Chapter 12: Troublesome
"Hi!! Kamusta?!! Bakit hindi ka pumasok?? Namiss tuloy kita ;3. " Bungad ni Mich pag-karating ko ng room.
Napangiti ako sa sinabi niya.
Wednesday na ngayon, pumasok ako nung Monday pero sumakit pa rin ang paa ko, kaya pinauwi ako then nag-absent ako ng Tuesday.
"What did I missed?." Umupo na ako sa upuan ko.
"Uhm! Naglesson lang naman tapos quiz, eveeery subject! May groupings pala tayo ngayon. Mabuti at pumasok ka na ulit. ^_^ "
"Saang subject naman?"
"Sa chemistry tungkol sa - - -"
"Hoy, Alis diyan." Natahimik ang lahat ng tao sa klase.
Hah?
"Bungol ka ba? Alis ka jan! Upuan ko yan!"
Sinimulan niyang tapik-tapikin si Mich para tumayo. I found it offending on Mich's side. Sisigawan ko na sana siya pero tumayo na si Mich habang pinag-titinginan siya ng mga tao.
Sumalampak na si Cris sa upuan niya.
"Aww, how pathetic, Hahaha"
"Kawawa naman."
Humarap na sakin si Mich at nag-isip agad ako kung saan ko siya pauupuin. Lumingon-lingon ako para mag-hanap ng upuan pero talagang eksakto lang ang upuan dito sa classroom.
"Ahm. Dito ka na lang muna sa tabi ko." Umusog ako ng konti para may space pa siyang uupuan. I can't believe I actually care about others now.
Hindi ko naman makuhang mainis kay Cris sa hindi ko malaman na dahilan.
"Good morning, everyone." As usual chemistry ang first subject.
"Morning Sir!"
"Lou, nakatingin sa atin si Sir." Bulong sakin ni Mich.
"Before we start gusto kong malaman kung bakit nag-sisiksikan kayo sa iisang upuan?"
Nagtawanan ang iba naming kaklase pero sa tingin ko kung matino ang isip mo, wala namang nakakatawa.
Tumayo agad si Mich.
"Sorry po, sir."
"Saan kaba nakaupo?"
Tinuro ni Mich ang upuan ni Cris at tinignan naman siya nito ng masama.
"Woaw. Mister Jimenez! Mabuti- - hindi pala. Bakit ka pa pumasok? Akala ko ba drop na ito sa klase niyo? Naligaw ka ba, anong nakain mo?" Nilinis pa niya ang salamin niya para makita na talagang si Jimenez nga iyon.
Nag-tawanan nanaman ang lahat.
Humikab lang si Cris. Talagang pilosopo lang ang teacher namin na ito.
"Hay! Kawawa naman ang mga magulang mo."
Ibinaling na niya ang tingin niya kay Mich na kasalukuyan pa ring nakatayo.
"Ikaw, dito ka na muna maupo." Tinuro niya ang chair niya dahil hindi niya naman ito ginagamit tuwing nag-kklase. Sanay siyang nakatayo.
"Anong activity natin ngayon? Parang i-ggroupings ko yata kayo. Well nagkaroon naman na ako ng arrangement, ang bawat grupo ay may sampung miyembro."
~~~~~~
Okay naman ang groupings, magkakasama ang mga mag-kakaugali. *grins
Kaso hindi ko nga lang ka-grupo si Mich. Tinignan ko siya at ganun din siya sakin at nag-"Okay" sign lang siya. Binigyan ko na lang siya ng tipid na ngiti.
Napalingon ako sa gilid and I caught Cris staring at me.
Iniwas naman niya agad. Kagrupo ko nga pala siya.
"Kailangan sa mga oras na ito may napili na kayong leader at assistant leader. Kaylangang lahat ay gumagawa!"
"Ala, Sino niyan?" tanong ng isa naming kagrupo.
"Si Mateo na lang."
"Oo siya na lang, Oo! Ikaw na lang Mateo."
Tumango naman si Mateo.
"Sinong assistant mo?"
"Ikaw na! Para wala ng problema!"
"Simulan na muna natin sa scratch, para hindi masayang ang mga iba pang materials." Pamumuno ni Mateo, kumuha siya ng papel at ballpen.
"Ang iba para may gawin subukan niyo na ring sagutan ang iba pang question at yung iba iready ang mga materials."
Nag-simula ng sumunod ang iba. Pati si Cris mabuti naman at sumunod din.
After 5 minutes ~
"Lourixxe, tignan mo." Lumapit siya sakin at pinakita ang papel na hawak niya.
" 19K is 1s2 2s2 2p6 3s2 3s6 4s1 , tama ba? Hehe."
"Ahm, wala kang 'p'.. dapat 2nd to the last meron ka, ganito.." Sinulat ko ang sagot.
"Ah ganun! Galing naman." Kinamot niya ang ulo niya at ngumiti. Oo nga killer smile siya pero hindi ako kinikilig.
"Parang tanga. Ka-simple simple nahihirapan! Ako na nga!"
Pinag-tinginan namin si Cris na nasa likuran lang namin. Inaaway niya ang isa naming ka-grupo.
"Haha, Pms." Bulong ni Mateo at tinapos na namin ang iba pa.
~~~~~~~~
Matapos naming ireport ang saamin, kami ang nakakuha ng pinaka-mataas na grade.
"Pano ako lahat ang nag-solve!" Pag-mamalaki ni Cris.
Umiling na lang ako.
Naka-alis na rin ang teacher namin.
"Uy pare! Musta! Pumasok kapa? Haha"
Hindi naman sa ayaw ko na siyang makita pero bakit pumasok pa ulit siya?
BINABASA MO ANG
Black Roses: Yuri and Cris (Tagalog-COMPLETE)
Roman pour AdolescentsHe's destructable And She's always annoyed. Well, the worst day of their life happened when they met. And also became the best day when they start to feel their own hearts beat. BANSI 2013