Weird Taste

90 4 0
                                    

Tatlong sunud-sunod na araw nang hinihila ni Seungcheol si Jeonghan para samahan ito sa madalas niyang pinupuntahan gabi-gabi na ice cream shop. Hindi naman ito nakakaangal dahil una, masarap 'yung postachio ice cream nila at pangalawa dahil hindi naman siya papakinggan ni Seungcheol kahit anong pilit niyang pag-angal.

Naisip ni Jeonghan na baka kinabukasan ay magsawa na siya sa postachio, kaya naisipan nitong mag-order ng iba. 'Vanilla naman para maiba, tapos bukas postachio ulit.' -Jeonghan's head.

"Vanilla flavor po," sabi ni Jeonghan doon sa babae at iaabot na niya sana ang bayad ngunit napatigil ito nang hawakan ni Seungcheol ang nakaabot niyang kamay.

"Ako na," sabi nito na nakapagpakunot sa noo niya. Hindi kasi naintindihan ni Jeonghan. "Ako na magbabayad," pag-ulit ni Seungcheol na saglit na tumingin sa kan'ya.

Kunot-noo niyang tinitingnan si Seungcheol hanggang sa makahanap sila ng pwesto.

Napansin ni Seungcheol na hanggang sa makarating ang order nila ay nakatitig pa rin sa kan'ya si Jeonghan. Tinaasan niya ito ng kilay.

"Ba't naisipan mong ilibre ako?" tanong ni Jeonghan sa kan'ya nang masimulan niyang lantakin ang ice cream. Mapait man ang lasa- dahil nga beer flavored ito- matamis pa rin naman. A weird flavor that Seungcheol never knew that he'll like. Simula ng matikman niya ito, naadik siya kaagad. Ang side effects nga lang ay nalalasing siya.

Napansin niya ang pag-iling ni Jeonghan. Muntik na niyang makalimutan na may itinanong nga pala ito.

"As a thank you," sagot niya. Napatingin sa kan'ya si Jeonghan at kita niyang nagtataka ito sa kan'yang sinabi. "For coming here with me even though you don't really want to." Nakatingin nang seryoso si Seungcheol kay Jeonghan.

At dahil hindi naman tatanga-tanga si Jeonghan sa english, 'di tulad ni Seungkwan, ay naintindihan niya ang sinabi ng kan'yang katapat.

Ngunit ang hindi niya maintindihan ay ang kiliting nararamdaman niya sa kan'yang tiyan at ang mabilis na pagtibok nang kan'yang puso.

'Ito ba ang epekto ng vanilla ice cream?' tanong ni Jeonghan sa sarili at napaiwas na lang ng tingin nang hindi niya matiis ang pagkailang na nararamdaman niya dahil sa tingin sa kan'ya ni Seungcheol.

Beer Flavored Ice CreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon