AN:
Salamat po sa lahat ng sumusupport at patuloy na nagbabasa ng STWSF. ♥
Pavote na din po. Hehe! ^____^V***
Kanina pa ako naguguluhan at lutang. Hindi ko alam kung paanong nakapasok ang daga sa aming department dahil ang alam ko ay sa programming siya expert at hindi sa electronics. Well alam ko namang Computer Engineering ang tinapos niya pero.... arghhh! Basta!
"So tayo pala ang magkasama dun sa next project. Ayos! I think I'm gonna enjoy my job. Baka hindi na ako magresigned dito."
Kanina pa siya dadak ng dadak. Tinalo pa niya ang paulit ulit na plaka sa pagreremind sa akin na magkasama kami sa next project na gagawin. Sana nga magresigned na siya eh. As in ngayon na mismo!
"Hay nakuu Meow, kunot noo ka na naman. Kaya ka laging napagkakamalang nanay ko eh." Tapos siya tumawa. Arggh! I abhor the sound of his laugh!
"Pwede ba dagang pasas, tigil tigilan mo ako sa pambwibwisit mo sakin ah!"
Lunch break na. Kinausap na kami kanina ni CEO. Nabigla pa nga si CEO kasi magkakilala kami ni Raizen. Naalala ko tuloy yung usapan namin kanina.
*flashback*
Pagkatapos kung magulat sa nalaman ko nung kausap ko sila Sarah, eh bigla naman ang dating ni CEO at pinapasok kami sa office niya.
"Siguro nagkakilala na kayo kanina noh?" Tanong ni CEO habang iniikot ikot niya sa palad niya yung maliit na bola.
"Hindi po/Opo."
Nagkatinginan kaming dalawa. He's still wearing his playful smile.
"Ahm. A-ano ba talaga?"
"We knew each other po. Magkaibigan nga po kami nitong si Chienna eh."
He smiled. I rolled my eyes.
"Chienna?" Nagtatakang tanong ni sir.
"Opo. Chienna. As in Chienna Aszel Tremundo. In short--- aray!"
Bwisit na dagang pasas to! Sasabihin pa yun eh. Tss. Nilakihan ko naman siya ng mata.
"Oh are you okay Mr. Torres? What happened?"
Napakamot naman siya sa ulo niya.
"Wala po yun sir. Kinarate lang po ako ng CAT sa paa."
Inemphasize pa talaga yung word na cat. Hayy. Patience is a virtue Chienna. Halata namang naguluhan si sir sa sinabi ni dagang pasas.
"Ohh really? But I thought Aszel don't have any friends, no offense with that Ms. Tremundo huh."
Ang akala kasi nila introvert akong tao. Which is true din naman.
"You think Chienna don't have any friends? Of course she has. Mabait po yang si Chienna. Medyo suplada at maikli lang ang pisi ng pasensiya niya pero mabuti po yang kaibigan. She's the kind of friend whom you will treasure forever."
*end of flashback*
"Anong ngini-ngiti mo diyan meow?"
I glared at him. Kung kanina natouch ako sa sinabi niya kay CEO ngayon hindi na. Bwisit na ako ulit sa kanya!
"Ilang beses ko bang sasabihin sayong wag mo akong tatawaging meow?!"
"Why? Ang cute kaya!" Tapos tumawa siya. "Meow. Meow. Meow. Meow. Meow."