Chapter 18: Sana nga totoo.

1.1K 7 6
                                    

CHAPTER 18

 

==============================================================================


ZAYN'S POV


Kakatapos lang namin mag-practice ni Kuya Skyler ng tawagin kami ni Tito.

"Oh, tapos na ba kayo? Pasok muna kayo at magpahinga. Mukhang pagod na pagod kayo eh" sabi ni Tito sa amin.

"Sige po Pa! Papasok na po kami!" sigaw naman ni Kuya Skyler.

"Papasok na lang po kami, Tito." sagot ko din

"Sige sige." sabi ni Tito bago umalis.

Kung naguguluhan kayo kung bakit Tito... hindi rin ako sure. As a sign of respect na rin ata. Syempre alam niyo naman na ang isang tulad kong Dela Vega, NAPAKAgalang~ hahaha! Walang kokontra! Basta ang pagkakatanda ko lang, anak si Dad ng kaibigan ng tatay ng Mom ni Veronica. So bale, mag-childhood friends sila~ teka Tagapagsulat tama ba?? Ang gulo mo din eh! Siya na nga lang tanungin niyo, sumasakit na talaga ulo koooo (Author: Tbh, hindi ko din alam!! OTL)

"Oh ano? One on one ULET?" tanong sa akin ni Kuya.

"Po? Ulet na naman?" tanong ko. Paano ba naman, naka-15 one-on-one rounds na ata kami. Hulaan mo kung sinong nanalo? Malamang AKO! Hindi ako nagpapatalo noh! Mwuahaha xD

"Oo! Baket? Ikaw na nga tong palaging nananalo, ikaw pa ang pala-ayaw? Tsk." sabi ni Kuya

"Hindi naman sa ganun, Kuya. Kasi kanina pa tayo naglalaro eh." Nakakapagod din kaya =___=

"Osya. Pumasok na muna tayo at magpahinga." binato niya sa akin yung bola. Malapit ako dito kay Kuya Skyler pero kay Kysler, malabo na atang maglapit kami eh. Kung bakit? Ewan ko din eh.. Siguro na din kaya malapit ako kay Kuya Skyler kasi girlfriend niya yung Ate ko. Ay ewan.

Pagpasok namin, diretcho na kami agad sa kusina para makakuha ng maiinom. At sakto nandoon pala si Tita.

"Oh! Mukhang pagod na pagod kayo ah! Bakit mo naman pinapagod tong si Zayn, Sky? Baka sabihin ng Dad niya na inaabuso mo si Zayn!" sabi ni Tita kay Kuya.

"Ha? Eh Mom, nagbasketball po kami, imposibleng hindi yan mapagod. Saka siya naman ang nagpapaturo eh, kaya siya ang mag-tiis. Diba, Zayn?" sabi ni Kuya sa akin

"Kahit na ba! Mamaya ikaw pa sisihin ni Tito mo!" sabi ni Tita kay Kuya.

"Sorry na po, Mom."

"Hala. Okay lang naman po ako, Tita! Saka tama naman po si Kuya eh. Imposibleng hindi kami mapagod kapag naglalaro ng basketball."

"Ganun ba? O sige. Maligo muna kayo't amoy pawis na kayo!" sabi niya sa amin

"Opo." sagot naman namin ni Kuya.

"Kuya, saan ako maliligo?" bulong ko kay Kuya

"Doon na lang sa guest room. Sigurado nman akong hindi ka papapasukin ni Kysler sa kwarto niya eh." sabi namn ni Kuya

"Oo nga noh. Sige po."

"Wag mo na nga akong i-PO. Nagiging mukha tuloy akong matanda nyan." sabi niya sa akin.

"Haha. Sige p--. Ay! Sige pala." nagtawanan kami ni Kuya Sky.

"Skyler? Paki-tawag naman si Princess oh! May iuutos lang ako sa kanya." sabi ni Tita. Princess? Ang ganda naman ng tawag nila kay Valerie.

"Sige po ma!"

"Ako na Lang Kuya! Para makaligo ka na agad" bigla ko namang sinabi.

"Okay lang sayo?"

"Oo naman po."

"Ano?"

"Ay! Oo naman pala"

"Haha. Oh siya. Sige, mamaya pagkatapos nong maligo, may makikita kang blue na pinto. Yun ang room ni Valerie. Maliligo lang ako ah."

"Sige." pumunta na sa kwarto niya si Kuya Sky. at ako naman sa guest room nila. After 15 minutes, natapos na akong maligo at dumiretcho na sa kwarto ni Val. Malayo pa lang ako, pansin ko na agad yung kwarto niya. Siya lang naman kasi ang may blue na pinto dito sa hallway na ito eh. Unti-unti akong lumapit sa pinto sabay katok. 

"Baket?" sabi ni Val pagkabukas na pagkabukas pa lang ng pinto niya. Tiningnan ko yung loob ng kwarto niya... BiNGO! Nakita ko na din ang hinahanap ko! Nakita ko si Blue, yung stufftoy na binigay ko sa kanya. At nandoon pa talaga sa kama niya. Sabi ko na nga ba magugustuhan niya din yun eh. Actually si Ate Zia ang pumili nun. Sabi niya yun daw ang ibigay ko kay Val kasi yun daw ang paborito niya. Akala ko nga niloloko lang ako ni Ate pero totoo pala.

*BOGSH*

"Aray!" Ansaket nun ah! Pagtingin ko, sinarhan na pala ako ng pinto ni Val. Tumama tuloy yung noo ko sa pinto. Anung problema nun? Bakit niya ako sinarhan ng pinto?

"Val?" sabi ko.

"B-baket?" Huh? Bakit parang natatakot yung boses niya?

"Pinapatawag ka ni Tita sa baba"

"Ahh. Ganun ba? S-sige bababa na ako." Talagang naninibago ako sa boses niya. Para kasi siyang takot na takot eh. Nanatili lang ako sa tabi ng pinto niya. Alam ko kasing aabangan niya lang kung umalis na ako o hindi pa eh. Sinuot ko muna yung t-shirt ko at naghintay ulet. Tama nga ako. Binuksan niya yung pinto at tiningnan kung may tao ba o wala. Pagkatapos nun, lumabas na talaga siya ng kwarto.

"Bakit mo ako sinarhan ng pinto?" tanong ko sa kanya. Humarap siya sa akin at nagsalita

"Bakit ka kasi walang t-shirt kanina? Akala mo bahay mo to ah! Hindi purket close ka kanila mama eh, pwede mo nang i-display yang katawan mo dito sa bahay namin noh! Hmp! Bahala ka na nga dyan!"

Ahh! Kaya pala! Nahiya siya kasi nakita niya akong hindi na ka t-shirt! HAHA! Hay nako, Val nga naman oh! Napa-smirk tuloy ako. Hinaltak ko siya papalapit sa akin nang tumalikod siya sabay bulong sa tenga niya..

"Nagagalet ka pa? Aminin mo na~ Nagustuhan mo din naman yung nakita mo eh."

Bigla na lang siyang naging stiff. Nasense ko din na nate-tense na siya ngayon.

"Bilisan mo. Hinihintay ka na ni Tita sa baba, Val~" ginamit ko initials pangalan niya. Bumaba na ako ng hagdan pero bago ako tuluyang bumaba ng hagdan, tiningnan ko ulet si Val at nakita ko siya doon na nakatayo pa rin. Haha, Val, Val, Val. Ang KYOOOT KYOOOT mo talaga kapag ganyan ka. 

Pero napa-isip isip ako habang bumababa. Bakit ganun na lang siya mag-react nung ginawa ko yun sa kanya? Bakit parang ang laking epekto nun sa kanya? Siguro natakot siya kasi ako pa lang gumagawa nun sa kanya. Naku po, wag naman po sana TT_____TT Pero kasi isang idea lang talaga ang sumasagi sa utak ko habang bumababa ako sa hagdan...

Siguro, may gusto siya sa akin... Sana nga totoo..


===========================================================================

Ayan na po. Parang wala lang nanyare.. Kasi ganun pa din naman pero kaluluwa kasi ni Zayn ang sumanib sa akin kaya ginamit ko ang Point Of View niya ngayon. Okay lang po ba sa inyo? Kung hindi, try kong mag-UC ulet mamaya kasi na birthday party pa akong pupuntahan. Ako kasi yung clown kaya hindi ako pwedeng hindi umattend xDD May talent fee din yun noh! Charot~!

Ayan po muna sa ngayon! Salamat :** Have a happy SATURDAY mga lovely readers ko:**

Ilaaaaaaaaaaabyou!! ^____^

Ms.Tokki :"">

*editted

Some Jokes are Half Meant :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon