9th Petal: Officially

892 10 0
                                    

Chapter 19: Officially

Kasalukuyan kaming nag-kaklase ng may na papel si Cris sa akin.

'Psst. Ano ginagawa mo?'

'Nakikinig sa teacher. Ikaw?' sinulat ko at pinasa ko sa likod kung nasaan siya.

'Tinitignan ka.'

'No.. Just focus on the lesson.'

Pinasa ko na sa likod at may nangalabit nanaman sa akin.

'Date tayo, maya.' magulo pa ang pag-kakasulat mukhang nag-mamadali.

'When?' tanong ko ulit.


"Miss Laurel, ano iyang sinusulat mo?" nasa harapan ko na pala si Sir. Agad kong nilamukos ang papel at binulsa.


"Nothing." umiling-iling ako at tumalikod na siya. Napatingin ako sa kinauupuan ni Cris na nakangiti rin sa akin.




Naglalakad kami sa campus ni Cris ng bigla niyang hawakan ang kamay ko. Agad ko namang tinanggal iyon.




"Cris, wag kang masyadong clingy." hindi ko alam kung okay lang yung sinabi ko pero mukhang hindi naman niya ako napansin.

"Okay." sagot naman niya.

Binitawan niya ang kamay ko pero inakbayan naman niya ako papalapit sa kanya.

Crisson!

Nadaanan namin sila Mich at Mateo. Sabay sila? How nice..

Nanlaki ang mga mata nila ng makita kami ni Crisson.

"O M G! Kayo na talaga? Why? Paano? Kailan?" niyugyog ako ni Mich sa loob ng comfort room. Pinagtinginan din kami ng iba pang estudyante.

"Sssssh. Oo nga." napangiti pa ako.

"Kyaaahhh!" tinakpan ko ang bibig ni Mich.

"Kamusta na pala kayo ni Mateo?" tanong ko habng inaayos ang buhok ko sa harap ng salamin.

"O-okay naman, hinahanap ka nga niya eh." nag-suklay ng buhok si Mich habang nakatingin sa akin.




"Tama na yan. Maganda ka na." nagulat kaming pareho ni Mich ng makarinig ng boses ng lalaki sa loob ng kwarto. Si Cris pala.

"Hoy, lumabas ka." sabi ko sa kanya.

"Okay, pero tara na." sabi niya sa akin.




Natapos ang unang araw bilang kami ni Cris. As in, girlfriend and boyfriend and stuff.


Napapangiti nanaman ako kapag naiisip ko siya. The feeling is 10x better than my favorite book having sequel.


10:00pm

Sinara ko na ang mga notebook ko at nag-kumot. Sobrang inaantok na ako. Pinatay ko na rin ang ilaw.


Malapit na ako ng makatulog ng makarinig ako ng kaluskos sa bintana kung saan ako nakaharap. Nakakita ako ng naka-hoodie na naka-tingin sa akin. Kinabahan ako.

Shit.

There's a burglar!


Walang lumabas na boses sa bibig ko, umaatras lang ako. Kumatok ito sa bintana at nag-tanggal ng hoodie.


Wait.

Sa features niya, nakikilala ko siya.

"Cris?" Nilapitan ko ang bintana bago buksan. Malaki ito kaya kasya siya. Tuluyan na siyang pumasok sa kwarto ko.

"A-anong ginagawa mo dito, gabi na?" Imbes na magalit, mukha akong psycho na tuwang-tuwa na nakita siya.

"Miss lang kita." sabi niya sa akin ng hindi nakatingin at naka-pamulsa.

"You're so cheesy. I can't believe I'm hearing those words from a punk." Sinindihan ko ang ilaw at nilock ang kwarto baka may makakita sa kanya bago ko paalisin. Bumalik na ako sa kama.

"O, ano? You can't sleep here at may exam pa tayo bukas." paalala ko sa kanya. Damn, I can feel my eyebugs.

Nag-kumot na ako at hinihintay lang siyang umalis ulit. Teka. Paano pala siya naka-akyat?

"Hoy. tara." puro na lang 'tara' ang naririnig ko sa kanya.

"Hah?" hindi ko siya maintindihan.

"Tara.... date tayo." sabi niya.

"Ano? Date? Gabi na hah." napatayo ako sa higaan ko. 10:30 for Pete's sake?

"No!" umiling ako.

"Sige naa, mag-tatampo ako." What. Who cares men. Hindi naman siya mag-ddrama katulad ng gagawin niya ngayon.

"Geh, punta na lang ako sa bar para maghanap ng maraming chikababes." Nanlaki ang mga mata ko ng akma na siyang aalis. Hindi ako nakakibo agad.

"Hoy." tawag ko sa kanya.




Here we are climbing down. Nagdala pala siya ng ladder niya. Haha.

Dumaan na rin ako ng bintana dahil gising pa pala si Mama. Hindi ko akalaing aalis ako ng ganitong gabi na.

Hawak-hawak ni Cris ang kamay ko at tahimik kaming humahakbang sa damo sa labas. Iniwan pala niyang bukas ang gate ng makalabas kami narinig kong humikab si Vince sa di kalayuan. Agad kaming nag-tago.

Umangkas agad kami ng motor.

Sobrang excited ako. i think my mom would'nt be worried about me anyway. Ayoko na munang isipin iyon. Ang importante kasama ko si Cris.




Pumunta kami ng convenient store. Umikot-ikot kami sa mga shelf ni Cris. Hindi malaman kung anong bibilhin.

Nag-katapat kami ng shelves kaya pareho kaming natawa kahit walang dahilan.

Kumuha siya ng isang bar ng hershey vanilla, binuksan niya ito at kinain.

"Shit." sinubukan niya pang yumuko para hindi makita sa cctv.

"No.No.!" lumapit ako sa kanya. Kinuha ko ang balot na lang sa kamay niya.

"H-hoy, ano gagawin mo. Haha." parang wala lang sa kanya.


Nagulat yung cashier ng ibigay ko sa kanya yung balot, nag-sorry na lang ako. Matapos kong bayaran hinanap ulit ng mata ko si Cris at nakita ko siyang pumupuslit ng kung anong snack sa loob ng hoodie niya. Umiling na lang ako.

Bumili na rin ako ng dalawang ice cream na naka-cup. Uupo na sana ako ng yayain nanaman ako ni Cris sa kabas.

"Bakit?"

"Nakaka-yamot dito, sa labas na lang tayo." Inabot ko yung isang ice cream sa kanya. Habang palabas kami ng store.

"Nag-kakagalis ako diyan." natawa ako sa sinabi niya.

"Mofo, it's vanilla." sabi ko sa kanya.

"Bakit 'galis' yung term?" tanong ko sa kanya ng maupo kami sa hagdan sa labas.

"Kasi pang-mahirap." at kinain na niya yung ice cream.

Wala ng masyadong tao. Napaka-payapa na ng paligid. What a good feeling. Cris.

Black Roses: Yuri and Cris (Tagalog-COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon