Nakaupo ako ngayon sa kama ko habang nasa harap ko ang laptop ko. Hanggang ngayon hindi ko pa rin tapos ang ginagawa kong report. Ilang araw ko na din tong ginagawa. Minsan nakakatamad na din gumawa ng mga ganitong bagay. Pero kelangan para naman may pera ko.
I wasn't poor nor rich. Sakto lang. Parehas naman ng may kanya kanyang pamilya ang ate at kuya ko. Si mommy at daddy naman, parehas na ding matanda kaya minsan hindi ko din maiwanan. Bahay, office, bookstore, yan lang ang mga lugar na pinupuntahan ko. Liban na lang kung mag-aaya ang mga kaibigan kong gumala.
"Hayss."
Napabuntong hininga na lang ako. Ang sakit na ng mata ko. Napaangat na lang ang ulo ko ng nakita kong nasa may pintuan si mommy.
"Yes, mmy?"
"Kanina pa ako kumakatok dito. Tara na sa baba at kumain na ng tanghalian."
"Saglit lang po. Sunod na po ako dun."
"Iligpit mo na din yang pinaghigaan mo. Masiyado ka ng babad dyan sa trabaho mo. Tanghali na."
Tumango na lang ako. Narinig ko na lang ang pagsarado ng pinto ko. Sinave ko na yung ginawa ko at nagligpit ng hinigaan ko. Pumunta ako sa cr at naghilamos. Haggard na ang face ko agad. Pinusod ko na lanv ang buhok ko at bumaba na.
"Ayan na pala si Chienna eh."
Tinignan ko naman ang nagsalita at nandito pala sila Tita Cindy at si Raizen. So I guess, dito sila maglalunch.
"Hello po Tita." Tapos nagmano ako sa kanila. At umupo na sa tabi ni mommy.
"Kakagising mo lang ba anak?" Tanong ni daddy.
"Kanina pa po ako gising ddy, ginawa ko lang po yung report ko."
"Napakaseryoso mo talaga sa trabaho mo Chienna. Hindi katulad nitong si Raizen."
"Bakit ako na naman?"
"Palagi ka na lang kasing nagreresigned sa trabaho mo."
I saw Raizen frowned. Kumuha na lang ako ng kanin at ulam. Nakikinig lang naman ako sa usapan nila.
"Maganda na ang trabaho mo dun sa dating company mo ah, bakit nagresigned ka pa iho?" Tanong ni mmy.
"Hassle po kasi yung boss ko tita. Palagi na lang ako ang pinapagawa niya ng mga conputer problems."
"Eh malamang trabaho mo yun eh." Sabi naman ni Tita Cindy.
"Eh basta. May galit ata sakin yung boss ko na yun eh. Tsaka naghahanap naman na ako ng trabaho ah."
"Ehh san kaba nag apply ngayon?" Tanong ni ddy. Ako naman ay patuloy lang sa pakikinig sa kanila at pagkain. Ayaw ko ngang problemahin, ang problema ng mokong na to.
"Sa Electro Company po." Tapos siya tumingin sakin at ngumisi. Teka. Electro Company?
"Ehh dun nagtratrabaho si Chienna ah?"
Ay sht. Oo nga pala. Dun ako nagtratrabaho. Nakangisi pa rin siya. Bwst.
"Bakit dun pa?!" Bwibwisitin lang ako nito pag dun siya nagtrabaho eh. Aggh.
"Anong bakit dun pa? Eh sa gusto ko dun eh."
"Ah yea. Gusto mo akong bwisitin dun."
He smugged. Nagpatuloy lang sila sa pagkwekwentuhan. Nawalan na ako ng gana kaya tinapos ko na agad ang pagkain ko at umakyat na ng kwarto ko.