Seungcheol

121 5 0
                                    

"Cheol, umuwi na tayo." Pilit na hinihila ng isang lalaking mukhang babae nagngangalang Jeonghan ang isang lasing na lasing na coups boy na si Seungcheol.

"Ano ba naman klaseng ice cream shop 'to bakit may beer flavor sila ng ice cream?" Inis na pagkakabulong ni Jeonghan habang akay-akay na si Seungcheol.

"Ito namang taong 'to nakakainis!" reklamo niya at nilingon ang natutulog na Seungcheol. "Ako tuloy napag-uutusang iuwi e." Reklamo pa ulit nito ng makalabas na sila ng store. Hindi maiiwasang mawalan ng kaunting balance si Jeonghan dahil may kabigatan si Seungcheol. "Nagpapasalamat ako at katapat lang ng ice cream store na 'to ang bahay."

Hirap na hirap man sa pagbuhat ay nakarating na rin agad si Jeonghan sa bahay nila nina Soonyoung, Wonwoo, Seungkwan, Jihoon at Minghao.

"Doon ba ulit?" Bungad na tanong ni Jihoon at tinulungang mag-akay si Jeonghan.

"Oo, palagi naman siyang doon nagpapakalasing," sagot ni Jeonghan habang natangu-tango.

"Sige na, ako na ang magdadala sa kwarto niya. Magpahinga ka na Jeonghan." Nginitian siya ni Soonyoung at hindi na niya nakita ang mata nito. Forever. Joke. K.

"Salamat." Agad-agad namang binitawan ni Jeonghan si Seungcheol at pinagmasdan na lang niya ang pag-akay sa kan'ya ni Soonyoung.

Beer Flavored Ice CreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon