Chapter 4 *Saviour*

296 5 2
                                    

Chapter 4 

*saviour*

♔ Billy's POV ♔

Late na kooooo 

Tumakbo ko sa CR para maligo. Letseng buhay 'to! Bakit ba ko tinanghali ng gising?

Pagkayaring maligo ng 5 minutes siguro, kumain na rin ako na madalian. Lumabas na ko ng gate ng bahay namin. Hindi ako magkokotse ngayon kaya pumunta na ko sa tabing daan para mag-abang ng jeep.

Grabe! Nakakainis yung mga schoolmate kong mga babae dito sa jeep! Abot ang mga tili.

"uy si Prince Billy!"

"waaaa! Si Prince Billy!! Ang pogi niya talaga!"

"Prince Billy, can you be mine?"

Tss. Mga babaeng 'to! Nakakasawa ang mga bunganga. Puro Prince Billy! Akala mo namang Prinsipe ako samantalang tao lang din naman ako!

After 8 minutes, huminto na ang jeep. Nandito na ko sa school. As usual, may mga babae na namang naka-abang na sa Main Gate. Nagulat pa nga yata yung iba nung nakitang sa jeep ako bumaba.

Dumiretso na ko sa classroom. Anak ng patis! Ang daming babaeng nakaharang at naghihintay sa daan. Parang may prinsipeng hinihintay. Sabagay, mukhang prinsipe naman talaga ko! Huh! Sa gwapo kong 'to talagang magkakandarapa sa 'kin yang mga 'yan!

Tama na nga, hayaan mo na 'yan. Tumuloy na ko sa building namin at sa room ng Section A.

As usual, late na naman akooo! Edi kayo na! Kayo na ang maaagang pumapasok!! Ako na ang late! Letse!

Ramdam na ramdam kong nakatingin sa kin lahat hanggang makarating ako sa upuan ko.

"pardz, kailan ka ba papasok ng maaga, ha?" si Jairus. Siya nga pala ang seatmate ko.

"next year na lang, pardz. Tinatamad pa rin akong gumising na maaga eh,"

"hahaha! Ikaw talaga!"

Si Jairus nga pala ang bestfriend ko. Pre-school palang friends na kami. Sikat din 'yan dito sa campus at pinagkakaguluhan ng mga babae.

Kilala sya dito sa Academy bilang "Chinito Prince." Oo! Prince na naman! Parang nasa England tayo, hano?

"ok class. Sino ang mga late for today? Kindly raise your hands."

I raised my right hand.

"so, Mr. Billy Mercado. Sino pa?"

"ohayo gozaimasu!" ^_^

[Ohayo Gozaimasu - Good Morning]

Biglang dumating ang magaling kong pinsan na si Autumn. Kita mo 'yun? May mas late pa pala sa 'kin?

Dire-diretso siya sa chair niya.

"so, Ms. Autumn Hamasaki. Who else??"

"good morning po!"

Eto pa! May humahabol! Sino na nga ba 'to? Di ko kilala eh.

The Campus Prince (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon