The Last Petal

1.5K 11 13
                                    

Final Chapter

Early in the morning, mag-isa akong nag almusal sa kusina.

Lulunukin ko na sana ang kanin sa kutsara ng makaramdam ako ng pananakit nanaman sa kaliwang bahagi ng dibdib ko.

Iniisip ko kung anong nakain ko. Have i eaten so much fats. Uminom ako ng tubig to clear my throat.

Pero lalong lumala. Sinubukan kong hindi muna huminga pero the throbbing never stop. Napahawak ako ng mahigpit sa mesa.

Ang sakit.. Sakit..

Kinuha ko yung gamot na nireseta sakin ng doctor.

Dumating si mama the momemt na umiinom ako ng tubig dahil natapos na akong kumain.

Agad akong tumayo at kinuha ang bag ko.

"Dito na ko. " hindi ko na siya nilingon.

"Nak, nasa banda ka na pala. " humarap ako sa kanya yung ekspresyon niya hindi na blangko.

"Kanino mo nalaman? "

"Online,"

"Online? " i mimicked.

"Nakakatuwa naman na you're up to something" she smiled. Did she?

"Going. " nagmadali na akong umalis.

"Good luck iha. " hindi ko alam kung nabingi ako pero patuloy pa rin ako.


Nakaramdam ako ng mahapding sakit sa bandang dibdib ko.

"Maaa!"

Natumba ako sa pintuan. Hindi ko na kinakaya hindi na ako makahinga tumitindi ang sakit.

Dug...... Dug... Dug...




.......................


Madilim at malungkot ang imahe sa labas makapal ang ulap at para bang nag-babadya ng ulan. Hawak hawak ko ang cannula na sumusuporta sa pag-hinga ko ng maayos. Tumayo ako papunta sa bintana kung saan madalas na lang nandirito si Crisson.


Tumingin ako sa baba, naiisip ko siyang tumitingin dito sa taas at lumilinga-linga kung may tao ba sa paligid para hindi siya mahuling umaakyat dito.


Nasaan na siya?


Hindi ko rin alam. Natigil na rin muna ako sa pag-aaral dahil kailangan ko ng matinding pahinga. Pahinga sa mundo. Napailing ako.


Siguro nga mga bata pa kami na hindi alam kung anong pinag-gagagawa sa buhay pero ito yung mga ala-ala na babalikan namin kung kami ay aabutan pa ng pagtanda.


Magka-iba kaming dalawa, naalala ko noong muntik niya akong sikuhin dahil pinapa-usog niya ako sa upuan. Napangiti ako.

Yung mga gabi na tumatakas kaming dalawa at sasakyan ko ang maangas niyang motor na todo kapit ako sa kanya habang pinapanuod ang paligi.


Crisson showed me the other side of the world. He was fearless. Noong una pa lang alam kong hindi kami mag-kakasundo pero noong naging kami na hindi ko alam paano.. pero siguro dahil pinakita niya sa akin yung side niya na hindi ko inasahan lalo na ang pagbigay niya sa akin ng bulaklak.


Naalala ko ang bulaklak kaya sinubukan kong hanapin ito. Tinignan ko ang drawer ko na puno ng iba't-ibang libro kapal at edad. Mga sketches ko na naka-ipit sa folder, naamoy ko ang kalumaan nito. Kinuha ko ang libro na binabasa ko noong kakikilala ko palang sa kanya.


Binuksan ko ito at nakita ang itim na mga rosas.


Minantsahan nito ang mga pahina ng aking paboritong nobela. Nalungkot ako sa itim at naaagnas nitong kulay.


Bakit ngayon nga lang ba nagkaroon ng halaga sa akin ang lahat kung kailan tapos na?


Either he wasn't meant for me perhaps we're meant to be or this isn't the right time yet. I'm hoping he finds himself wherever he wander and if he does I am hoping he knows I'm still waiting for him. Here.





END



A/N: HI GUYS! SALAMAT SA SUPORTA AND I'M HAPPY KUNG NAGUSTUHAN NIYO YUNG STORY HEHE KAHIT ALAM KONG YUNG IBA SA INYO NABITIN. ABANGAN NIYO NA LANG PO ANG GANGSTER'S DAUGHTER MEDYO CONNECTED YUNG STORY NIYA DITO. :))) YOU CAN FOLLOW ME FOR UPDATES AND YOU CAN CHECK MY OTHER STORIES TOO. THANK YOU FOR YOUR SUPPORT!! GOD BLESS TO ALL OF US AND I HOPE YOUR HAPPY.

Black Roses: Yuri and Cris (Tagalog-COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon