Chapter 2 *second time around*

330 4 0
                                    

Dedicated to PrincessMae9. Thanks sa po sa cover! Sana mabasa mo to. Vote and Comment, please...

Chapter 2 

*second time around*

♔ Iris POV ♔

Pagdating ko sa canteen, bakanteng table agad hinanap ko.

Nakakita naman ako agad saka umupo na. Pumila na ko para bumili ng... ano nga ba bibilin ko??

Tinignan ko mga tinda. Chocolate Mousse, Coffee Ecclair, Hamburger, Blueberry Cheesecake, Black Forest Cake, etc.

Grabeng eskwelahan 'to! Kamamahal ng tinda sa canteen! 'Di ko afford!!

Tiningnan ko ang junkfoods. Hmm... Eto na lang. Eto lang naman katapat ng pera ko...

Bumili ko ng Piattos at tubig na lang ang kinuha ko. Hindi naman kasi ko mayaman para bumili ng mga mamahaling pagkain. Isa pa, hindi malaki ang baon ko.

Narinig ko ang mga boses ng limang babaeng nasa katabi kong table. Mga senior na rin sila pero 'di ko alam sections.

"grabe! Ang gwapo talaga ni Jairus! Nakita ko siya kanina!"

"weeee! Oo nga! 'Pag nakita ko siya pi-picturan ko na talaga siya!"

"basta si Billy ang sa akin! Ang gwapo niya!! He's really a prince!"

"speaking of Billy. Bakit 'di ko yata nakita 'yang Campus Prince na 'yan ngayong araw??"

Sumagot naman 'yung babae kaninang nagbanggit ng pangalang Billy. "may labnat eh! Hahaha!"

Kaloka 'tong mga 'to! Parang celebrity na kung ituring 'yung Campus Prince. Samantalang ako, 4 years na ko dito sa Autumn Academy pero ni minsan hindi ko pinagtuunan ng pansin yang Campus Prince, Campus Heartthrob, at mga campus campus chuchu na 'yan.

Wala talaga kong pakialam diyan! Ni hindi ko nga rin kilala mga 'yun eh! Wala naman ako kasing time maging avid fan. Kung sana kikita ko ng pera sa pagiging fan, go na ko! Eh 'di naman eh.

Hay! Makabalik na nga sa classroom!

Tumakbo ko papunta sa classroom at nasa labas pa lang ako, narinig ko ng may teacher na nagsasalita.

Shiopao!! Shiomay!! Lugaw!! Ang booby bird ko!!

Nakalimutan kong may next class pa pala!! Waaa! Paano na future ko??

Teka, teka Iris. 'Wag ka ngang OA!

Unti-unti akong lumakad papuntang doorway at... GOTCHA!! All eyes are on me! I'm dead! I'm effin dead!! >___<

Napatingin sa 'kin yung teacher. "good morning ma'am," sabi ko saka ngumiti.

"yes? What do you need? Do you belong in this class?"

"ah, yes ma'am."

"why you're late?"

"I have been to canteen."

Nagtawanan mga classmate ko. Napatingin ako kay Jairus. No reaction. Tahimik lang siya. Pero... psssh. Napahiya ako sa harap niya. Lupa, lupa - este semento, kainin mo na ko!!

"what? At this time already?" O_O

Napayuko ako. "yes ma'am. I'm sorry."

"ok. Come in."

Sigh. Thank God! Pumunta na ko sa upuan ko.

"bakit ka na-late?" pabulong na tanong ni Jairus.

"'di mo ba narinig? Pumunta ko sa canteen."

"bakit?"

"syempre kumain. Hindi ako nag-breakfast eh."

"miss late comer ka talaga."

Hay naku! Nagtataka talaga ko kung bakit ako nito kinakausap. Hindi naman kami close??

FC lang siya ganun? Hmm... Ok lang. Handsome creature naman siya!!

After 2 subjects, lunch na. Lumabas ako ng room at pumunta na sa canteen. Hassle kasi, 'di ako nakagising na maaga. Ayan tuloy, 'di ako nakapagbaon ng lunch. Kabawasan pa sa iniipon ko 'pag bumili ko ng kanin at ulam.

Mamahalin pa naman mga pagkaing tinda dito. -___-

So, ayun. Ok naman lunch ko. Wala namang such encounter like pangla-lait at pang-bubully sa 'kin.

Thank God! Hindi napansin ng mga bitch na mga mapanglait ang beauty ko. Dahil 'pag naghamon sila, makakasapok na naman ang lola nyo! XD

After 2 subjects this afternoon, pumunta na ko sa Gymnasium. Doon kasi 'yung last subject namin, Personality Development.

Yup! Personality Development! Ewan ko ba kung bakit kailangan pa 'yan eh, dalaga't binata na kami. Alam na namin mag-ayos ayos ng sarili. I think dapat lang ang subject na 'yan sa mga Nerd, o sa mga taong hindi nage-exist sa utak ang salitang "FASHION". Pero syempre sosyalin ang Academy na 'to kaya may ganyan pang trip.

Sa kadadaldal ko, nakarating na ko sa Gym. Ayun. Walang ginawa 'yung teacher kundi ang nagpakilala lang then dismiss na. Tomorrow na lang daw magi-start.

Ayos pala eh! Tumakbo papalabas ng campus at pumunta sa tabing daan. Baka kasi hapunin ako ng pag-uwi. Minsan kasi madalang ang dumadaan na jeep.

May dumaan naman kaya nakasakay ako agad.

Pagdating ko bahay, sinalubong ako ni Ishi at ni Ivan. Oo nga pala, 'di ko pa nasasabi. May dalawa akong kapatid. Si Ishi, 11 years old na. Si Ivan naman 9 years old na.

"ate! Binilhan mo ba ko ng pasalubong?"

"bunso naman. Papasukin mo muna ang ate sa bahay." pumasok ako sa bahay naming barong-barong at sinundan naman ako ng makulit na si Ivan.

Binaba ko bag ko sa upuan. "hindi kita nabilhan eh, kulang ang pera ng ate. Hayaan mo, bibigyan kita ng barya bumili ka na lang kay Aling Marta ng stick-o, okay?"

"sige, ate!"

The Campus Prince (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon