Chapter 7: What a coincidence O.O

1.4K 8 1
                                    

CHAPTER 7

=============================================================================

VAL'S POV

Natapos na ang araw pero si Zayn pa rin iniisip ko. May sinabi kasi siya kanina habang naglalakad kami pabalik ng room.

*FLASHBACK*

"Val, Naniniwala ka ba sa love at first sight?" sabi ni Drew. ANSAVEH?! May alam din pala ito tungkol sa love! 

"Oo. Minsan. Teka, bakit mo naman na itanong yan?" tanong ko.

"Wala lang masama bang magtanong?"

"Oo, masama. Kasi wala namang dahilan kung bakit ka nagtanong!" 

"Anong connect? Saka free country naman ang Pilipinas kaya pwedeng magtanong"

K! Siya na panalo! Hindi ko nga rin alam kung bakit ko sinabi yun ehh.... Ambonakid talaga ni Val minsan. Tsk Tsk.

"Naranasan mo na bang mag-mahal, Drew?" tanong ko since inumpisahan na niya ang topic tungkol sa love.

"Oo. At dahil sa pag-ibig, nagpakatanga ako.."

"Parehas lang pala tayo ehh.."

"Bakit? Nagmahal ka na ba, Val?"

"Syempre naman..." sagot ko at bigla kong na-alala si Ace. Hayss. Sana maka-move on na ako... <//3

"Gusto mong malaman yung storya ko?" tanung ni Zayn

"Kung okay lang sayo, edi sige.." sagot ko

"Nung grade six kasi ako, may nagustuhan akong babae. Mabait siya, matalino, at maganda. Gusto siya ng halos lahat ng classmates ko kahit mga batchmates namin. Pati ako, gusto ko rin siya. Pero sa bestfriend ko siya nagkagusto. Lahat ginawa niya para sa bestfriend ko. Nag-aral siyang mabuti, nagkikilos babae na siya, at nagpaganda pa para sa bestfriend ko. Ako din ginawa ko ang lahat para sa kanya. Nagbago din ako para mapansin niya ako. Pero walang epekto ehh, yung bestfriend ko pa rin ang mahal niya. Natatandaan ko pa nung graduation namin. Nakita ko siyang lumapit sa best friend ko. Siguro nagbatian lang sila ng congrats. Nakita kong masaya siya sa piling ng bestfriend ko. pero nung narinig ko na sinagot na nung babaeng nililigawan nung bestfriend ko at naging sila na talaga, nakita ko yung pain sa mukha niya. Nakita kong  nasasaktan siya. Gusto ko sana siyang lapitan para yakapin at sabihing nandito lang ako para sayo. pero ano namang karapatan ko para gawin yun? Eh kaibigan nga lang ang turing niya sa akin. Nung nakita ko siyang umalis, sinundan ko siya agad. pero naunahan parin ako ng bestfriend ko. Nakita kong umiiyak na yung babaeng mahal ko at nakaramdam ako ng kirot sa puso ko at mas lumala pa yun nang hinalikan niya sa pisngi yung bestfriend ko. Ansaket nun para sa akin at ang mas masakit pa ngayon ay hindi pa akong handang mag move-on kasi siya pa rin ang mahal ko...."

Parang parehas lang yung storya namin ahh.... Hindi kaya siya yung besfriend ni Ace dati? Yung meron daw gusto sa akin pero nagpakamanhid pa rin ako dahil sa pag-ibig ko kay Ace?? 

o.O?! Pero, thats impossible!! Hindi pwede yun!! Ehh parang kapatid nga lang din ang turing nun sa akin ehh. Siguro tatanungin ko na lang.... para maliwanagan din ako...

"Uhhm.. Drew? Pwedeng magtanong?"

"Ano yun?"

"Ano ba yung pangalan ng babaeng mahal mo saka pangalan ng Bestfriend mo?"

"Ace Gutierrez ang pangalan ng bestfriend ko at kapangalan na kapangalan mo yung babaeng mahal ko. Si Veronica Autumn Lopez.. weird coincidence right?"

HELLA YES!! Baka siya nga yun.... pero paano? Marami namang ibang Ace sa mundo, Val!! Wag mo na lang isipin! Tama! Erase! Erase! Erase!

"Right. It's really weird. Saka ako lang ang nag-iisang Veronica Autumn Lopez sa mundo noh! Kahit sa buong universe!" sabi ko para mapagaan man lang ang loob niya... Bigla kasi siyang tumamlay...

Some Jokes are Half Meant :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon