Chapter 4

12 0 0
                                    


Another stressful day has come again. I woke up and did my morning routine. After I had my breakfast, nilocked ko na ang condo at dumiretso na sa parking lot ng building.

Every weekdays ako nasa condo at every weekends naman ako dun sa bahay. Mas malapit kasi sa office ang condo ko kesa sa bahay at isa pa kelangan ko din namang matutunan kung paano maging independent. Cause we must face the reality that, time will come when the only person whom we can depend on is our self.

Bubuksan ko na sana ang kotse ko kaso biglang may nagharang. Tinignan ko naman ito at wow! Ito talaga ang masasabi kong starter pack ng buong araw ko. Tsk.

"What now Raizen?"

"Pwede ba akong makisabay?"

"May sarili kang sasakyan."

Bubuksan ko na sana ulit kaso pinigilan na naman niya.

"Yun na nga eh. Nakalimutan ko kasing ipaayos. Hindi ko naman alam na flat yung dalawang gulong sa likod."

"So proproblemahin ko pa ba yan? Atsaka paano ka nakapunta dito kung sira yung kotse mo?"

"Eh nasa iisang condominium bldg na tayo eh."

"WHAT?!" Did I heard himright? Nasa iisang bldg lang kami? Pero ang alam ko dun siya sa kanila tumitira.

"Eh kasi nga natanggap ako dun sa kompanya niyo diba, eh sabi ni mama at ni papa na lumipat na din daw ako ng condo. Tapos sinabi pa ng mmy mo na sa bldg niyo na lang ako maghanap ng unit ko para din daw sabay na tayong papasok at may magbabantay daw sayo."

Napakamot naman siya ng ulo niya. Kunwari pa-inosente pa ang loko. For sure, gusto niya din naman na nasa iisang bldg kami para may nabwibwisit siya. But gosh! Si mmy pa talaga ang nagsuggest na sa same bldg kami eh alam naman niyang bwisit ako dito!

"Eh san ba ang unit mo?" Wala naman na akong magagawa kung parehas kami ng bldg. Hindi ko naman pagmamay-ari yung bldg para di siya payagang dun magstay. Pero kasii... Arggh!

"Katapat lang ng unit mo." Sabi niya tapos ngumiti. Kitang kita ko ang mapuputi niyang ngipin na ang gandang ingudngod ngayon.

Halos malaglag ang panga ko. Oh God! Ano po ba ang nagawa kong kasalanan sa inyo para mangyari sakin to?! Geez! Pero kung nasa tapat siya ng unit ko, ibig sabihin wala na dun sila Alice. Ni hindi man lang niya ako sinabihang aalis na siya sa unit niya. Atleast man lang sana naprepare ko ang sarili ko. Haay.

"So ano? Diyan ka na lang forever Chienna?"

Tinignan ko naman ang hayop. Wow! Nakapasok na sa loob ng kotse ang gago.

"ARRGHHHH!"

Binuksan ko ang pinto at padabog na sinara. Pinaharorot ko na din ang kotse ko. What a news to start my day! Amp.

**

"Good morning ma'am."

"Morning."

Tapos dumiretso na ako sa opisina ko. Si Raizen? Sinalvage ko na kanina. Masiyadong marami ng basura sa mundo, kaya kelangan na din siyang ligpitin. Pero sana nga sinalvage ko na lang siya. Kung hindi lang talaga kasalanan ang pumatay, hay hayahay na sana ang buhay ko. Psh.

"Ma'am kelangan daw po kayo ngayon sa Quality Test floor."

"Bakit daw?"

"Ichecheck na po kasi kung gumagana na yung project natin na mobile."

"Okay. I'll be there in a minute."

Inilapag ko lang ang mga gamit kong dala at lumabas na sa opisina ko.

Something That Will Stay ForeverWhere stories live. Discover now