Alexandria's P.O.V
Nagising ako dahil sa ringtone ng phone ko..ang sakit ng ulo ko nasobrahan yata ako sa inom kagabi minulat ko yung mata ko ng dahan-dahan at nagulat ako kasi wala ako sa sarili kong kwarto wala akong matandaan sa nangyari kagabi nasaan ba ako? Ang sakit pa rin ng ulo ko "hangover?" Napalingon ako sa katabi ko at nagulat kaya bumangon agad ako "cloud? What happened last night?" Tumayo sya at pumunta sa drawer na katabi ko ngayon ko lang na-realize na wala syang suot na damit at naka short lang "Di mo talaga natatandaan?" May hawak syang gamot at ipinatong yun sa ibabaw ng drawer umiling lang ako at napatingin sa damit na suot ko hindi na to yung suot ko kahapon at...hindi to akin.
"Kanino tong damit?" Sabay turo dun sa suot ko "akin..wala ka talagang natatandaan?" Tinignan ko yung phone ko at 11:30 na masakit pa rin yung ulo ko pero di na ganon kalala katulad kanina "wala nga" tumango-tango sya "tinawagan ko si allison kagabi at sinabi kong naglasing ka...sinabi nya na di kita pwedeng ihatid sa inyo na lasing ka..dalhin daw muna kita dito sa condo ko at sya na bahala magsabi kina tito na di ka makakauwi.." sinabi nya kay allison? "And?" Tanong ko sa kanya "and dinala nalang kita dito pero nagising ka nung binaba kita dito sa kama akala ko nahimasmasan ka na pero di pa pala pinilit mong tumayo pero di mo kaya kasi nga napilayan ka kaya nagpatulong ka sa akin pero bigla kang nagsuka..sinukahan mo lang naman yung damit mo at yung napaka ganda kong damit" yabang tss talaga? Nangyari yun? "Nagpadala ako ng isang kong damit sa yaya namin di ko pa kasi nadadala yung iba kong gamit dito at di ko rin naman alam na magsusuka ka kaya isa lang pinadala ko...pinabihisan kita sa yaya ko at pinalabhan ko sa laundry shop yung damit natin.." ang natatandaan ko lang andun ako sa bar tapos bigla syang sumulpot sa tabi ko..teka napilayan ako? Paano?
"paano ako napilayan?" Tinanggal ko yung kumot ko at tinignan yung paa ko namamaga sya konti naka cycling short naman ako natatakpan nga lang ng t-shirt ang laki kasi ng t-shirt nya "nagmamagaling ka kasi nung nasa bar ka ayan natumba ka buti nga nasalo nagkamali yata ng bagsak yung paa mo" ang yabang talaga "magpapadeliver lang ako ng lunch natin inumin mo yang gamot para sa sakit ng ulo mo..iinom inom ka di mo naman pala kaya" bago sya lumabas tinawag ko ulit sya "paano ko to iinumin kung walang tubig?" This time nakataas na yung kilay ko "marunong ka naman siguro mag hintay? Kukuha lang ako ng tubig mo prinsesang maldita" lumabas na sya ng kwarto at ako naman napa-irap na lang at kinuha yung gamot tsaka binuksan ayoko talaga sa lahat ng gamot yung tablet ang pangit kasi ng lasa "eto na tubig mo mahal na prinsesa" may binulong pa sya pero di ko gaanong narinig kinuha ko nalang yung tubig at tsaka tinignan yung gamot "di yan mapupunta sa bibig mo kung titignan mo lang...wag mo sabihing takot ka dyan" naka evil smile na sya ngayon di ako noh "ako? Takot sa gamot? Hindi no" sabi ko sabay subo dun sa gamot uminom agad ako ng tubig at niloko para di ko malasahan pero nalasahan ko pa rin konti pinilit kong di magreact sa lasa at mukha namang nagtagumpay ako.
"Dun ka na nga magpadeliver ka na ng pagkain dalian mo gutom na ako" sabi ko sakanya at pinagtabuyan na sya buti naman at tumayo na sya "ganyan ka pala magthank you..welcome ha welcome" sarcastic nyang sabi inirapan ko nalang sya at lumabas na sya ng kwarto di nya gaanong sinara yung pinto..at ako naman tinignan nalang yung phone ko at nag fb buti nalang at saturday ngayon makakapag pahinga ako.
Humiga muna ako habang nage-fb may lumabas na notification may nag post dun sa section 2 sa school namin picture namin ni....cloud? Eto yung niyakap niya ako sa may sakayan ng taxi..may kumuha pala ng picture
"Confirmed that alexandria and cloud is dating"
What kind of issue is this? Bahala nga sila maniwala sila kung gusto nila lilipas din naman yan "dalian mo kumain at ihahatid na kita sa inyo" inabot nya sa akin yung tray na may mga pagkain syempre may plato kaya umupo na ako "nasa bahay sila dad" tinignan nya ako tsaka tumingin sa phone nya "tumawag nga sa akin si tito ang alam nya nag-hotel ka kaya pinadaanan ka nya sa akin" ganun ba talaga sila kung mag tiwala dito sa lalaking to "wag mo ko masyadong titigan alam kong gwapo ako pero baka matunaw ako" di naman ako nakatitig sa kanya "di kita tinititigan ang kapal mo" kumain na lang ako at di na sya pinansin.
BINABASA MO ANG
The Heartless Girl
RandomMayaman.. Maganda.. Matalino.. Nasa kanya na ang lahat pero di pa rin sya masaya...kahit kelan walang nagtangkang makipag kaibigan sa kanya lahat sila takot sa kanya... Cold as ice... Heartless... Mysterious Forever alone Ganyan sya kung i-describe ...