AN:
Salamat po sa patuloy na nagbabasa! So much love guys <3***
"You see. She's not my sister or the hell you thought. You can't just asked someone's name and number knowing na may kasama siya.... And please don't check me out. And don't you dare call her my sister. Cause ya know..." Tinitigan niya ako sa mata. Nakatitig lang din ako sa kanya. "She's my girl."
Waaaaaaaaaaahhhhhh!
Buset na "she's my girl yan". Hindi ako pinapatulog eh! Huhuhu.
Ala una na pero dilat na dilat pa rin ako. Kanina ko pa pinipilit matulog pero wala talaga! Inayos ko na din ang mga report ko pero hindi pa rin ako makatulog. Paulit-ulit pa ring nagplaplay sa utak ko yung sinabi ng dagang pasas na yun!
"Naku ka talaga Raizen! Yang mga lumalabas sa bibig mo talaga! Arghhhhh!"
Siguro sarap na sarap na yun sa tulog niya samantalang ako dilat na dilat pa rin. Arghh! Pero ano bang pinuputok ng butsi ko?! Bakit ko ba binibig deal ito?!
"Ano ba Chienna Aszel Tremundo! Umayos ka ngaaaa! Okay na nga diba? Nasabi lang naman niya yun para iturn down yung mga babae kanina, right? So, it's no big deal. Take a nap now. Rest."
Pagpapakalma ko sa sarili ko at muling pinikit ang mata. 1 sheep, 2 sheep, three sheep, bwesheeep! Arghhh! Pinagsasabunutan ko na yung ulo ko at nagpagulong gulong na ako sa kama.
Nakakainis naman kasi eh. Para kasing napakasincere nung sinabi niya saking "she's my girl". Halata mo naman kasi sa mga mata na parang sila mismo ang kumakausap sakin. Yung tipong kahit alam mong biro lang, mapapaniwala ka pa rin.
"Hay. Para naman akong teenager sa kinikilos ko. Makalabas nga muna."
Bukas pa siguro yung katapat na bookstore. Open 24 hrs yun eh. Sinuot ko muna ang jacket ko at lumabas na ako sa bldg.
May mga tao ka pa namang makikita pag ganitong oras. Madami pa rin namang bukas na stores at computer shops. Naglakad lang ako hanggang sa marating ko na yung bookstore. Pag pumasok ka naman sa bookstore eh may tutunog na bell na nakakabit sa may pintuan.
"Ohh. Himala ata at gising ka pa ng ganitong oras Chienna."
Si Kuya Seph. Siya yung anak ng may ari ng bookstore. Siya palagi ang may toka twing madaling araw. 3 taon ang agwat naming dalawa at may dalawa siyang anak pero wala siyang asawa.
"Hindi kasi ako makatulog eh."
Lumapit ako sa kanya. Nasa may counter siya at may pinapanood sa laptop na pinause naman niya.
"Ahhh. Upo ka." Tsaka niya ako kinuhanan ng upuan at umupo kami sa labas ng bookstore.
Pag hindi kasi ako makatulog madalas pumupunta ako dito. Hindi para magbasa, kundi para makipagkwentuhan kay Kuya Seph.
"Eh kamusta ka na ba? Matagal ka ng hindi nakakapunta dito ah."
"Busy kasi kuya. Madalas kasi akong pagawain ng report."
"Ahh. Eh bakit di ka pala makatulog? May bumabagabag ba sayo?"
Naalala ko na naman yung sinabi ni kumag. Asaaaar!
"He-he. Wala naman."
"Wala daw? Baka naman lalaki yan?"
Nanlaki ang mata ko.
"H-huh? H-hindi kaya! Wala nga kasi. Wala talaga."
Tumawa naman si Kuya Seph kaya tinaasan ko siya ng kilay. Nung nakita naman niya akong hindi natatawa eh tumahimik na siya.
"Ahm. Ahem. Sorry. Hindi naman kasi nakakababa ng pagkababae ang pag-amin na lalaki ang dahilan kung bakit hindi ito makatulog."
"Hindi nga kasi lalaki!" Pagmamaktol ko. Nagpigil naman ng tawa si kuya. Asar.
"Hindi naman ikaw ang sinasabi ko. Nagsasalita lang ako dito. Defensive kana agad. Hahaha!"
Minsan talaga ang sarap ding pumatay ng tao. Yung tipong gigilitan mo yung leeg niya tas tumatalsik talsik pa yung dugo. Napailing na alang ako sa iniisip ko. Kadiri! Tss.
"Kuya hindi nakakatawa."
"Sorry na. Pfft. Osiya, kung ayaw mong magshare, may itatanong na lang ako."
Tumingin naman ako sa kanya. Nagseryoso naman siya kaya napaupo ako ng maayos. Hinintay ko siyang magsalita. Bumuntong hininga muna siya bago magsalita.
"May pera ka ba? Libre mo naman ako nung balut dun oh."
Halos matumba ako sa upuan ko. Walangyang Kuya Seph to! Akala ko naman kung anong seryosong tanong eh. Kukutungan lang pala ako.
"Aish." Kinapa ko naman ang bulsa ko at buti na lang may 50 pesos ito. "Oh ayan. 50 pesos. Bilhan mo din ako. Bili kana din ng kape sa vendo. Di pwedeng pang starbucks yan eh."
Natawa naman si Kuya at umalis na para bumili. Haaay. Makakasama ko pa ata siyang magbabantay ng bookstore. Mukhang hindi talaga ako dadalawin ng antok. Aishhh!
Sana lang talaga hindi ako magmukhang zombie bukas. Bwisit ka talaga Raizen!