P.O.V Hannah
Iminulat ko ang aking mga mata ang unang nahagip ng paningin ko ay ang puting kisame. Ang sakit ng ulo ko, sakit din ng katawan ko. Bumangon ako at tinignan ang buong paligid. Teka na saan ako? Hindi ko to kwarto ah, ema!! Ni rape kaya ako nung lalaki?? Hindi to pwede!!
Nasaan ako?
Biglang nag bukas ang pinto sa kaliwa ko.
"Waaaaaaaaaaaaaaa!!"na pasigaw ako ng di oras eh paano ba naman kasi may lumabas na lalaking nakahubad.
"MEma!! May Virgin eyes! Huhuhu!! Alis alis !!" Pag rereklamo ko sa lalaking yun hindi ko kasi na aninag kung sino dahil dali dali akong nagtakip ng mata.
"Ang arte nito!! Ang ganda ganda kaya ng katawan ko!!" Sabi niya sa akin . Hindi ko pa rin inalis yung takip ng mata ko. Pero parang kilala ko yung boses niya hindi ko lang talaga matandaan.
"Alisin mo na yang takip mo sa mata!! Nakadamit na ako" utos niya sa akin.
Unti unti kong tinanggal takip sa aking mga mata.
"Waaaaaaaaa!!" Napasigaw ako ulit sa gulat si Mr. Antipatiko ang lalaking nakahubad kanina.
"Bat ka andito!! Umalis ka dito!!" Utos ko sa kanya..
"Huh?? Bat ako andito?? Eh bahay ko to eh" sagot niya sa akin.
Huh?? Bahay niya to?? Parang ang laki naman?? So mayaman siya?? Eh bat siya nag aaral sa isang public na paaralan??
"Ayyyy hihihi" nakangiti kong sabi.
"Ang ibig kong sabihin, bat ako andito?? Mukang kailangan ko ng umalis alis alis!!" Sabi ko sa kanya hindi ko siya matitigan ng maayos. Nararamdaman kong nagiinit ang aking pisngi.
"Ihahatid nalang kita mamaya!! Halika na bumaba na tayo kumain ka muna muka ka kasing hindi kumain eh" emeged!! Kakain!! Yes naman Lord. Kanina pa ako gutom na gutom mema!!
Habang naglalakad kami sa napaka habang hagdanan hindi ko mapigilang hindi ma amaze!! Grabe to the max ma friend!! Ang laki kasi ng bahay niya.
Nakakapag taka lang talaga bakit nag aaral siya sa isang hindi kilalang school.
"Ammm.. ang laki pala ng bahay mo "binasag ko ang katahimikan sa aming dalawa.
"Malaki nga ang bahay ko pero...." bigla siya napatigil
"Pero ano?" Tanong ko??
"Wala halika na" utos niya sa akin
Hindi nalang ako nag salita. Pag baba namin agad kaming pumunta sa kusina nila grabe !! Super laki ng kusina !! Mema nakakahiyang kumain
Umupo na kaming dalawa. Yung table grabe kasya ang 15 na tao.
Biglang dumating yung mga katulong niya dala dala yung mga pagkain na hindi ko alam kung anong mga pangalan.
Ang dami naman parang may birthday!!
"Ang dami naman nito para naman tayong bibitayin eh haha" biro ko sa kanya.
"...." hindi siya umimik !! Grabe sya oh Na seen zone ake!!
Nag simula na siya kumain. Napaka formal niyang kumain kaya nahihiya talaga ako.pero dahil gutom kumain nalang ako.
Kumuha ako ng Apat na chicken tillet, tellet... fillet ata yung tawag dun ewan basta kumuha ako tapos dinamihan ko ang kanin.
Wow!! Grabe ang sarap pala nitong tillet!!
"Ang sarap nitong tillet" sabi ko sa kanya
"Tillet??" Nagtataka niyang tanong
"Oo ito oh"kinamay ko yung tillet at pinakita ko sa kanya
"Hahahaha" tumawa siya ng malakas.
"Bakit?" Nagtataka kong tanong.
"Tille.... hahahahaha grabe ... hahahahaha Kasi ano hahahaha ano ba yan hahahaha di ko hahahaha mapigilang hahaha di tuma hahaha wa " tawa siya ng tawa..
"Bakit?? " tanong ko
"Kasi hindi yan tillet!! Fillet hindi Tillet!! Hahaha " tumatawa siya sa akin..
Grabe nakakahiya eh anong alam ko sa mga pangmayaman na pagkain!! -_-ll
"Hahaha sabi ko nga" sabi ko sa kanya at yumuko nalang at kumain .. ramdam kong napupula ang pisngi ko sa hiya.
Nang matapos kaming kumain pinaupo niya ako sa sala niya at nanood muna ako ng tv.
Kakaiba si Mr. Antipatiko ngayon bakit yung astigin na lalaking parang naging isang tahimik na lalaki. Yung mayabang parang naging isang maamong lalaki. Sino ka nga ba talaga Mr. Antipatiko.
Teka hindi ko pa pala alam pangalan niya. Kasi hindi siya nagpakilala kanina sa school tapos. Ang nabanggit lang naman ni Sir kanina ay Mr. GARCIA raw. Amm matanong nga mamaya.
"Hannah halika na !! Hatid na kita " sabi niya sa akin wow !! Naman yes!! Alam niya pangalan ko haha..
"Ahh sige .." sabi ko sa kanya.
Paglabas namin sa bahay niya mas lalo akong na amaze. Kasi nakita ko ang kabuonang ng bahay niya ..
Sobra nga itong laki.
Biglang may itim na sasakyan na himinto sa harapan namin.
Binuksan niya ang pinto ng sasakyan.
"Sakay!!" Utos niya sa akin. Ako naman sinunod ko nalang siya.
At sumakay din siya ..grabe May sarili para siya g Driver !!
"Ahh.. pwedeng mag tanong??" Tanong ko
"Nagtatanong ka na!" Sabi niya sa akin
Ang sungit talaga nito!!
"Ano kasi mayaman ka naman pero bat ka nag aaral sa isang ammm.. public?" Tanong ko
" Wala gusto ko lang!!" Sabi niya sa akin
"Ahhh hahaha ok" nakangiti kong sabi sa kanya.
"Ammm. ano palang full name mo?? Kasi kanina ano Garcia lang yung sinabi ni sir Carlito tapos hindi ka pa nag---"
"Jerome" hindi ko na naituloy yung sasabihin ko dahil bigla siyang nag salita.
"Anong Jerome?" Tanong ko.
"Jerome Garcia ang pangalan ko" sabi niya sa akin..
" ahhh hahaha Ok" sabi ko sa kanya ..
Jerome pala pangalan niya.
Napaka misteryoso naman nitong lalaking to.
"Ahhh sya nga pala Jerome!! Salamat sa pag ligtas mo sa akin kanina" nakangiti kong sabi sa kanya.
" wag kang mag thank you dahil may KAPALIT yung pag tulong ko sayo.. " seryoso niyang sabi sa akin
" a-- ano?" Nakakakaba naman
Tumingin siya sa akin ng seryoso
" Malalaman mo rin kung ano ang kapalit" seryoso niyang sabi sa akin..
**********
Hi sa inyo!! .. Vote po kayo at may Comment plsss 👊👊👊👊
BINABASA MO ANG
In My Dreams
Teen FictionYung akala mo totoo na pero hindi pala Akala mo siya na yun pala hindi pa Yung akala mo para sayo pero hindi pala Yung akala mo Forever na yun pala Never ××××