Chapter 6: The Flashback

60 0 0
                                    

Freshman year. First time ko tumapak sa isang unibersidad na iba't ibang klase ng tao ang makakasalamuha ko. Dahil di kami pare-pareho nina Darcy mg kurso, kelangan ko ng harapin ng magisa ang aking bagong gyerang pinasukan. Ayaw ng nanay ko na mag engineering ako. Siyempre, unica hija di daw nababagay sa akin ang panlalaking course dapat nag nursing o kaya nagteacher na lang ako. Nainspire kasi ako ng aking ama sa kanyang pagiging mekaniko kaya pinili ko mag mechanical engineering. Simula pa kasi bata ako imbis na manika ang hawak ko, screw drivers at makina ng kotse na ang aking nakalakihang nilalaro kasama ng aking kuya.

Dahil orientation kelangan magkakasama ang magkakapatrhong course kaya sumunod ako sa nakapilang lalaki na matangkad at slim ang katawan. Hindi ko alam kung M.E. din ba siya o ibang course kaya nasabi ko sa aking sarili bahala na. Magkatabi kaming dalawa ni "boy tangkad", since mostly ng mga katabi namin magkakakilala nanahimik na lang kami sa aming upuan at kunwari may katext sya sa phone ako naman ay tumitingin sa aking bag kunwari may kinukuha. Bigla niya ako kinalabit at sinabing ''Miss, tayo na lang walang kinakausap dito. Para di awkward magusap din tayo.''

''Ha?" sabi ko na kunwari di ko naintindihan.

''Mali. Tanga ko talaga. 'Di pa ko nagpapakilala. I am Ethan.'' Iniaabot nya ang kanyang kamay.

''Um, Naomi.'' Sabi ko na nakipag shake hands.

''Taga dito ka ba sa Baguio?"

''Oo. Ikaw?"

''Nope. Taga Pangasinan sa Binmaley.''

''Ahh. Welcome dito sa Baguio."

''Thanks. May nakilala ka na ba sa department natin?"

''Actually, wala pa. Mahiyain kasi ako eh. Silent type pa ako kaya wala pa ako nagiging kaibigan. Ikaw?''

''Meron na. Ikaw" sabi nya na nakangiti.

Ang ngiti nyang nakakatunaw. Ang ngiting labas dimples na parang Aga Muhlach ang dimples. Jusko kainlove. Nag umpisa na nag orientation. Halos five hours din ang orientation kaya nang natapos nagmamadali ako umalis sa gym kasi ang init tapos gutom pa ako pero may biglang humawak sa aking balikat.
Napalingon ako at so ''boy dimples'' nanaman ang nasa likod ko.

''Hi ulit.'' sabi ni Ethan na nakangiti.

''Ui, Hi. Sensya 'di na kita hinintay nagugutom na ko eh tsaka mukhang uulan na wala kasi ako payong kelangan ko na makauwi agad.'' Tugon ko.

''Tara meryenda tayo. Libre ko.''

''Ha? Nako wag na. Nakakahiya unang meet pa lang natin libre mo na ko. Ok lang. Sa bahay na lang.''

''I insist. Sige na.''

Nilibre niya ako sa Greenwich sa Session Road. Habang kami ay kumakaing ng pizza, napag-usapan namin ang school, ang pamilya at personal na bagay. Duon ko nailabas ang pagiging madaldal ko. Hindi ko namamalayan ang oras at mag 7pm na. Dahil may curfew ako kelangan ko na makaalis duon.  Paano ko tatapusin ang conversation na to na di nakakabastos? Jusko. Think fast. 

''Uh, Ethan kelangan ko na umuwi. Mag gagabi na kasi at saka may curfew kasi ako. '' Sabi ko na inaayos na ang aking bag.

''Its ok. I understand. Tara na.'' Sabi nya na tumatayo na at himintay ako maghanda.

Biglang bumuhos ang ulan ng palabas kami ng Greenwich. Nagpapanic na ako. Siguradong mapapagalitan ako kapag di ako/nakauwi agad. Wala naman ako pantaxi. Tapos wala pa ako phone. Nako! patay talaga ako nito.

''Here.'' Sabi ni Ethan na iniaabot ang payong. ''Hiramin mo muna. Balik mo na lang bukas.''

''Hala, wag na ok lang. Promise. ''Sabi ko na di inabot ang payong.

''Wag ka na mahiya. Kunin mo na ito. Nakikita ko kasi sayo na-tetense ka na baka pagalitan ka.Nabanggit mo kanina strict parents mo, so for a better solution, hiramin mo na itong payong ko.''

May point siya. Kinuha ko yung payong at ngumiti. ''Salamat. Paano ka?"

''Ok lang ako. Malapit lang naman boarding house ko eh.''

''Salamat uli. Ingat.'' Bubuksan ko na sana yung payong naalala ko paano ko ibabalik sa kanya? Hindi ko nga alam kung kaklase ko siya at wala pa ako cellphone. Tumingin muli ako sa kanya at ang kanyang mata na malambing at ngiti ang sumalubong sa akin.''Paano ko pala ibabalik sayo 'to?''

''Oo nga noh.'' Sabi nya na tumatawa at kumakamot ng ulo. ''Akin na cellphone mo i-input ko number ko.''

''Wala ako cellphone eh. Wala sa budget.''

''Sige. Wait.''Kinuha niya ang kanyang schedule card at binigay sa akin.

''Eh paano ka bukas wala ka copy ng room at oras ng klase mo.''

''It's alright. May copy na ko nyan sa phone.''Pinakita niya phone niya.''Hanapin mo na lang ako dyan sa sched na yan na pang bukas.''

''Sige. Salamat muli.''

''Ingat ka.'' Sabi niya na nakangiti.

Kinabukasan, hinanap ko siya para ibalik ang payong. Kahit na 1030 am pa klase ko pumasok ako ng 7:30 para hanapin siya sa first class niya. Papalapit pa lang ako sa classroom niya, nakita ko na siya nag-aabang sa labas ng klasrum. Baliw na ata ito. Lagi na lang nakangiti.

''Good morning.''Masaya niyang bati sa akin.

''Good morning din. Ito pala yung payong mo. Thank you. Bakit ka nasa labas ng klasrum? Baka dumating prof niyo.'' Sabi ko.

''Welcome. Glad that I could help.'' Sabi niya na inaabot ang payong. ''Kasi gusto kita abangan. Para di ka mahirapan na hanapin ako.''

''Ah.'' Sabi ko na natawa. Umasa ako sasabihin niya na gusto niya uli ako makita. ''Sige aalis na ko. May klase ka eh. So see you around.''

Hinawakan niya kamay ko at napatigil ako. ''Wait mo ko after 15 minutes. Breakfast tayo.''

''Ha? Kumain na ako. At saka may klase ka na next di ba?"

''First day pa lang naman. Hindi naman siguro magdidiscuss eh. Please? Tour mo na din ako dito sa Baguio.''

''May klase pa ako ng 10:30.''

''Sige na. Please.'' Sabi niya na nanlalambing.

Hindi niya pa binibitawan ang kamay ko. Namumula na ako. Hindi ko alam kung dapat ba na kikiligin ako. ''Sige. Pero Burnham lang ha. Para makabalik tayo sa school before 1030."

''Deal. Pasok lang ako saglit.''

Dahil wala pa silang prof umalis na ang mga kaklase niya kasabay si Ethan. Nagbreakfast kami sa McDo at pagkatapos dumeretso sa Burnham. Nilibot namin ito ng buo pagkatapos naisipan niya na magbike at magboating. It was his first time daw na malibot ang Burnham.

''Bakit naman first time mo? Hindi ba kayo lumibot sa Baguio nung childhood days mo?" Sabi ko.

Binitawan niya ang sagwan at huminga ng malalim. ''Well, lumaki kasi kami lahat ng kapatid ko sa Taiwan. Duon kasi nagtratrabaho parents ko. Nung nagretire na si mama bilang  nurse at naiwan sina papa at dalawa kong ate na may asawa na duon, tsaka naming naisipan na bumalik dito sa Pilipinas. Actually, tinapos ko na nga dito fourth year high school ko. Tapos nung bakasyon bumalik kami uli sa Taiwan kaya no time talaga na magpasyal.''

''Ahh, so Taiwanese ka?'' Sabi ko.

''Yep. Duon kami ng kapatid ko pinanganak except yung panganay.''

''Yaan mo. Sa sunday sa ibang lugar naman dito sa Baguio. That is, if your not busy.''

''I'll see to it na hindi.'' Sabi niya na nakangiti.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 22, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

She's The OneWhere stories live. Discover now