AWA: CHAPTER 6

6.3K 109 8
                                    

Continuation po ito. Sorry late update :) May 25 pa sana to pero walang internet connection eh. Godbless :)
------------------------------------------------------
Dear Van,

"Van, pasensya na. Di ko na talaga kaya. Magpapakalayo na ako. Sana naman masaya kana kasi wala ng tanga sa buhay mo. Maghanap ka nalang ulit ng muchacha. Pasensya sa lahat ng nagawa ko. Alam ko naman na mahal na mahal mo parin si Rachelle eh. Kaya ngayon, pinapakawalan na kita. Ano ba ba ang halaga kung ipaglalaban kita kung hindi mo naman ako mahal. Oo mahal kita kaya ginagawa ko ito. Kaya Van, sana maging masaya kana. Pinapakawalan na kita. Yang brown envelope na yan, divorce paper yan. Pirma mo nalang ang kulang. Maging masaya ka ah? Wag mong sayangin ang ginawa ko para sayo. I love you, goodbye"

Love,
Faye :)

Biglang tumulo yung luha ko. Nakaramdam ako nang sakit. Mas masakit pa nung nawala si Rachelle. Mahal ko na rin ba si Faye??

After 3 years..

"Mommy, mommy, mommy!"

"Yes baby?"

"I want to eat naaaa. I'm so hungryyy!"

Hay nako. Nalate na naman ako ng gising.

"I'm so sorry baby. Wait ka lang ha?"

"It's wookay mommyyy. I love yooou"

"I love you too, baby"

Kaya nagmadali na akong naghanda. Napakahyper talaga ng anak ko. Ayy oo nga 3 years na. 3 years na nung iniwan ko siya at hindi ko alam na mabubuntis pala ako ni Van. 20 years old ako nanganak at 2 years old na ang baby boy ko at napakatalino gaya ng papa niya. Para nga siyang si Van lang eh. Kamukhang kamukha little version nga lang. At pinangalanan ko siyang, Ivan Rein Gonzales. Oo ginamit ko ang apilyedo ng papa niya pero siya lang ang gumagamit nito. Cruz na ulit ang ginagamit ko. At masaya naman ang pamumuhay namin ni baby Rein. At bigla namang nagsalita siya...

"Mommy, you know what? I want to go to the Philippines because my friends tell me that it is a nice place. Let's go there mommy...Puhleaaaashe!"

"Okay, okay. Prepare your things na. We will go there tomorrow. Okay?" Hayy kaya ko nabang makita siya? Bahala na si batman.

Ito talagang anak ko napaka adventurous hahays.

*VAN'S POV*

Sa loob ng 3 taon, naging miserable ang buhay ko. Oo lagi ko siyang sinasaktan noon at pinagsisisihan ko iyon. Sa 3 taon ng pamumuhay ko na wala siya ay ganun din kawalang kulay ang buhay ko. Namimiss ko na siya. At yung divorce paper? Sinunog ko iyon. Ayaw kong magdivorce kami. Lagi akong umiiyak.

Oo alam ko ang sinasabi nyo na bagay lang ito sa akin, na karma ko na ito. Kaya tinutok ko nalang ang buhay ko sa pagtatrabaho at hindi ako kailanman naghanap ng ibang babae...

Kaya pupunta ako ng mall ngayon para naman makapagparefresh ako ng biglang may nahagip ang mata ko. At hindi nga ako nagkakamali. Siya nga yun. Siya nga.

Ang asawa ko na matagal ko nang hinahanap at may bata siyang dala na... wait.... parang nanalamin ako... ng biglang napatingin siya sa gawi ko at makikita mong gulat na gulat ang mukha niya.

Agad-agad ko naman silang pinuntahan pero mabilis silang lumakad palayo...

*FAYE'S POV*

Oo nasa pilipinas na kami. (Wag nakayong umangal hahaxD) At ito namang si Rein ay gustong mamasyal sa mall kaya pinagbigyan ko na. At habang namamasyal kami parang may taong tumititig sa akin. Nafifeel ko yun kaya tumingin ako sa gawi na yun at nagulat ako ng makita kung sino iyon. Siya... ang ex husband ko. At napunta ang attention niya kay Rein at lumakad na siya papunta sa amin at dali dali kong kinuha si Rein at nagtakbo lakad na ako ng may biglang tumawag sa akin. Alam ko ang boses na yun. Di ako nagkakamali. Ng bigla syang...

-------------------------------------------------------------
Cliff hanger ulit. Tulog muna ako. Byeee :*

A Wife's AgonyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon