1st

1.2K 26 7
                                    

Siguro nagtataka kayo kung para saan ang sulatin na ito. Huwag niyo sa akin itanong dahil maging ako ay hindi ko alam kung para saan nga ba ito. Siguro dala lamang ng pagkabore kaya yung isip ko kung saan saan na nagsisipunta at ang kamay ko naman nakibagay, kaya eto sinulat na, tinype pa at nilagay pa dito sa wattpad! Pero pwede rin naman na dala lang talaga ng pagiging tambay ko sa ngayon.

Simple lang naman ako subalit yung pag iisip ko talaga ay maligalig lalo na pag naliligo ako. andami dami kong naiisip na mga kung ano anong bagay patungkol sa mundo. Alam ko na maging ilan sa inyo na nakakabasa nito ngayon ay naranasan na yun. Yung tipong parang ka level mo lang si Albert Einstein. Pero hindi naman laging nagiging maligalig ang utak ko pag naliligo ako.

 Minsan nagfefeeling artista din ako. Nagbabanggit ng mga linya galing sa mga napapanood ko. Minsan nga nagbabanggit ako ng mga linyang galing sa mga Korean or Japanese drama (sa piratang DVD na benta sa kalye kasi ako nanonood. Ayoko mag download. Nakakatamad maghintay.....sa wala! joke! haha!!) with matching Korean/Japanese accent pa kahit hindi naman totoo at walang meaning yung sinasabi ko basta katunog na nung accent nila okay na. Minsan nga din yung mga "Kagenbunshin no Juutsu" ni Naruto ang binabanggit ko o di naman kaya ay "Bankai!" ni Ichigo.

Minsan nagiging feeling prupesyunal na singer at dancer din ako sa banyo. Minsan pa nga nagiging kunwaring news anchor o di naman kaya ay host ng isang TV show ako sa banyo. Yung tipong feeling mo ka level mo na si Mariah Carey oh di kaya'y ikaw ang reincarnation ni Bob Marley, Michael Jackson oh di naman kaya ay ni Whitney Houston. Minsan feel ko nga mas magaling pa ako kay Mel Tiangco at Jessica Soho.

 Minsan napapaisip nalang ako kung baliw na ba ako or may sayad na ako pero narealize ko, sa banyo lang naman ako nag gaganun. May sumpa ba sa loob ng banyo? Oh di kaya ay may kapangyarihang taglay ang tubig na galing sa gripo?...okay shower nalang para sosyal!

Tanong:

Ano ang ginagawa mo pag nasa banyo ka?

Ano ang shampoo na gamit mo?

Ano ang sabon na gamit mo?

Ano ang toothpaste na gamit mo?

Ano ang pinangsasabon mo sa mukha mo?

Ilang oras ka kung maligo sa banyo?

Masaya ka ba sa banyo?

 (opps! Wag Green minded! Pero sige, pwede din! Mehehehehe~)

Kwentong TAMBAYERS at ibp.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon