3rd

237 10 1
                                    

Nakakamiss palang mag aral.

Tambay na kasi ako ngayon at hinihintay ko yung result ng board exam ko para maka pag start nang mag work kung palarin mang pumasa (naks one take! amen!). Ang pinagkakaabalahan ko ngayon ay paglilinis ng bahay... actually parang kasambahay lang, so ibig sabihin "slight tambay" lang ako. Mejo productive eh!

Pero alam nyo, ngayon ko lang narealize na mas mahirap pala ang maging tambay kaysa mag aral.

Noong nag aaral tayo laging may allowance, ngayon wala na.

May mga ni lolook forward tayo dati o di naman kaya'y inaanticipate na mangyari..

"Ayy naku, may exam pala sa Tuesday..."

 " Ayy naku, Monday na naman bukas, P.E na naman..."

Pero ngayon wala na yung mga yan. Ang nasasabi mo nalang,

"Ayy naku, ano na naman kayang pwedeng gawin ko bukas?"

Hayy Buhay Tambay nga naman.

Mahirap na masarap.

Pero ang hindi ko magets, bakit maraming tao ang mas nasasarapan sa pagiging tambay? Pwede namang tumulong nalang sa gawaing bahay pero marami talaga yung mga batugan.  Siguro ang feeling nila "Don" at "Donya" sila? Or hindi naman kaya'y iniisip nila na ang pera'y biglang darating?  Hindi ba dapat pinaghihirapan yun?

(Huuy! Except namang yung mga tambay na due to medical condition ha. Given na yun!)

Speaking of tambay, may kwento pala yung friend ko one time. Bale may kakilala daw sya na tambay since birth. Itago nalang natin sa pangalang "Biscocho" (masarap na snacks ng Ilocos!)

Ang kwento ni Biscocho.

40 years old na si Biscocho. Bale 20 years syang naging tambay. Oo, pagka graduate nya hindi sya ever nag work. Batugan kasi talaga itong si Biscocho. Bunsong anak sya sa 3 na magkakapatid. Syempre dahil bunso, sanay sya na inispoil noong bata sya.  Sobrang batugan sya na pati yung tubig na iinumin nya pinapaabot nya sa nanay nya na matanda na. yung dalawang kapatid na may kanya kanyang pamilya na kaya ang kasama nalang nya ay ang nanay at tatay nya. Lagi syang pinagsasabihan na maghanap na sana sya ng trabaho pero ayaw nya. Mapili din kasi sya sa trabaho, ang gusto nya yung one time big time agad.

One time, namatay yung nanay niya. Yung tatay naman niya eh kinuha nung mga kapatid nya. Kaya mag isa na lang si Biscocho sa bahay nila. Akala nung mga kapatid nya magbabago na si Biscocho pero hindi. Mas pinili parin ni Biscocho na maging tambay. Kain, tulog, nood, kain, tulong, mag internet. Ganun lagi ang ginagawa ni Biscocho. Dahil sa naawa din naman yung mga kapatid nya sa kanya, binibigyan nila ng sapat na pera si Biscocho para sa mga bayarin. Ganoon ang set up ni Biscocho. One time, may nameet si Biscocho. Si Marsha.

Si Marsha yung kabaligtaran ni Biscocho. Sobrang masipag, workaholic! Nahulog ang loob ni Biscocho kay Marsha, pero ayaw ni Marsha kay Biscocho dahil napag alaman nito na batugan si Biscocho. (end.)

Sa tingin niyo ang nangyari sa love life ni Biscocho?

A.  Naging batugan forever

B.   Nireject siya ni Marsha

C.   Naging sila

Ang totoo niyan, naging sila. Dahil sa "LOVE" kaya nag hanap ng work si Biscocho. Nag effort sya ng sobra dahil nahulog sya ng lubusan kay Marsha. Gusto nyang i-please si Marsha. Pag ibig nga naman! Ngayon may pamilya na si Biscocho. Di mo nga iisipin na once in his life naging batugan siya kasi sobrang workaholic nya ngayon.

So anong ipinaglalaban ko? Haha!

Bale ang point lang naman dito is, nasa tao naman talaga kung maging batugan sila or hindi. Kailangan lang kasi nung "Driving Force" at sa case ni Biscocho ay love love love <3 

Pero sa akin ang driving force ko is kahirap. Mahirap ako eh!

Pero ayun nga, kapag may gusto kang makamit, mag effort ka. Yun lang yun!

Walang one time millionaire. Oo ngat meron yung mga biglaang nagiging milyonaryo dahil nanalo sa mga pacontest pero nag effort naman silang pumila for example sa laban o bawi ng Eat Bulaga oh di naman kaya'y nag effort silang mag send ng mga wrappers ng kung ano ano at nabunot ang pangalan nila.

Effort is the best policy mga tsong! Mehehehehe~

Kwentong TAMBAYERS at ibp.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon