Chapter 3

25 8 9
                                    

P.O.V HANNAH REYES
Hindi ko namalayan na unti unti na palang tumutulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Yung araw na yun ang hindi ko makakalimutan. Yung araw na tuluyan na akong iniwan ng mga taong mahal ko sa buhay.

Ring Ring Ring ...

Time na pala hindi ko namalayan. Ang drama drama kasi eh. Kaloka. Nabusog na ako sa kadramahan. Inayos ko ang sarili ko. Nakakahiya naman kasi kung makita ako ng mga classmate ko na nag dadrama di ba.

Maya-maya isa isa ng pumasok yung mga Classmate ko. Nagtatawanan, nag aasaran ako naman ito nganga.. wala naman kasing kumakausap sa akin eh.

Di nag tagal dumating na rin yung Prof. Namin bigla bigla nalang siyang pumasok na para bang walang paki alam.
Nakasalamin ito at nakakunot ang kanyang noo. Siya si Prof. Carlito D. Makababa. Sobrang sungit raw niya. Masgugustohin mo raw na lamunin ka ng lupa pag nakasalubong mo siya sa Daanan.

"Ok Ako si Prof..." *Bag* hindi siya natapos sa kanyang sinasabi dahil may bigla nalang pumasok sa room. Isang lalaki, naglakad siya ng tuwid na para bang wala siya nakitang Tao sa harapan. Hindi man lang niya binati si Sir.

"Wow naman, Mister Garcia. Buti pa ang aso marunong mahiya eh ikaw" ayy kilala na niya yung lalaki?

"3 years ka ng andito pero hindi ka man lang nagbabago!!" Galit nagalit si Sir . Yung para bang uusok yung tenga niya tapos pulang pula siya.

"Ah ako ba kinakausap mo?" Walang galang na sumagot yung lalaki kay sir Carlito.

Hindi nalang nag salita si Sir pero alam kong galit nagalit siya dun sa lalaki.

"Eh sir .. Ikaw nga eh 3 years ka ng nag tuturo dito pero hindi pa rin tumutubo yang buhok mo sa ulo" nagtawanan ang buong klase.

"Kaya pwede ba !! Shut up ka nalang!!" Sigaw niya kay sir.
Tinalikuran niya si Sir at naghanap ng upuan.

Grabe ..ayaw ko siyang katabi. Eh parang wala naman akong magagawa kasi naman yung upuan sa tabi ko yun lang yung bakante.

Tinignan ko siya at bigla siyang napatingin sa akin. At naglakad siya papalait sa akin. Umiwas nalang ako ng tingin baka kasi magalit siya ng Bongga sa akin. Mamaya Masuntok niya ako eh.

Umupo siya sa tabi ko hindi ko maiwasang tumingin sa kanya.

"Bakit?"tanong niya.

"Hehe wala naman" nakangiti kong sabi sa kanya at nag peace sign.

"Wag mo nalang akong tignan. !!! Alam kong pogi ako. Kaya Shut up ka nalang!" Ayyy wow!! ang lakas ng asin ng lalaking to. So feeling niya poging pogi ako sa kanya.. Well, oo pogi siya pero wala akong paki!!

Di nalang ako tumingin sa kanya. Mapipikon lang ako!!

May sinasabi yung prof. Namin pero itong katabi ko walang paki alam dahil tulog na tulog. Ang nakakairita humihilik pa siya. Ang lakas rinig na rinig sa buong Room. Yung prof. Namin naiinis na rin kitang kita mo dahil namumula siya. Pero hinayaan nalang niya.

"Ok Class Dis....."

"Yeheyyy!! Woooooo" di natuloy yung sasabihin ni Sir. Dahil bigla nalanh sumigaw yung katabi ko. Nakataas pa ang dalawang kamay..

"Yeahh!! Tapos na tapos na .. Poop poop .. yeah horayy yeah horay.. " bigla siyang tumayo at sumayaw sayaw..

Tumingin siya kay sir. At sinayawan niya ito yung step na para bang may tinuturo.

"Hala. Napanot!! Not not not not not not not not" lahat ng buong nasa class maski ako ay tumawa. Hindi ko kasi napigilan talaga.

Umalis nalang si Sir sa Room na inis na inis. Hindi ko alam kung bakit parang hindi kayang magalit ni Sir sa antipatikong lalaking to.

Uwian na namin short period kasi lahat ng Subject kaya Maaga kaming uuwi. Isa ba First day kaya ngayon.

Naunang lumabas si Mr. Antipatiko

At lumabas na rin ako.

Hayyy.. kahit medyo gutom ako ok lang. Masaya pa rin naman

Lakad lakad lakad lakad lakad..

Ang sarap mag isa alam mo yung tipong nakakapagisip ka ng maayos . Hayyy Super sarap!

Naglalakad na ako pauwi ng biglang

"Subukan mong sumigaw !!" Sabi ng isang lalaki na nasa likuran ko.

May bagay na nakatutok sa aking lukuran hindi komalam kung ano ito pero alam kong nasa masama na ang nangyayari.

"Kuya!!"sambit ko

"Wag mo ng subukin na humingi ng tulong!! Dahil kung hindi mo ibibigay sa akin lahat ng perang meron ka! Baka mapatay kita wala pa namang katao tao rito" pabulong niyang sabi sa akin.

"Kuya muka ba akong mayaman !! " sagot ko sa kanya

"Kuya parang awa mo na hindi ako nakakain ngayon dahil wala akong pera!! Wala akong maibibigay sayo" pagmamakaawa ko kay kuyang hindi ko alam ang name.

Gusto kong mag tapang tapangan kaso hindi ko kaya eh nangangatog mga binti ko.

*Bashggg*

Nabitawan ako ni kuya dahil may biglang humila sa kanya.

Isang lalaking naka itim.

At nauntog ako sa sahig ..

At bigla nalang...

Dumilim ang buong paligid

In My DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon