AWA: CHAPTER 8

5.8K 89 5
                                    

Nasa tabi ko naman si Rein na natutulog at habang nagdadrive ako may nakikita akong sasakyan na sumusunod sa amin. Ng biglang humarurot ito at huminto sa unahan namin at puro mga armadong tao...Kinabahan ako. Pilit nilang binubuksan ang pintuan ng kotse kaya pinaharurot ko na din ito pero bigla nilang binaril ang gulong kaya nagpagewang gewang ito bago sumalpok sa may poste pero bago ako mawalan ng malay kinuha ng armadong tao si Rein...

"Mommy!!!!!!"

"R-R-Rei--" nawalan na ako ng malay.
--

Nagising ako na parang may posas ang kamay ko na nakaconnect sa higaan ko. Nasaan ba ako?? Ng biglang pumasok si..si...Van??

"Anong ginawa mo??!"

"Hahaha dba sabi ko, hindi mo ko matatakasan?"

"Van *sniffs* kailan mo pa ba ako titigilan? Akala ko nagbago kana.."

"*smirk* Ako?? Magbabago??!"

"Hayop ka talaga!! Teka, nasaan si Rein?! San mo siya dinala?!"

"Hmm... matapang kana pala ngayon, wife! Pero hindi mo ako ulit matatakasan pang ulit!!"

*BOOOOGSH* bigla niya akong sinikmuraan kaya nawalan ako ng malay...

Nagising ako ulit ng madaling araw. T-teka it means that...

"A-Araay" namumula na ang kamay ko ng dahil sa posas na iyon. Ang sakit naman... Teka may hairpin ako sa ulo baka matanggal ko tong posas ng isang kamay ko. Buti naman at isang kamay lng...

*CLICK* shoot. Galing ko talaga... Kaya dali-dali akong bumangon sa higaan at lumabas. Wala si Van. Dapat mahanap ko si Rein... pero may nahagip ang mata ko... Lalaking may dalang baril at..at nakatutok kay Van.

*BAAAANG!*

"Waaaaaaag!!!" Umiiyak ako ng umiyak. Wala na si Van. Ang taong nagpasakit sa akin at ang lalaking minahal ko ng lubusan.

"Vaaan, gumising ka. Gumising ka. Wag mo akong iwan. Please."

'Hingal na hingal ako ng magising ako. Kinapa ko ang pisngi ko at basa ito. So umiyak talaga ako. Akala ko talaga totoo iyon. Yun pala panaginip ito.

Teka, asan si Rein? Bakit nandito ako ngayon sa kwartong puro puti. Bakit ako nandito? Patay na ba ako??

"Wife, anong nangyari bakit ka sumigaw? May sunog ba??" Well, si Van po yan di ko din alam kong san nanggaling yan eh. Pero si Rein, kinuha ng mga armadong lalaki.

"Tsk. Asan yung anak ko?"

"Anak mo lang? Eh tayo kayang dalawa ang gumawa non."

"Nasaan ba talaga si Rein ha?? Kinuha siya ng mga armadong lalaki kanina!!" Humihikbi na ako.

"Sorry sa nagawa ko wife. Nang dahil sa akin, naaksidente kayo. At tauhan ko yung mga armadong lalaki kanina. Kinuha nila agad si Rein doon sa sasakyan"

"Napakawalang hiya mo talaga eh noh? Muntik na kaming mamatay ni Rein ng dahil sa ginawa mo!"

"Pero wife nagawa ko yun dahil ayaw kong mawala ulit kayong dalawa sa akin."

"Tigilan mo na to, Van. Wala na tong pupuntahan ang relasyon natin. Kasi matagal mo na kaming nawala. Kaya wag mo na akong sabihan ng mga ganyang salita. Nakakaembyerna!"

"P-pero---"

Hindi ko siya pinatapos sa kanyang sasabihin. Wala akong oras umasa muli sa kanyang mga sinasabi ngayon. At dahil sa kanya, hindi kami natuloy sa states. Tsk.


"Uuwi na ko."

"Please patawarin mo ako sa lahat ng nagawa ko sayo, Faye. Mahal kita. Mahal na mahal."
-------------------------------------------------------------

Ano kayang mararamdaman ni Faye? Na ang lalaking akala niya na napakaimposibleng mahalin siya ay minahal na din siya sa wakas.

Abangan sa susunod na chapter!
---------

Cliff hanger muna guuuys! Hahaha.

Thank you pa din sa patuloy na nagbabasa nitong story ko kahit na hindi talaga ako palaging nag uupdate. Sorry po talaga. Sa kaklase kong bumabasa nito at talagang sinasabihan ako kahapon na mag update so ito na ses hahaha.

Thank you po sa nag vovote, nagre-read at nag aadd nitong story nato sa kanilang reading list. Godbless.

*Bihira lang talaga ako makapag update. Busy sa school eh*

Hope you enjoy!

A Wife's AgonyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon