2nd

332 13 0
                                    

Sa pagiging maligalig ng utak ko, natanong ko sa sarili ko,

 "Paano ba talaga ako nagawa?"

Wow diba? Parang pang movie lang. Scientifically, nabuo tayo dahil sa  pagtatagpo ng Sperm cell ng ating ama at Egg cell ng ating ina noong sila'y .....*alam mo na. mehehehe~*. Tinuro naman ito noong grade 5 tayo diba? Kasi doon tayo nagsisimula na magtalakay ng patungkol sa Reproductive system.

Naalala ko, noong grade 1 ako mayroon akong kaklase. Minsan tinanong ko,

"Paano ka nagawa?"

 (Oo tinanong ko yan! Syempre yan yung edad or phase ng buhay natin kung saan usong uso sa atin magtanong tanong ng kung ano ano)

Tapos sabi niya, nagawa siya kasi nagkiss ang nanay at tatay niya. At ako naman, dahil wholesome ako, naniwala ako na nakakabuntis ang kiss noon kaya kapag nagkikiss si papa at mama pag pupunta nang trabaho si papa, iniisip ko magkakaroon ako ng kapatid dahil sa "Kiss na nakakabuntis" thingy nung klasmeyt ko. Hindi ko alam kung hanggang kelan ako nalinlang at nagpaalipin sa "kiss na nakakabuntis" na yan. Pero wait! There's more!

May isa din akong klasmeyt. Tinanong ko din sa kanya yung tanong na,

"Paano ka nagawa?"

Kung yung isang klasmeyt ko ang nagpauso nang "Kiss na nakakabuntis", itong klasmeyt ko na ito naman ang nagpauso nang "Hug na nakakabuntis." Sabi nya nung naghug daw ang nanay at tatay nya nagawa ang kapatid niya. Hindi ako naniwala sa sinabi ng klasmeyt ko na ito. Hindi naman sa hindi kapanipaniwala pero sadyang hindi kami close! Mehehehe~

Pag naiisip ko yung mga yun, hindi ko maiwasang hindi mapangiti. Mula sa konsepto ng "Kiss na nakakabuntis" hanggang sa konsepto nung hindi ko ka close na "Hug na nakakabuntis".

Nabuo tayo at isinilang dito sa mundo dahil nagmahalan ang ating mga magulang (pero mayroon din naman yung mga pagbubuntis na hindi planado, o di kaya'y bunga ng hindi magandang gawi tulad ng ... alam niyo na.) Pero kahit ano man or sino man or paano man kayo ginawa, ang importanteng dapat na isipin ninyo ay ipinanganak kayo dahil may rason at purpose ka, maniwala ka kay Lord. Binuhay ka nya for a reason. Siguro ipinanganak ka para ikaw ang papatay sa corruption ng bansa, o hindi naman kaya'y isa ka sa makaka diskubre  nang gamot para sa cancer o hindi naman kaya'y ipinanganak ka para basahin ang sulating ito. Mehehehe~

Chillax! Enjoy life mare!

Tanong:

Paano ka ginawa?

Anong pinagkakaabalahan mo?

Kwentong TAMBAYERS at ibp.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon