Chapter 8 *Umbrella Guy*

237 5 4
                                    

Chapter 8

*Umbrella Guy*

♔ Iris' POV ♔

"anak! Anak! Gising na!"

Waaa! Buti na lang ginising ako ni Mama.

Tumakbo na ko agad sa CR. Naku naman! Male-late naman yata ako nito!

After maligo ng mga 5 minutes naman siguro eh kumain na ko ng mga 30 seconds lang yata! Yeah, believe it or not! 30 seconds!!

Baka kasi madalang na naman ang jeep na dumaan ngayon. Naku po! Lagot na naman!! >///

Lumabas na ako ng house! Waaaa! It was a cloudy day. Mukhang uulan. May dumaan na jeep kaya naman pinara ko at sumakay na agad ako. WEEEEEE! Maaga kong makakapasok today!!

Pagdating sa campus, bumaba na ko. Kaso, sad to say. Bumuhos na ang malakas na ulan. At itong mga schoolmate kong bumaba rin ng jeep, may mga payong.

Worst! Disaster!! Dapat pala nagdala ko ng payong!

Siguro kailangan ko na talagang sagupain ang malakas na ulan...

Sinukbit ko na ang bagpack ko at nag-ready na para umalis dito sa waiting shed na harap lang ng school. Hayaan muna! Mabasa na kung mabasa!

Isa.

Dalawa.

Tatlo.

Tatakbo na talaga ko pero may humigit ng kanang braso ko.

"anong gagawin mo?"

Dugdug. Dugdug.

Ah, si Prince Billy. May hawak na payong.

"t-tatakbo papasok. Wala kong payong eh." sabi ko saka ngumiti.

"halika. Sukob ka na."

WHAAAAAAAAAAAATT?!?! O_O

"h-ha?"

"sabi ko, subok ka na. Tutal papasok na rin ako sa loob."

Kinilig naman daw ako! Pero... What should I do? Makiki-sukob ba ko?? Baka kainin ako ng buhay ng mga fans nya!

Pero paano naman ang kinabukasan ng mga gamit ko sa bag ko at ng uniform ko kung di ako susukob at magpapakabasa ako, di ba?

Sige na nga!

"s-sige. Tayo na!"

So, ayun. Pumasok na kami sa loob. And even it is raining, malakas pa rin pala ang signal at radar ng mga avid fans ng lolo mo dahil habang naglalakad kami sa hallway, may mga nakakasalubong kaming masasama ang tingin sa akin. Jusko!

Sa akin ba talaga nakatingin o masyado lang akong assuming??

Hindi eh! Sa akin talaga!! Diyos mio marimar naman! Lagot na naman ako sa mga to!

Napahinto kami sa Locker Area. Bakit kaya?

Inabot nya sa akin ang payong. "oh, mauna ka na. May kukunin lang ako. Salamat nga pala kagabi."

Tumalikod na sya saka pumunta sa mga locker ng mga boys. Ako naman?

Eto naiwang tulala. Hoy, Iris! Gising!

Natutuwa lang kasi talaga ko. Kasi naalala niya pa yung pagtulong ko sa kanya kagabi.

Tapos, ngayon. Pinasukob nya ko sa payong niya...

Kaso, hindi pwede maging assuming ang lola nyo. Hindi ngunit natulungan ko sya kagabi, friends na kami.

Alam ko naman na pinasukob nya lang ako kasi bilang pasasalamat sa pagtulong ko sa kanya eh...

Mahirap kasing mapadikit sa mga katulad niyang sikat. Mabubully ka na nga tapos isama mo pa ang mga matatalim na tingin sayo ng mga babae dito sa campus.

Darn! Hayaan mo na nga!

Basta natutuwa pa rin ako. Kasi pinasukob niya ko today.

Thank you, My Umbrella Guy!

***

AUTHOR'S NOTE

Tada! Chapter 8 here! Vote and comment please...

The Campus Prince (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon