Chapter 20: Midnight Meetings
"You have one and a half hour to finish the exam." sabi ng observer sa amin.
Puyat pa rin ako kagabi, 2am na akong naihatid ni Cris sa bahay at hindi ko na alam kung paano ako nakapasok kahit lock na lock na ang mga gate at pinto namin.
Number 1
The molecular weight of silver is?
Sinulat ko na ang sagot.
An hour later
Nakapangalumbaba ako ng ma-ipass ko ang test paper ko. Inayos na ang mga answer sheets at umalis na ang nag-babantay.
"Yuri." Lumingon agad ako kay Cris na ganun na rin sa akin ang tawag.
"Lourixxe may meeting tayo ngayon, tara na." napalingon ako kay Mateo na nangangalabit.
Nilingon ko ulit si Cris at sinenyasan na 'aalis muna ako' pero mukhang nayamot siya nang tumango.
Sabay pa rin naman kaming nag-recess ni Cris.
"Mukhang puyat ka ah. Laki ng mata mo." na-concious naman ako sa sinabi niya kaya yumuko ako.
Kasalanan naman niya e.
"Pero maganda ka pa rin." mas lalo naman akong nawala sa sinabi niya.
"Saan ka pala pumunta?" tanong niya.
"Ano bang kukunin mo?" tanong ko sa kanya ng makarating kami sa snack stand.
"Nag-meeting kami sa music class." sagot ko sa tanong niya kanina at naupo na ng magkatabi.
"Ganon, e. Ba't umeepal yung si Mateo? Upakan ko kaya yun." kinagat niya yung tinapay niya ng may pwersa pero ngumiti lang ako.
"Ang cute mo mag-selos."
"Hindi ako nag-seselos!" pagsusungit niya.
~ ~ ~ ~ ~ ~
11:59 pm
"Mag-balanse ka, aalalayan naman kita eh." hawak ako sa beywang ni Crisson habang nakatapak ako sa skateboard.
Kanina niya pa ako pinipilit turuan at kanina pa ako kinakabahan na sumablay, akala ko madali lang ito e.
"Crissooon, ayaw ko na talaga!" pagmamakaawa ko sa kanya habang ang dalawang kamay ko ginagamit kong pangbalance.
"Hah? Kala ko ba gusto mo matuto? Sige na! Ituloy mo na." tinapakan ni Crisson ang skateboard niya at tinulak ako.
"Kyaaah! Crisson!"
"HAHAHA." kumapit ako sa black na hoodie niya.
Gumagaan yung loob ko kapag tumatawa siya ng ganyan.
Wala naman ng masyadong tao kaya okay lang (sigurong) mag-sisigaw dito.
Hanggang sa...
"HOY! ANG IINGAY NIYO! KANINA PA!" tumingin kami sa itaas ng bahay at nakadungaw ang isang matandang babae na may hawak yatang bowl.
HInatak ako ni Cris at nagpulasan kami ng takbo at pumunta sa malapit na park para walang ma-istorbo.
"Tenang matanda yun." matawa-tawang sabi ni Cris ng mag-pahinga kami sa gilid ng fountain.
Tumango na lang ako.
"Alam na pala ni mama." sabi ni Cris at tumingin sa akin.
"Ang alin?"
BINABASA MO ANG
Black Roses: Yuri and Cris (Tagalog-COMPLETE)
Teen FictionHe's destructable And She's always annoyed. Well, the worst day of their life happened when they met. And also became the best day when they start to feel their own hearts beat. BANSI 2013