Chapter 3

69 0 1
                                    

Napatingin ako sa bintana.Pumapatak na ang ulan at wala akong dala na payong. Sana ulan ako at siya ay lupa, para kahit sa ayaw at sa gusto mo sa akin pa din ang bagsak mo. Ano ba to, binabanatan ko sarili ko. Lumilipad ang kanyang utak dahil siya ay nababagot na sa kanyang upuan habang nagsasalita ng mahinahon ang kanyang instructor ng Feedback and Control Systems. Hanggang sa napansin ng aking instructor na hindi ako nakatingin sa blackboard.

''Ms. Ramirez! Baka gusto mo na magbilang ng ulan kesa makinig sa topic natin.'' Sabi ng aking instructor na matandang dalaga.

Namula ang aking mukha at napayuko. ''Sorry ma'am.''

''Pakisolve ito sa board. Mukhang attentive ka kanina eh.''

Nagtawanan ang aking mga kaklase at ako ay tumayo pumunta sa harap at kinuha ang chalk sa kamay ng aking instructor. Shit naman. Kasalanan ko ba na boring siya magsalita at mas naging interesado ako na pakiligin ang aking sarili kahit onti lang? Haaay. So ang topic ay Laplace Transform. Natapos kong i-solve chineck ko munang mabuti baka naman mali ako mahirap na ma-combo. Nakayuko pa din ako at nagmadaling naupo.

Tinignan ng aking instructor ng maigi ang aking solusyon. ''Alright. Tama. Let's go back to our topic...''

Kinalabit ako ni Angelo na nakaupo sa likod at bumulong. ''Okay ka lang?"

Lumingon ako at nagthumbs up. ''Ako pa. Tigasin to pre.''

Nag-umpisa nanaman siya. Haay. Hindi ko namalayan ang oras at nagring na ang bell. Lahat ay nagmamadaling umalis ng room. Kinuha ko ang aking bag at libro at nagmadali na ding umalis.

''Naomi!'' Sabi ni Angelo.

Lumingon ako. ''Oh, Gelo. Ano atin?''

Naglalakad kami sa hallway at nagsisiksikan sa dami ng mga studyanteng na-dismiss ng 5:00 pm.

''Uwi ka na ba agad? Tara meryenda muna tayo. Sagot ko.''

''Ahh. Hindi kasi pwede eh. Tutulong kasi ako sa talyer ngayon. Wala kasi mga kuya ko na tutulong kay Papa.''

''Ganun ba. Sayang. Next time?''

''Oo naman. Kaso, uuwi na sana ako wala naman ako payong. Haaay! kung kelan naman na nagmamadali ka oh.''

''Sabay ka na sa akin. Ihatid kita sa inyo.''

''Nakakahiya naman. Hintayin ko na lang tumila ang ulan.''

''Wag ka na mahiya. We're friends right? And that what friends should do. Help each other. Halika na.''

Wala naman ako choice. Kelangan ko na tumulong sa talyer kaya pumayag na ako. Naka-park ang kanyang kotse sa SLU Hospital. Sa dalawang taon na magkasama kami nitong si Gelo, ngayon ko lang nakita ang kanyang kotse. Jet black na Toyota Camry 2012 ang kanyang kotse na iniregalo sa kanya ng kanyang stepfather. Pinagbuksan niya ako ng pintuan ng kanyang kotse habang hawak ang kanyang payong. Nang nakapasok na ako at nakaupo, sinarado niya ang pintuan at nagmadali siya na pumunta sa driver's seat.

Sinindi na niya ang kanyang kotse at iniligay ang payong sa likod. ''Nako, Baka may bagyo. Ang lakas ng ulan.''

''Oo nga eh.'' Tugon ko naman.'' Naks naman Gelo, RK (RichKid) ka pala ah. May four-wheels ka pala.''

''Hindi ako mayaman. Yung stepfather ko lang at mga half siblings ko.'' Sabi niya na nagmamaneho. ''Well, hindi ko naman hiniling na magkakotse eh. Gusto lang mapalit ng stepfather ko sa akin.''

'' Bulgarian siya, right?''

''Yep. Balak nga na nila mommy na magmigrate duon... Ayaw ko.''

''Eh bakit naman?''

''Basta... May isang bagay kasi ako na hindi ko maiwan-iwan.''

''Sus! Bagay lang naman pala. Kala ko naman kung sino. Pero buti ka pa. Alam mo pahalagahan ang mga taong o ang mga bagay sa paligid mo.''

"Ang drama na natin. Kaya tayo hindi nagkakalovelife na dalawa.''

Tumawa kaming dalawa.

" Hayaan mo na yang lovelife na yan. Bakit ikakamatay mo ba kung wala ka lovelife?''

''Ang pait naman ng kasama ko dito. Hinay-hinay lang.''

Tumawa ako.''Nako, believe me. Anyway, may tanong ako Gelo. Sana wag mo mamasamahin ha?"

''Sure. Aano ba yun?'' Sabi niya na nagmamaneho pa din at nakatingin sa daan.

''Bakit ka pa single? I mean ang gwapo mo naman. Kahawig mo nga si Hwang Tae Kyung ng You're Beautiful.''

''Lagi mo ako kinocompare dun. Hindi ko naman siya kamukha. Mas pogi siya.''

''Sus, totoo naman. Wala naman ginawa si God na pangit ah.''

''So, kasali ka dun. Ikaw ay maganda.''

''Oh, bakit sa akin na naipasa?'' Sabi ko na natatawa. ''Sagutin mo na kasi tanong ko.''

''Kasi... Humahanap kasi ako ng tiyempo na ligawan siya. Lagi kasi siya umiiwas eh.''

Tinigil niya ang kotse sa harap ng talyer. Natahimik kami ng mga oras na yun. Hanggang sa pinindot ni Gelo ang unlock button duon na nagkausap kami.

''Una na ako. Salamat ha? Ingat ka Gelo.'' Sabi ko na nakatingin sa kanya at ngumiti.

''Walang anuman. Hatid na kita sa loob.''

Bumaba siya sa kotse at pinagbuksan ako ng pinto. Gentleman. Impressive. Hinatid niya ako hanggang sa loob ng talyer. Kausap ng tatay ko si Mang Eming na nasa ilalim ng volkswagen na puting kotse na nag-aayos. Ang tatay ko ay nakaluhod naman at tinatanggal ang gulong. Nagkwekwentuhan sila ng nakita ng aking ama na paparating ako at may kasamang lalaki.

''Pa!" Sabi ko na humalik sa kanyang pisngi at nagmano.

''Kaawan ka ng Diyos.''Tugon ng aking ama.

"Hi ninong.'' Sabi ko.

Itinulak ni Mang Eming na ninong ko ang creeper at umupo. Iniabot niya ang kanyang kamay at ako ay nagmano. ''God bless you, inaanak. Aba, nag-iba yata ang ihip ng hangin. Nagdadalaga na si MiKay ah. May dinadala na lalaki sa bahay.''

''Nako po, ninong. Kaibigan ko po siya. Pa, 'nong si Angelo po. Gelo si papa ko at ang pogi kong ninong.'' Sabi ko.

Nakipag kamayan si Angelo sa ninong at tatay ko. ''Good afternoon po. Nice meeting you po.''

Nagtataka ang aking ama at ang aking ninong. mukhang di sila satisfied sa king explanation.

''Oh ikaw na muna bahala kumpadre. Nandito na ang Mechanico Jr. mo. Susunduin ko lang si Jr. Mahirap na mapagalitan ni misis.'' Sabi ni ninong na tumayo mula sa pag kakaupo sa office.

''Si ninong talaga, bolero. Malapit na ang pasko.'' Sabi ko na may paglalambing.

Tumawa ang aking ninong. ''Nako, apat na buwan pa. Dapat nga 'di ka na nireregaluhan 21 ka na oh.''

Tumawa kami at siya ay nagumpisa na mag-impake.

''Mauna na ako.'' Sabi niya na nagpunas ng kamay at kinuha ang backpack tsaka nagpaalam muli.

''O sige. Ingat kumpadre salamat uli sa tulong.''

She's The OneWhere stories live. Discover now