Chapter 2

22 9 0
                                    

P.O.V Hannah Reyes

"Ok class, next meeting magkakaroon tayo ng review sa mga pinagaralan ninyo last year. " sabi ni ma'am

"And by the way mag hanap na kayo ng mga club na pwede ninyong salihan" dagdag niya sa amin at lumabas na siya ng room.

Hayyy salamat.. wala naman kaming gaanong ginawa kasi unang araw palang naman bukas raw kami magiging busy talaga.
Wala manlang kumakausap sa akin grabe sila.

Hayyy.. nagugutom na rin ako makabili nga ng meryenda.

Lumabas na rin ako sa room at pumunta sa Canteen. Kahit na Public lang itong school na to. Super lawak naman. Kaya hindi mukang public. Haiztt!! Ang boring naman wala kasi akong makausap eh.

Bakit ba ayaw nila akong kausapin? Nakakaasar naman this!!

Nang nasa canteen na ako bumili ako ng C2, Nova at Pansit. Nagugutom na talaga ako.

Kinapa ko yung wallet ko sa bulsa ko.

Teka!! Bakit wala yung wallet ko..

Hala!!

Nasaan na yun??

"Miss?? Mag bayad ka na po marami pa ang nakapila oh " sabi nung nagtitinda

Hala ano ng gagawin ko. Nawawala yung wallet ko! Kaasar !! Sayang din yung 100 pesos.

"Ahh sorry ate pero babalikan ko po yan. Kukunin ko lang po yun pera ko sa Room" sabi ko sa kanya

"Alam mo kasi siguraduhin mong may pera ka kung bibili ka!! Distorbo ka lang dito eh" sabi ni ate sa akin.

"Oo nga naman" sabi nung babaeng nasa likuran ko.

"Sorry po" nakayuko kong sabi sa kanya at tumakbo na ako palayo sa Canteen nakakahiya talaga nakatingin silang lahat sa akin. Sumigaw kasi si ate sa akin kaya nakuha lahat ng atensyon ng mga tao dun.. nakakahiya talaga.

Ramdam kong nagiinit yung pisngin ko. Grabe!!

Bumalik nalang ako sa room.

Walang tao sa room namin pumasok nalang ako at umupo sa upuan ko.

Nagugutom na talaga ako. Nakakabingi .. nakakabingi ang katahimikan. Tumingin ako sa bintana ng room namin nakita ko na bubuhos na ang ulan.

Bigla nalang nagbalik yung sakit. Yung sakit na naramdaman ko nung bata pa ako. Yung sakit na hanggang ngayon nararamdaman ko parin.

Flash back

Umuulan nung araw na yun masaya ako dahil susunduin ako nila mama at papa. Bihira lang kasi nila akong sunduin sa school dahil super busy sila. Grade 6 ako noon.Nasa gate ako ng school namin hinihintay ko sila mama at papa. Nag promise kasi sila sa akin at alam kong hindi hindi nila sisirain yung promise nila sa akin

"Oh Hannah di ka pa ba uuwi?" Tanong sa akin ni Kuya Berto Janitor ng School namin

"Ah mamaya pa po kuya kasi po susunduin ako ni mama at papa hihintayin ko sila" nakangiti kong sagot kay kuya berto

"Ah sige mauna na ako sayo" sabi niya at umalis na.

"Hahaha ang saya kanila no" narinig kong paparating sila Kayla. Mga kaklase ko. Ayaw na ayaw sa akin ni Kayla ewan ko kung bakit wala naman akong ginawang masama sa kanya eh.

"Ohh hello Loser" bungad niya sa akin. Kasama niya yung dalawa ninyang kaibigan si Lovely at Carla.

Hindi ko nalang siya pinansin kasi ayaw kong makipag away sa kanila.

"Bat hindi kapa umuuwi ?? Aww kawawa ka naman." Sabi niya sa akin.

"Susunduin kasi ako ni mama at papa." Sagot ko sa kanya

"Susunduin?? What?? Talaga??ang saya naman.. pero kung susunduin ka talaga nila.. dapat andito na sila di ba?? Hahaha di na darating yung mama at papa mo!! Kasi nga hindi ka nila mahal" sabi niya sa akin. Hindi na ako nakapagpigil

"Hindi totoo yan" itinulak ko siya at napatumba siya sa sahig.

Tumingin siya sa akin ng masama.

"Carla!! Kunin mo yung nasa bag ko!!" Utos niya kay Carla.

Kinuha naman ni carla yung nasa Bag ni Kayla.

Orange Juice pala yun.. Binuksan niya yung baonan at ibinuhos niya sa akin ito. Basang basa ako. Pag katapos nun umalis na sila at iniwan nila akong mag isa. Unti unting tumulo yung luha ki sa mata. At tuluyan na nga akong umiyak ng umiyak. Tumakbo ako paalis sa school namin. Wala akong payong pero wala akong pakialam kung mabasa ako. Takbo lang ako ng takbo. Basang basa ako at bigla akong nadapa hindi ako makagalaw dahil masakit yung tuhod ko. Parang ayaw ko ng bumangon sa sahig.

Sabi nila mama at papa susunduin nila ako pero bakit hindi nila ako sinundo??

Tumayo ako at nag lakad para akong basang sisiw sa daan. Na nag hahanap ng masisilungan. Iyak lang ako ng iyak naramdaman kong talaga ngang walang nagmamahal sa akin. Naramdaman kong walang may pake sa akin.

Pag dating ko sa bahay nakita ko sila Tita seryosong nag uusap.

"Hannah,bat basang basa ka??" Tanong ni Tita Rowena.

"Wala po" sagot ko.

"Hannah may sasabihin kami sa'yo" sabi nila sa akin.

"Ano po yun?" Tanong ko sa kanila.

"Hannah.." huminga ng malalim si Tita Rowena at seryosong Tumingin sa akin.

Tumahimik ang buong paligid.

"Wala na ang.. Mama at papa mo. Patay na sila Naaksidente sila Kanina." Sabi ni tita. Para akong nabingi.sa sinabi ni tita sa akin.. ano raw wala na sila mama at papa??

Umiyak ako ng umiyak

"Tita sabi nila susunduin nila ako eh.. hindi totoo yan. Nag promise sila tita hindi yan totoo.. " sagot ko kay tita habang umiiyak.

"Hannah wala na sila" sabi ni tita.

At ngayon naramdaman kong iniwan na nila ako.

End of flashback

In My DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon