6th

20 1 0
                                    

Hello. Ako to ulit.

ok. eentrada agad ako.

Napanood mo na ba yung 100 Tula Para Kay Stella?

bakit ko natanong? wala lang. Gagawin ko kasing 100 Chapter to. HAHA! joke lang!

Pero napanood mo na ba? Anong say mo?

Ang sakit diba?


Hayyy. ang hirap umibig ano? Hindi pa naman ako nasaktan pero nadama ko yung sakit eh. (wow naks kala mo hindi single. kala mo hindi iniwan. kala mo hindi pinaglaruan. kala mo hindi ipinagpalit hahahha)

Paano pa kaya yung mga totoong nakadama na non?

May nakausap ako right after kong mapanood yang movie na yan. Sa twitter ko lang naman sya nakausap mga 1am na siguro noon at yan ang usapan namin. Kinuwento sakin ni Patupat ang buhay pag ibig nya.

PS: Paki play yung 241 at I need you more today sa background.

*Ang Kwento ni Patupat*

Nagmamahalang lubos si Patupat at si Saging. mag sasampung taon na daw sila ni saging.......supposedly. Highschool lovebirds daw kasi sila.

Ang ganda daw ng takbo ng relasyon nila... literally na takbo ba.. everyday silang nag jojogging. Bonding daw nila kasi yun eh... Sa pagjojogging daw kasi nadevelop ang kanilang pag iibigan. Jogging dito, jogging doon, nayugyog yung puso nila kaka jogging at sila ay nahulog sa isat isa. *So the center of their relationship is all about Jogging haha!*

Ayun na nga, ang saya saya daw nila, akala nga daw niya yung relasyon na nila yung definition ng "F-O-R-E-V-E-R". tanggap na nga daw sila ng kanikanilang pamilya both sides. Legal na legal. Tipong may listahan na rin sila kung sino ang magiging ninong at ninang sa kasal nila. Masyado daw silang naging confident na magiging sila talaga in the end.

Pero syempre, habang tayo'y nagkakaedad, may mga obligasyon na dapat tayong gawin. Tulad nalang ng pagtatrabaho para sa ekonomiya. Masyadong nakain ng trabaho ang sistema nila kaya nawalan daw sila ng oras sa isat isa. Sabi nga ni Patupat ay hindi na rin daw nya nasasamahang mag jogging si Saging kasi nga pang night shift sya. Ikaw ba naman kasi yung from night shift eh mag jojogging ka pa?

Confident naman daw si Patupat na kahit ganoon eh okay lang yung relasyon daw nila. Nagpapadala pa nga daw sya ng bulaklak at tsokolate kay Saging eh. LDR daw kasi sila dahil nalipat si Saging sa Alabang. Bale QC to Alabang. (naks.!)

Hanggang sa naging matigas na si Saging... matigas ang puso nya... naging cold hearted si Saging. Sabi pa nga daw nya "Hey! Stop making padala of flowers and chocolates na."

Syempre etong si Patupat naman, dakilang TANGA so ang sagot lang "sige mahal ko. Sorry sa abala. I love you." at nireply lang sya ni saging ng malaking "K"

(Bakit K ang reply ni saging? dahil ang saging ay rich in Vit. K! haha.)

Hanggang sa one time, naisipan daw ni Patupat na puntahan si saging sa Alabang. While on his way, naisipang magbukas ng facebook itong si Patupat. Hindi daw kasi sya mahilig sa social media so madalang lang syang mag peysbuk. (tapos may twitter na ngayon kasi.... basahin mo hanggang dulo haha.)

and guess what anong nakita nya?

Oo! tama ka. Syempre nagets mo naman na siguro kung anong nakita nya.

Picture ni Saging habang nagjojogging kasama ang isang unknown guy na nakaakbay sa kanya with matching pakiss kiss sa cheeks, itago nalang natin sa pangalang Turon.

Ano ang reaksyon ni Patupat? syempre wag tayong tanga, umiyak sya.. at mas naiyak pa daw sya noong mabasa nya ang exchange of comments ng dalawa.

Turon: I love you so much baby ko. Happy Monthsary

Saging: I love you more baby. You are my life. Happy 1 month

nakakagimbal ang sunod na ginawa ni Patupat. Guess what? Tumalon sya sa bintana at nasagasaan ng truck!!!!

.....pero syempre joke lang yun ano ka ba.. kasi sa isip isip nya lang daw yun.

ang ginawa nya, nilabas nya yung isang maliit na box na nasa bulsa nya, binuksan at pinagmasdan ang singsing na dapat sana'y ibibigay niya kay saging.

Oo. Magppropose na sana dapat si Patupat.

***the end***


Grabe nuh? Sa jogging nagkakilala, at dahil din sa picture habang nag jojogging kaya nag end ang relasyon nila.

What can I say?

I don't know what to say. Basta alam ko pareho silang may Mali.

PS. ang mga sumusunod ay sarili ko lamang pananaw sa pangyayari.

*Ang Kamalian ni Patupat

I think, bukod sa pagiging tanga nya, manhid din sya. Dapat tinanong nya what is wrong kay Saging. Sa relasyon kasi lalo na sa mga tao na nagwowork na and in a relationship, Time ang kalaban. Lalo na kung magkaiba pa ang work time nyo. Dapat see to it na kahit man lang once a week eh magkita kayo. Minsan kasi lungkot ng pagkamiss lang din talaga yan. Kung hindi naman makapagkita at least maintain an open communication! Importante na maging honest ka sa partner mo. Huwag mong kimkimin. Kaya nga relasyon kasi pang dalawang tao- hindi mo solo, may partner ka, and of course hindi rin pang tatlong tao, huwag kang maghanap ng extra! Naging confident kasi masyado si Patupat sa relasyon nila which is both positive and negative in some ways. Positive-na may trust ka sa partner mo. Negative-na masyado kang confident na napapabayaan mo na sya, but then again, walang perfect na relasyon, dapat kayong mag adjust parehas.


*Ang Kamalian ni Saging

Dapat naging mas honest sya Dapat naging honest sya kay Patupat na nawawala na yung damdamin nya. Na nawawala na yung init ng kanilang relasyon. Na hindi na sya okay sa kung ano ang meron sa kanila. Hindi yung pinaasa nya si Patupat na everything is allright pero hindi na pala. Baka na fall out of love sya or hindi na nya mahanap yung happiness kay Patupat. At higit sa lahat, bago sana sya nakipag relasyon sa iba eh nakipag break man lang sana sya kay Patupat. Atat na atat ka naman ghorl.


*Ang Kamalian ni Turon

Depende. Alam ba niyang in a relationship si saging noong niligawan niya ito or ang pakilala sa kanya ay single sya. Tao lang din naman si Turon na nagmamahal ganon! pero ang mali doon yung pinatulan mo kahit alam mong makakasakit ka ng iba. I think mas better kung kinausap nya nalang si Patupat eh. or tinigil nalang at iniwasan si Saging noong nafafall na sya.


Hayy. Ganoon talaga. Minsan akala mo sya na yung kaforever mo pero in the end, ka Forever "OVER" mo lang pala. Dumaan lang pala at hindi ka sasamahan sa huli.








so ang tanong ko.

Anong ulam nyo? (out of the blue. haha!)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 24, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kwentong TAMBAYERS at ibp.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon