Chapter 28: Prom (2 of 2)

4 0 0
                                    

Chapter 28: Prom (2 of 2)

February 14.
Prom night

“Anak, ayos lang ba ‘yung gown? Kasya lang ba sa’yo?” Tanong ni mama nung matapos kong suotin ‘yung gown na pinagawa niya pa sa kaibigan niyang dressmaker na Deity daw ang pangalan.

Humarap ako sa kanya at ngumiti. “Oo naman, ma! Okay na okay ‘tong gown na ‘to! Ang ganda-ganda nga po!”

Isang rainbow-colored gown ang suot ko ngayon. Simple lang ang design nito pero para sa’kin ayos na ‘to. Mukhang mamahalin at minsan lang talaga ko makapagsuot ng ganito.

“Mabuti naman at nagustuhan mo, anak. Oh, ano? Ready ka na ba para sa prom niyo?”

Tumango ako. “Ready na ko, ma.”

Simple lang naman ang ayos na ginawa ko sa sarili ko. Tinali ko lang ‘tong buhok ko at nilagyan ni mama ng lipstick ang labi ko.

Malapad ang ngiti ko habang pinagmamasdan ang sarili ko sa salamin. Eto na. Eto na talaga ang gabi ng prom namin! Sobra akong excited.

“Anak! Nandito na si Mang Rey! Siya ang nakausap kong maghahatid sa ‘yo sa school ninyo,” sabi ni Mama.

Lumabas na ako at nakita ko nga ang tricycle ni Mang Rey. Nagpasalamat ako kay Mama at sumakay na sa tricycle. Hindi mawala ang ngiti ko kahit ang hangin sa tricycle at feeling ko ay masisira ang ayos ko. Sobra talaga ang excitement na nararamdaman ko. Hay, sana talaga magka-sparks ang gabing ito.

“Dito na po Mang Rey!” sabi ko kay Mang Rey at inihinto niya ako sa tapat ng gate ng school.

Ngumiti ako pagbaba ko. Nakakita pa ako ng mga estudyanteng tumatawa nang makita nila akong bumaba ng tricycle pero deadma na lang. Wala akong paki sa kanila. Walang makakasira ng gabi ko.

Bitbit ang laylayan ng gown ko ay dahan-dahan akong naglakad papunta sa auditorium ng school kung saan gaganapin ang prom. Napatingala ako sa langit habang naglalakad at napansin kong maliwanag ang mga bituin ngayong gabi.

Para akong tanga na huminto sa paglalakad at tumingin sa mga nagliliwanag na bituin. “Dear shining stars, sana maging magical ang gabing ito para sa akin. Sana, katulad n’yo, maging maliwanag at nagniningning din ito.”

Bahagyang natawa ako sa mga lumabas sa bibig ko at tumuloy na sa paglalakad. Nang malapit na ako sa auditorium ay narinig ko na ang tugtog mula sa labas. At nang tuluyan na akong makapasok sa loob ay napaawang ang mga labi ko.

Ang gandaaa!

Na-starstruck na yata ako sa ganda ng pagkakaayos ng aming auditorium. Punung-puno ito ng mga kulay pulang heart balloons na nakalutang sa ere. Tila nagsasayaw rin ang mga ilaw na kulay pula, orange at yellow sa saliw ng magandang musika na tumutugtog.

Okay, eto na talaga.

Isang lalaki ang lumapit sa akin na ikinabigla ko. “Iris? Iris from Section A?”

“Ah… oo. Hi!”

Ngumiti siya at akmang may sasabihin pa pero may isa pang lalaking biglang sumulpot sa harapan ko.

“Good evening, beautiful lady.”

Literal akong napa-nganga nang dumapo ang mga mata ko sa mukha niya. Mukha siyang isang literal na prinsipe dahil sa suot niya. Ang gwapo-gwapo niya!

Nag-ningning ang mga mata ko. “J-Jairus… Jairus!”

Ngumiti siya at kinuha ang mga kamay ko. Mas nagulat ko nang unti-unti niya itong nilapit sa kanyang mga labi at hinalikan. Naramdaman kong uminit ang mga pisngi ko.

The Campus Prince (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon