7th petal: Nowhere

690 7 0
                                    

Chapter 27: Nowhere

Crisson

Tatlong araw ang lumipas. Lunes ngayon at maaga akong papasok para kay Yuri. Hindi ko siya napuntahan nitong nakaraang araw.

Naupo ako sa kama at inaayos ko na lang ang sintas ng sapatos ko.

Pinagpag ko ang kwelyo ng uniporme ko bago umalis.

Kahit alanganin ang pakiramdam ko dahil ilang araw nanaman akong hindi pumasok.

Maririnig ko nanaman ang sermon ng mga teacher.

Pero nababaliwala yun kapag naiisip kong isa si Yuri sa pinakamahalagang rason kaya gusto ko pa rin pumasok.

Malapit na ako sa room, sumilip ako sa loob pero wala siya. Dalawa palang ang tao.

Nilagay ko ang bag ko sa tabi ng upuan ni Lourixxe.



Maya-maya pa halos makumpleto na ang buong klase ng bigla akong kutuban na parang hindi siya makakapasok ngayon.

Wala pa naman ang teacher kaya lumipat ako sa upuan niya. Maghihintay pa rin ako.


Nakarating na ang prof at natapos ang unang klase sa umaga kahit imposible iniisip ko pa ring papasok siya.

"Hoy, babae." tawag ko sa taong nakaupo sa harapan ko. Hindi niya ako pinansin. 'Nice talking'

"Tsk. Michelle!" buti naalala ko pangalan niya lagi kasi siyang nababanggit ni Yuri sakin. Lumingon ito na parang nagulat.


"Nakita mo ba si Yuri?" balisa kong nakadukong tinanong.

"Hindi eh." tapos humarap ulit siya sa... hindi pala. 'Kay' Mateong Matching. May pagnanasa siguro 'tong babae na ito. Yak.

Pero napatingin ako kay Mateo. Alam niya kaya kung nasaan si Yuri?

Malulunok ko bang kausapin ang kuto na ito pero siyempre.. Hindi!

Hindi bale na!


Puntahan ko na lang mamaya si Yuri sa kanila. Kaso yung Mama niya nga pala.

Napahalukipkip akong napaisip.



Nasa harap na ako ng bahay ni Yuri ngayon. Medyo kinakabahan pa ako sa Mama niya.

Pinindot ko yung doorbell. Inayos ko ang buhok ko at uniporme habang bitbit ko din sa isang braso yung strap ng bag ko.

Lumabas yung babaeng kasambahay nila. Mukhang sinusuri mukha ko.


"A-ano yun?" humawak siya sa gate.


"Si Lourixxe nandyan ba?" pagkasabi ko nun eksaktong papalabas ng bahay ang mama niya.

Halatang natataranta siya dahil nagmamadali siyang sumakay sa puting kotse na para bang may hinahabol.

Kaya umalis naman yung babae sa harap ko para buksan ang gate.


Tumabi ako saglit.


Sinilip ko pa rin ang Mama ni Yuri sa loob. Bakit parang may mali?

Dumaan sa harap ko yung sasakyan at tumigil ito tsaka bumukas ang bintana mula sa loob ng kotse.



"Nasaan ang anak ko!" Sigaw sa akin ng Mama niya. Hala.

Sinong anak?

Bumaba siya sa kotse at dali-dali akong nilapitan.



"Saan mo dinala ang anak ko!"


Bakas ang mga ugat niya sa leeg dala ng galit.

"Saan mo dinala si Yuri!"


S-si Yuri? Napano siya?

"Nasaan ba siya? Kaya nga ako pumunta dito eh." pagbabaliwala ko sa kanya.


Nagsimula itong humagulgol at napahawak sa braso ko. Natigilan ako saglit, nakita ko yung kasambahay nila na malungkot ang mukha.


"Tatlong araw na siyang nawawala!"


Imposible! Napahawak ako sa sentido ko dahil sa nalaman ko.


A/N: Comments/ Feedbacks/ Votes thanks  💕

Black Roses: Yuri and Cris (Tagalog-COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon