Chapter 2

93 0 1
                                    

Maaga nagigising si Jordan.Nakasanayan na nya na laging 3 a.m. nagigising upang ihanda ang kanyang mga gagamitin maya-maya. Mula sa uniporme, hanggang sa sapatos na kanyang susuotin ay pulidong-pulido. Dahil na rin siguro na-ensayo na sila na ganoon magising. Kahit puyat siya sa pag-aaral, kinakailangan. Nang matapos ihanda ang kanyang gagamitin, tinignan niya ang kanyang mga kasama sa kanilang kwarto.Mahimbing pa ang kanilang tulog kaya naupo muna siya sa kanyang kama at kinuha ang litrato ng kanyang pamilya.

Ang kanyang ina ay isang oncologist sa tanyag na ospital sa Maynila. Samantalang ang kanyang ama naman ay attorney. Apat silang magkakapatid, siya ang bunso. Ang kanyang mga nakakatandang kapatid na si Jonathan ang sumunod sa yapak ng kanilang ina, na isa na ngayong neurologist sa ibang bansa. Samantalang si Ate Josephine at Ate Jocelyn niya naman ang naging parte ng law firm ng kanilang ama. Siya lang ang naiba sa kanilang pamilya ng tinahak na bokasyon, ngunit suportado naman siya ng kanyang pamilya.

Varsity player siya ng football sa Dela Salle University mula high school hanggang first year college siya sa kursong Development Studies. Ngunit, hindi niya ito ipinagpatuloy dahil sa nailihis ang kanyang paningin sa isang nakapaskil sa isang bulletin board sa kanilang department na naghihikayat na sumali sa isang prestihiyosong academia ng ating bansa.

Pinalad siya na makapasa mula sa written hanggang sa physical exam. Hindi siya nagdalawang isip at pinanindigan ang pagpasok niya sa PMA. Isa na siyang yearling (sophomore pag sa labas) na sa bawat pawis at pagod niya, nakahakbang na siya sa next na level ng training niya sa academy.

Seems like a perfecr guy, right? Siya yung tipo nating mga babae na maging boyfriend. Yung mala- Channing Tatum ang dating. Pero yun nga lang, sawi sa pag-ibig. Lagi nababasted mga three times na. Sa edad na 22 years old, wala pa siya naging girlfriend ni isa. Yep, you read it right. Akala nga ng mga kaibigan niya, baklush ang lolo mo... Pero ang totoo niyan, nanligaw siya sa hindi pa tamang panahon at hindi rin sa tamang babae.

Kaya, gumive up na lang siya. Nagfocus siya sa trainings and acads niya kaya, kinalimutan na niya muna ang lovelife niya. Nagbunga naman ang kanyang pagiging focus, bukod sa sure na yearling na siya, nag gain naman siya ng maganda para sa kanyang katawan. Every other week siya bisitahin ng kanyang pamilya o minsan every first week of the month lang dahil na rin sa sobrang busy nila. Minsan kapag hindi makakadalo sila sa mga events, ang foster family na lang niya ang proxy. Wala siyang kaibigan sa labas ng academy.

Kapag may priv, diretso siya sa bahay ng kanyang foster family at nakikipagbonding sa kanyang mga foster sisters at brothers o kapag may magyaya na pumarty na mistah(kaklase) niya, sumasama siya. Tinutukso siya kasi maraming babae sa bar o kahit saan sila magpunta na pagtambayan ng kanyang mga mistah pinagtitinginan siya at nilalapitan pero di siya interesado. Ang mga tipo niya yung mga Maria Clara ang dating. Yung walang arte sa katawan.

Naramdaman niya na nagising na ang kanyang mga kasama sa kwarto. Hindi niya namalayang nakaidlip siya. Agad siyang bumangon at naghanda at inayos ang kanyang kama. Apat sila na magkasama sa kwarto. Lahat sila ay nag-aayos ng kanilang kama. Ang kanyang mga bunkmates ay si Gino, Keiran at Peter. Sila ang mga ka-close niya. Nagmamadali silang lahat na pumunta sa shower room at maligo.

Heto nanaman tayo. Back to normal. Sana priv na lang uli. Sabi ni Jordan sa kanyang isip habang nagsusuot ng kanyang uniporme.

She's The OneWhere stories live. Discover now