Final Chance

105 6 0
                                    

Ramdam na ramdam ni Seungcheol ang pag-akay sa kan'ya ni Jeonghan pabalik sa kanilang bahay. Malapit na, malapit na 'yung pagkakataong aamin na siya kay Jeonghan. After ilang weeks ng paglalasing, sa wakas ay nararamdaman na niya ang lakas ng loob na matagal na niyang hinihingi sa kan'yang sarili- sa tulong nang beer-flavored ice cream.

Ito na.

Nakapasok na sila sa loob ng bahay. At dahil anong oras ulit sila nagtagal sa ice cream shop ay hindi na nila naabutan ang iba. Mga nakatulog na.

"Hindi ko talaga maintindihan kung bakit kailangan mong maglasing. May problema ka bang dinadala ha? Pwede ka naman magsabi sa amin." Palihim na napangiti si Seungcheol sa mga sinabi ni Jeonghan.

Hindi naman kasi porket lasing ay wala na sa katinuan. Sadyang malakas lang ang loob kaya mukhang wala sa katinuan.

Naramdaman niya ang malambot na higaang sumalubong sa likuran niya. Naihiga na pala siya ni Jeonghan.

"Sweet dreams na lang Seungcheol."

Ito na ang pagkakataong makaamin kay Jeonghan!

'Seungcheol gawin mo na bilis!'

At para bang isang taong hindi lasing si Seungcheol na tumayo at lumakad papalapit kay Jeonghan, hinawakan niya ang kamay nito kaya agad itong napatigil sa paglalakad. Tiningnan siya ni Jeonghan at ang mukha niya'y talagang naguguluhan.

Sino nga ba ang lasing na kayang makatayo ng tuwid at kayang tingnan siya sa mata na akala mong hindi ito nakainom- nakakain pala ng isang beer-flavored ice cream.

"Gusto kita."

Ang pagtataka sa mukha ni Jeonghan ay agad na napalitan ng pagkagulat.

"A-alam mo? Lasing ka lang S-seungcheol kaya matulog ka na-"

Hindi maintindihan ni Jeonghan ang nangyayari. Una ay dahil parang hindi lasing ang kausap niya at pangalawa.. hindi maintindihan ni Jeonghan kung bakit magkalapat na ang labi nilang dalawa.

"Hindi ako lasing." Humiwalay si Seungcheol sa labi ni Jeonghan at inilayo ng kaunti ang mukha, tama lang para matitigan niya ang mga mata ni Jeonghan.

"Malakas lang ang loob ko," bulong nito, sakto lang para marinig ni Jeonghan. "Malakas ang loob ko para sabihin sa'yo na gusto kita, Jeonghan. I really, really like you."

Inilayo na niya ng tuluyan ang mukha niya kay Jeonghan bago bumalik sa pagkakahiga sa kama.

Agad namang napangiti ng sobrang lawak si Seungcheol. He did it.

He finally confessed to Jeonghan without the help of the beer-flavored ice cream.

The courage was always in himself after all.

T H E E N D

--

I told you, randomest shit ever.

Beer Flavored Ice CreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon