Chapter 12: Edi akin ka na lang.. K3U

1.2K 9 3
                                    

   Val's POV

 Ang bait-bait at napakahonest ko na bata. Bakit ko nasabi? Kasi alam ko naman talaga kung sino may-ari nung bracelet. Yun yung bracelet na binigay ko sa kanya last Christmas kaya alam ko kung ano ang pagkakadesign nun at wala ngang duda na kay Jazmine yun. Pero ang nahihiwagaan ako ehh yung sinabi sa akin ni Kuya bago kami umakyat.

 Sinabi niya yung pag-tune nung 'Mystery Girl' dun sa guitar ni Daniel kahit hindi gumagamit ng tuner. Kailan pa nalaman ni Jaz ang pagtugtog ng gitara? Ehh alam ko, drawing lang talaga ang talent nun pero ngayon naglelevel-up na si Jaz xD

 tinext ko sila Kaylee, Jenica saka Lewis para magkita kami sa tambayan namin at sasabihin ko sa kanila yun... Well, manghihingi lang naman ako ng tulong para ayusan si Jaz para naman maging inlababo na ang Kuya ko sa kanya. Torpe kasi ni Kuya Kys... Tsk tsk. Nag-reply naman sila at pumayag din. This day is gonna be great.

 Bumaba na ako para kumain nang nakita kong busy si Kuya Kysler sa computer namin.

 ''Yow Kys! Hehe, joke lang! Good Morning nga pala! Anong ginagawa mo dyan?'' tanong ko sa kanya pero hindi siya sumasagot.

 ''Bingi-bingihan lang teh? Edi bahala ka dyan! Ako na nga tong tutulong ehh ayaw mo pa? Edi wag!'' sabi ko sabay punta ng kusina.

 Nakita ko dun si Kuya Skyler ang nagluluto at hindi si Mom. Magaling din yan si Kuya Sky, sunog nga lang minsan yung niluluto niya or either walang lasa -,-

''Where's Mom, Kuya?'' tanong ko. Umupo na lang ako dun sa counter.

 ''Nasa Business Trip sila ngayon, Princess. Bakit?'' tanong rin ni Kuya.

 ''Wala lang. Hindi man lang kasi sila nagsabi sa atin kagabi eh.'' -Ako.

 ''Pati nga rin sila, akala nila wala silang business trip ngayon. Kanina lang ata sinabi sa kanila kaya nag-rush na sila at hindi na nakapag-sabi sa atin.'' -Kuya.

 ''For how long naman yun, Kuya?'' -ako.

 ''2 months daw.'' -kuya.

 ''Ehh?! Malapit na magpasko tapos ngayon pa sila na atasan ng business trip chuvaness na yan. Kabad-trip ahh..'' -,- <---- Ganyan mukha ko ngayon...

 ''Ehh, wala naman tayong magagawa. That's there job, not ours, okay? Saka isa pa, nandito naman ang napakapogi mong mga kambal na Kuya. Oh? Saan ka pa diba?'' -Kuya.

 ''Electric fan ka ba?'' -Ako.

 ''Bakit?'' -Kuya

 ''Ang hangin mo kaya! Kaya hinayhinay lang, teh :P'' -Ako.

 '' oh sya. Eto na yung favorite mo. Palaging niluluto ni Mom. Eat well ha? I'll just start the car.''

 ''M'kay'' takam na takam talaga ako sa ginawa ni Kuya... *________*

 ''One more thing..'' lumapit siya sa akin at pinilit na magform ng smile sa mukha ko. Yung inextend niya yung magkabilang dulo ng labi ko para magmukhang ngiti.. ''Smile, okay? Ang aga-aga, ang haba na agad ng mukha mo.. Mom and Dad will surely come home, maybe before Christmas. Who knows?''

 ''I knows, si Allan K may pangong nose. Hehe! Joke lang! Opo na po. Magiis-smile na po ako!'' sabi ko

 ''Good.'' kiniss ni Kuya yung noo ko at umalis na din.

 Naubos ko na yung pagkain ko nang pumasok si Kuya Kysler sa kusina.

 ''Veronica, take a look at this.'' sabay abot ng papel.

 'Missing Bracelet. Who ever owns this, go to the director's room at 12pm and we'd like to have a little conversation with the owner for some other reasons. Thank You. Sincerely, Kysler Lopez and Veronica Lopez with the Members of the School Band .'

Some Jokes are Half Meant :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon