Chapter 3

6 0 0
                                    

"Ehh wala naman na atang kulang ey. Check mo nga diyan sa list."

Tinignan ko naman yung hawak kong list. Flour, check. Baking soda, check. Sugar and salt, check.

"Kulang pa tayo ng egg at food coloring."

"Ano daw bang ibabake nila?"

"Gagawa ata silang cheese cake eh."

"Ehh di kelangan din ng cheese."

"Huh?"

"Duh Chienna?! Hindi kaba marunong mag-bake? Cheese is one of its major ingredients."

Owell, given na siguro nga yun kasi nga cheese cake. O baka naalala niya kasi nga daga siya?! Bakit ba kasi hindi ako nabiyayaan ng talent sa cooking? Or kahit baking man lang sana. Sighed.

"Malay ko ba. Eh sa taga bili lang ako ni mmy eh."

"Grabi ka Chienna. Common sense nga lang yun eh."

"Edi ikaw na! Psh."

Hinila ko na yung cart at iniwan siya dun. Bakit ba kasi sumama ito?! Nakakabwisit lang siya eh.

"Bakit mo naman ako iniwan dun? Palagi mo na lang akong iniiwan."

Napahinto ako sa sinabi niya. Humarap ako sa kanya. Bakit ang lungkot ng boses niya nung sinabi niya yun? Bigla naman siyang tumingin sakin. Nakatitig lang din ako sa kanya.

"Inlove kana sakin niyan?"

Napaiwas naman ako agad ng tingin at tinulak na ulit ang cart. Sumunod naman siya sakin.

"That will never happen even in your wildest dreams."

"Bawal magsalita ng tapos Chienna."

"Mangarap ka!"

"Pangarap nga kita diba?"

Nabulunan ata ako ng sarili kong laway. Ano ba naman tong pinagsasabi ni raizen?! Para siyang tanga!

"M-manahimik ka nga! Isumbong kita kay Shaina eh."

"Edi magsumbong ka."

Binelatan pa ako ng gago. Di ko na lang siya pinansin at kumuha na ng mga kulang na ingredients. Hindi naman na siya nangulit.

Natakot siguro kasi sinabi ko ang pangalan ni Yna. Si Shaina ang 2 yrs girlfriend ni Raizen. Kapitbahay lang din namin siya at kababata ko siya.

Pagkatapos kong bilhin ang mga ingredients eh pumila na ako sa may counter. Nasa likod ko naman ngayon si Raizen at pinaglalaruan ang buhok ko.

"Ano ba yan Raizen?! Wag mo ngang pakialaman ang buhok ko!"

"Eh ang ganda kasi eh."

"Bakla ka ba huh?!"

"Hindi ah! Gusto mo halikan pa kita?" He said while smirking.

"Eh kung sapakin kaya kita?"

"Eh kung mahalin mo na lang kaya ako."

"Anong binubulong bulong mo diyan huh?"

"Walaaa. Sabi ko hintayin na lang kita sa may labas."

"Umuwi kana kaya. May bibilhin pa ako sa bookstore eh. Ikaw na lang magdala nito kila mmy at Tita Cindy."

"Wow. Lakas maka-utos ah. Diba ikaw ang pinapabili? Edi ikaw din ang mag-uwi."

"Sabi ko nga maaasahan ka eh. Psh."

Gumalaw naman na ang pila sa counter. Nakakainis naman tong mga nasa harap ko. PDA talaga?! Magkiss daw ba sa harapan ko?! Respeto naman sa single na tulad ko! Haay naku. Tsaka ang babata pa ng mga to. Mukhang high school pa nga lang eh. May alam na ba tong mga to sa true love? Hay.

"Inggit ka sa kanila noh?"

Hay naku. Kinakausap na naman ako ng daga. Akala ko ba hihintayin na niya ako sa labas?! Tss. Palalaklakin ko to ng keso eh.

"Hindi."

"Sus. Deny pa. Halatang ang bitter mo oh."

Tapos niya tinuro ang mukha ko at tinapik ang noo ko.

"Aray!"

Aambahan ko sana ng suntok kaso tinawag na ako ng nasa counter. Binelatan tuloy ako ng gago.

Yung ateng nasa counter naman sobra kong makapagpacute kay Raizen. Ni hindi ko nga alam kong napapunch niya ba ng maayos yung binibili ko eh.

"Ate, baka matunaw."

"Ayy sorry po. Ang gwapo po kasi ng anak niyo."

Nagpantig ang tenga ko. Anak ko?! Narinig ko naman ang tawa ng hayop. Aggh!

"Gad! Laptrip yun ate sobra! Hahaha!"

"Omygosh! Ang hot niyang tumawa."

"Bhe! Heaven yung tawa ni kuya!

"Yieee. Ang gwapo niya sh*t!"

Wow. Ang lakas talaga ng dating niya sa mga babae. Hindi ko na lang siya pinansin. Mamatay siyang tumawa diyan. Si ate namang nasa counter, natulala. Aghh!

"Ate? Ate? ATE?!"

"Ay gwapo! Hala. Ano po yun ma'am?"

"Bayad ko po. Keep the change."

Tsaka ko kinuha yung pinabili ko. 50 cents lang naman yung sukli eh. Sumunod naman siya sakin. Kaya ayaw kong kasama to ey. Palagi na lang akong napagkakamalang nanay niya! Alam ko namang manang talaga ako kung manamit pero syempre dito ako komportable eh. Formal naman ako manuot pag sa opisina. Pero palagi pa rin akong old fashion sa mata ng iba. Psh. Owell, I didn't wear clothes just to impress anyone. I'm just being me. I just want to wear a comfortable clothes so they must deal with it.

"Ako na yan."

"Ako na."

"Ako na nga kasi."

Humarap ako sa kanya. Psh. Nagpipigil pa rin ng tawa. I rolled my eyes.

"Ako na. AKO ANG PINABILI DIBA?! Hiyang hiya naman ako sayo eh."

Naglakad na ako ulit. Nadaanan ko pa ang bookstore kaya napahinto ako. Omygas! Yung gusto kong book andun pa. Haay. Kaso ang mahal naman. I sighed. Naglakad na ako ulit palabas ng mall. Nakasunod lang naman sakin si Raizen.

Something That Will Stay ForeverWhere stories live. Discover now