Reason and Mission

80 3 0
                                    

"Kailan ka ba talaga aamin sa kan'ya hyung?" Napalingon si Seungcheol kay Soonyoung na kumportableng-kumportableng nakadapa sa kama niya. Nakita niya naman ang pagtangu-tango ni Seungkwan.

"Oo nga," pagsang-ayon ni Boo. "Tsaka ano ka ba hyung ilang araw ka ng nagpapakalasing miski isang beses hindi ka pa nakakaamin!" sabi nito sa kan'ya habang nakasimangot.

"Akala ko ba ginagawa mo 'yon para mapalakas ang loob mo?" Napatingin naman siya kay Jihoon na nakahiga sa likuran ni Soonyoung. "'Di ba? Kaya gabi-gabi kang napunta sa ice cream shop nina Doteng?"

"Pasalamat ka nga at hindi nakakaangal si Jeonghan sa pagpilit naming siya ang sumundo sa'yo e," dagdag naman ni Wonwoo habang busy sa pagbabasa.

"Kailangan nga ba hyung?" tanong ni Minghao dahil naubusan na siya ng pangdagdag sa sinabi n'ung tatlo.

Napaisip naman si Seungcheol dahil sa mga pinagsasasabi ng mga kasama niya.

Ang totoong rason kung bakit nagpapakalasing si Seungcheol sa pamamagitan ng beer-flavored ice cream, ay para magkaroon ng lakas ng loob na makaamin kay Jeonghan. Hindi niya alam kung bakit iyon ang paraan na naisip niya, pero dahil usapang ice cream naman ay hindi na siya humindi. Kinuntyaba niya rin ang mga kasamahan sa bahay na piliting si Jeonghan ang magsundo sa kan'ya, naisip kasi ni Seungcheol na mas mapapadali ang pag-amin nito kung mapapalapit kaagad sa kan'ya si Jeonghan.
Pero kahit na perpektong-perpekto na ang pagkakagawa at pag-aksyon according sa plano, hindi niya pa rin magawang umamin.

Kulang pa rin ba sa ice cream? Kulang pa rin ba sa tapang? Saan pa ba nagkukulang? 'Hay nako. Hindi ko alam.' -isip ni Seungcheol.

"Kung ako sa'yo hyung, nako magpapadala na ako sa pagkakalasing." Napatingin ang lahat kay Minghao dahil sa kan'yang sinabi. "'Yun naman talaga ang plano mo hyung, 'di ba? Kasi sabi mo mismo na lumalakas ang loob ng isang tao kapag lasing. Kaya grab the chance 'di ba? 'Wag ka nga lang magpapadala masyado kasi mamaya hindi lang pag-amin ang gawin mo kay Jeonghan hyung," pabirong pagkakasabi nito kaya agad siyang binato ni Jihoon ng unan.

Natawa ng bahagya si Minghao bago magsalita, "Bakit?! Malay niyo mapasuka na lang si Seungcheol hyung bigla! Edi panira sa moment." Napailing ito pagkatapos.

"Mga isip niyo talaga," bulong ni Minghao na narinig naman nilang lahat.

"Pero tama nga si Minghao, hyung!" pagsang-ayon ni Seungkwan. "Grab the chance while it is still there!"

Beer Flavored Ice CreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon