Chapter 19: Date daw.

1.3K 20 26
                                    

Chapter 19

[I'll explain po ulet mamaya sa baba kung bakit ang tagal ko nanamang nag-update. Mianhae.. ]

==============================================================================

VAL's POV.

Pagkatapos ng isang century, naisipan na ng katawan kong bumaba at isipin na walang nangyari kanina.

"Ang tagal mo naman bumaba, Princess. Ano bang ginagawa mo?" tanong agad ni Mommy.

"Kung ako po sa inyo, Tita, huwag niyo na lang po siyang tanungin.." tumawa ng konti si Zayn. Tinitigan ko siya at bigla siyang tumahimik. 

"Ahh.. nakatulog lang po kasi ako Mommy eh." sabi ko na lang.

"Tulog ka ng tulog. Baka naman tumaba ang Princess ko nyan." lumapit sa akin si Mom sabay kurot sa pisngi ko.

"Mataba naman talaga si Princess, Mommy eh.." sabat naman ni Kuya Kysler.

"Mataba? Ako ba yun Kuya? Eh ikaw, anong tawag sayo?" sabi ko sa kanya

"Tao ako bakit ba?"

"Talaga lang haa... Mommy nagsisinungaling ata si Kuya eh." 

"Bakit naman Princess?"

"Tinawag niya akong mataba, eh ang sexy-sexy ko nga eh. Diba Mommy?" nagpa-cute pa ako kay Mommy para mag-oo siya.

*Ehem ehem* narinig kong umubo yung dalawang mokong na yun. "Nako. Malala na yang mga ubo niyo. Uminom na kaya ng gamot. Mahawa pa ako sa inyo eh." sabi ko na lang.

"Hay nako, Princess. Oo na, ikaw na ang sexy." sabi ni Mommy.

"Oh kitams?" Binelatan ko sila.

"K. Yan gusto mo eh." sabi na lang nung dalawang panget.

"Bakit mo nga pala ako pinatawag, Mommy?" tanong ko.

"Ay! Oo nga pala. Ipag-grocery mo naman si Mommy, Princess. ito yung listahan oh."

"Eh... Nasaan ba si Ate Daisy?" (yung katulong nila xD)

"Day-off niya ngayon, Princess. Saka wag mong i-asa lahat kay Ate Daisy mo." sabi ni Mommy. Tamad kasi akong tao eh. Palagi kong inuutos kay Ate Daisy lahat ng inuutos sa AKIN ni Mommy (>o<) Edi ako na bad...

"Sige na nga po.. Kuya Kysler, can you give me a ride?" tanong ko sa kanya.

"Huh? Hindi pwede SEXY. Magkikita kami ni  Jazmine ngayon."

"Hindi ba pwedeng makisabay?" tanong ko ulet.

"Bakit ba ayaw mong gamitin yung sasakyan mo?" tanong din niya.

"Ehh.. Sira yung makina ng akin eh. Dali na kasi Kuya Kys.. PUH-LEASEEE?" ( ^3^ ) Nag-pacute ako para pumayag siya.

"Tsk. Sabi nang hindi pwede eh. Ang kulet ni "SEXY" Princess Mommy oh!" nag-air qoutes pa talaga siya nung sinabi niya ung SEXY. Tsk. Tao nga naman ngayon..

"Che! Bahala ka dyan! Madamot ka! Purket may date lang kayo ni Jazmine, ayaw mo na akong ihatid. Pwede namang ibaba mo na lang ako sa grocery. On the way lang naman yung bahay ni Jazmine eh!! Kay Kuya Skyler na nga lang ako! PENG U ka, Kuya!" sabay takbo ako sa taas. "Baka nakakalimutan mong ako ang naging CUPID niyo~!" 

To clarify things, hindi po ako nag-mura. "Peng yu" means FRIEND in Mandarin. Diniinan ko lang yung pagsabi ko para mag-tunog curse word yung sinabi ko. Arraso? (Yan, Korean word yan. Hanapin mo na lang yung meaning :P xD)

Some Jokes are Half Meant :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon