eh. I-memeet ko sina Vi. May ibabalita daw kasi si Darcy eh emergency daw.''

''Okay. See you tomorrow na lang.''

''Oo. Sure.''

Nang nakalayo na si Angelo, bigla ako nagtaka. Hindi naman namin kaklase sa kahit anong subject si Vivienne. Eh sa Economics ang course niya. Kaya ibinaliktad ko ang libro at nagulat ako dahil ang pamagat ng libro ay Bridget Jones's Diary. Matagal ko na kasi gustong bilhin itong libro na ko, kaso wala ako pera. Sa tuwing nagtitingin kasi ako ng libro sa National Bookstore o sa kahit anong bookstore, kung ano mapusuan ko na libro, gusto ko bilhin kaso ayun... Nga-nga na lang. Minsan, kunwari lang itong si Angelo na may ipapaabot na libro o di kaya may iiwan na libro sa bag ko. Gusto ko ibalik sa kanya kasi di ko naman hiningi sa kanya pero ayaw niya tanggapin.

Siguro, obvious naman na bookworm ako. Yep, I am. Dakilang tambay ako ng library. Korny noh? eh may internet naman. Pwede mo na i-search lahat ng katanungan mo duon. But for me, it is still better na ung hard copy mabasa.

Naglakad ako papuntang fountain sa aming university, nakita ko na ang chubby kong best friend na si Vivienne kasama ang aming dalawa pang bestfriend na si Alvin at Darcy. Si Vivienne ay chubby pero morena beauty. Kaso, allergic sa mga manliligaw. Choosy daw kasi siya.

Si Alvin naman, well galing pangalan niya sa PBA basketball player na si Alvin Patrimonio. Dun kasi daw siya pinaglihi ng nanay niya kaya ayun, medyo naging kahawig niya si Patrimonio nung binata pa. MVP yan ng aming University. NGSB nga lang siya.

At si Darcy, ang mas mahabang hair sa amin. Siya ang maraming manliligaw. Bubbly at malambing kasi siya. Kaya di mahirap mahalin. Siya ang kakabreak pa lang mga ilang months, okay na siya at meron na mga nakaabang.

''Oh, ano meron nanaman Daday?" Sabi ko na mukhang pagod.

''Ahy basta manlilibre ako. Aangal ka pa?'' tugon ni Darcy.

''Syempre pag usapang pagkain di ako umaangal.'' Dagdag ni Alvin. ''Saan ba ang libre mo madam Daday?''

''Basta.'' Sabi ni Darcy na hinihila kamay ni Alvin.

''Ano nanaman hinithit ng kaibigan natin na yan at bigla- bigla nanglibre?'' Sabi ko ng pabulong kay Vivienne.

''ewan ko ba diyan. Basta skyan na natin siya.'' Tugon ni Vivienne na pinatahimik ako.

She's The OneWhere stories live. Discover now