Chapter 5: Ang Usapang Heartbroken

49 0 0
                                    

Habang kami ay nasa taxi, napansin ko na lumagpas kami sa daanan papuntang SM Baguio. Nagtaka na ako. May something fishy na nangyayari. Kaya binatukan ko si Alvin.

''Umamin nga kayong dalawa sa akin. Saan ba talaga tayo pupunta?" Sabi ko.

''Pupunta tayo sa bar.'' Sabi ni Alvin.

''Ha? Bar? Jusko mapapatay ako nina kumander.''

''Wagka nga OA dyan. Susunduin natin si Daday.'' Sabi ni Vivienne.

''Ano namang nangyari sa kaibigan natin?'' Sabi ko na may pagaalala.

''Ayun, nakita niya ung bf nya na haliparot pala.'' Sabi ni Alvin na tinatawagan si Daday.

''Teka, ito ba yung tinukoy nya last week na bf nya?-' Tugon ko naman.

''Oo.'' Dagdag ni Vivienne.

''Eto na nga ba sinasabi ko eh.'' Sabi ko na nagtataka.

''Nako. Basta ang importante ngayon eh maiuwi na natin si Daday.''

Bumaba kami sa isang bar sa Legarda. Agad-agad kami pumasok sa bar at nakita na naming umiinom si Daday kasama ang college classmates niya.

''Daday, tama na yan.'' Sabi ni Alvin na inalalayo ang Isang bote ng beer.

Lumapit ang isa niyang kasama sa amin. ''Kaibigan ba kayo ni Darcy? Kanina pa namin siya pinapatigil na uminom eh ayaw niya. Kelangan na naming umuwi may quiz pa kami bukas.''

''Oo kami nga. Sige na kami na bahala.'' Sabi ni Vivienne.

Tinulungan ni Vivienne at Alvin si Darcy na makatayo at kinuha ang kanyang gamit. Kumuha na ako ng taxi sa labas at buti na lang meron agad. Dahan-dahan na sinakay nila si Darcy sa loob ng passenger seat. Tinabihan ni Alvin si Darcy at isinandal siya sa kanyang balikat. Nakarating kami sa kanilang tahanan at nanduon ang kanyang ina sa labas ng kanilang bahay hindi mapakali. Nagmadaling binuksan ni Alvin ang pintuan ng kotse at binuhat si Darcy papasok ng bahay nila.

''Goodeve po tita.''Sabi ko na hinalikan siya sa pisngi.

''Ano nangyari?" Sabi ni Tita Bea.

''Nalasing si Daday, tita.''

''Jusko! Ano nanaman pumasok sa utak niya!" Sabi niya na pumasok sa loob at nakitang halos walang lakas na umupo ang kanyang anak.''Jusko Daday! Mamatay kami ng ate mo kaka-alala sayo! Buntis pa tong kapatid mo! Ano b alam mo gawin? Magbigay ng sakit ng ulo? Tumataas ang altapresyon ko sa inyong magkapatid. Kalandian niyo na lang pinapairal niyo!''

''Ma! Tama na!'' Sabi ng ate ni Darcy. Buntis siya ng limang buwan sa kanyang boyfriend na nag-aaral din ng medisina sa UP. Inihatid na ni ate Sasha ang kanilang ina. ''Sige na, ako na bahala kay mama. Kayo na muna bahala kay Daday ha?''

''Sige ate.'' Sabi ni Vivienne na kumukuha na ng tabo na may tubig at maliit na twalya.

''Ah, girls! uwi na muna ako ha? Alam niyo naman na under din ako sa aking mommy. Pinapauwi na ko. Kayo na muna bahala ha?'' Sabi ni Alvin.

Umalis na si Alvin at kami naiwan ni Vivienne. Tinulungan naming makasok sa kwarto niya si Darcy. Nagsasalita ng kung ano-ano si Darcy na hindi namim maintindihan. Pinahiga namin siya sa kanyang kwarto at inayos ang pagkakahiga. Kumuha ako ng pamalit niya na damit sa kanyang closet at nakita ko sa pintuan ng closet ang picture niya at ng ex niya na taga-SCIS.

Habang pinapalitan namin ang kanyamg suot na damig ng kulay pulang shirt niya, bigla siya nagsalita ng matuwid. ''Ang sakit. Alam mo yung feeling na humopia ka na siya na si forever? Pucha! Napahiya ako, hinabol-habol ko pa siya sa hallway. Lumuhod pa ako.Nagmamakaawa na ako na huwag niya ako iwan. Shit! Ganoon na ba ako katanga?"

Umiyak si Darcy. Duon ko lang nakita na umiyak siya ng todo. Pinunasan ko ang kanyang luha at pinunasan ang kanyang mga kamay. ''Matulog ka na Daday. Magpahinga ka na.''

''Ang sakit eh. Sineryoso ko na to mga besties. Pero bakit ang unfair?"

''Eh loka-loka ka kasi. Kung sino-sino pinapatos mo ayan, na karma ka.'' Sabi ni Vivienne na nakakunot ang ulo.

" Di ba sabi naman nila ipaglaban mo kung mahal mo ipaglaban ko. Tama naman di ba, MiKay?''

''Sshhh! Vi, kalma.'' Sabi ko sa kanya. ''Tama naman si Vi. Ganoon lang talaga ang buhay. Dapat matuto tayo na tanggapin na hindi lahat ng bagay mapapasa-atin. Malay mo, its God's only way na sabihin sayo na hindi talaga siya ang para sayo. Marami pa naman ang lalaki sa mundo, girl. Kaya magpahinga ka na ha?''

Hindi na muli nagsalita si Darcy. Hinahaplos ko ang kanyang buhok habang pinapanuod siya na nakatulog. Kinuha ni Vivienne ang kumot at kinumutan siya. Naalala ko rin gaano kasakit ang nangyari sa akin nuon. Paano ako iniwan. Paano nawasak ang puso ko.

She's The OneWhere stories live. Discover now