CHAPTER 6.1
Migue's POV
"Yumi! hugasan mo na yung mga plato!" utos ko sa kanya. kaya ko sana kaso lang, may ginagawa ako eh."kainis naman! ako na nga nagluto, ako pa rin maghuhugas!?"
"eh kung ikaw kaya dito? ang dami mo pang reklamo eh!"
"fine fine fine!"
"oy oy oy! ano yang pinag-aawayan niyo?" sumingit na si dad.. "ang aga aga nag-iingay kayo dyan! buti pa tapusin niyo na lang yang mga trabaho niyo! sige na! kilos na!"buti pa si dad, walang ginagawa. nakaupo lang habang nagbabasa ng dyaryo! sarap ng buhay niya noh?! eh kung siya kaya magtrabaho? sabagay, siya naman talaga nagkakayod samin!
kumilos na rin kami, hanggang sa natapos na namin ang mga ginagawa namin.
pumunta ako ng sala para manood ng tv.
hmmp...
lipat lipat lipat..
"WAAAAAHHH!" halos matapon ko ang remote sa gulat. letsugas na Yumi oh! "Kuya go back! go back! dun tayo sa MTVAsia! OMYGEEE!! Girl's Generation yun! kuya bilis!" she said na may pagkaOA sa boses habang hinihila hila ang damit ko -__-++"mapupunit ang mamahalin kong damit!" pinipigilan ko siya sa paghila sakin, masisira pa damit ko sa kanya.. "chill, okay?! eto na eto na, ibabalik na!" at nilipat ko pabalik ang channel.
"yeyyy! tama ako! malapit na chorus! kuya watch this, ipapakita ko sayo ang lambot ng katawan ko!" at inayos nga niya ang sarili niya sa may bandang harap ko..
then, she started dancing!
O_o
" I got a boy meotjin! I got a boy chakhan! I got a boy handsome boy nae mam da kajyeogan!
I got a boy meotjin! I got a boy chakhan! I got a boy awesome boy wahnjeon banhaenna bwah"grabe! bigay todo talaga siya ha!
"ayos yun ah! gayang gayang mo! hanep! marunong ka pala sumayaw? hahaha! alam na alam mo pa lyrics!" natatawang sabi ko.. paano ba naman kasi, nung natapos na ang kanta, hingal na hingal siya.
naglabas muna siya ng napakalaking hininga bago nagsalita. hmmmm, ang baho! hindi marunong magtoothbrush! "hoy ang OA kuya ha! nagtoothbrush ako noh! eto oh.. haaaaaaaaahh!"
"pweh! kadiri! alis! wag mo nga ako binubugahan ng hininga mo! mas mabango pa utot ko kesa dyan eh!"
"kapal kuya ha! green ang hangin ng utot mo, sakin naman, pink ang kulay na may flowers ang breath ko, meaning, may airfreshener ang bibig ko!"
"wala naman ah!" napatingin ako sa tv, ililipat ko na sana nang....
"wait kuya! look! that's your favorite korean group dba?! ang Bigbang?!"
"sila ba yan? sila nga! yan yung bago nila ah!" kaya ayun, hindi ko nalipat!
nang malapit na sa chorus.. "eto na favorite part ko! panoorin mo ko Yumi!" tumayo ako, nagpose katulad nung pose nung tinatawag nilang TOP, at... "WOW, FANTASTIC BABY!"
"kyaaaaahh!! kuya! grabe! kuhang kuha mo si TOP! OMYGEEE kuya, nagmumukha ka ng siya! inferness pala to you, medyo may similirity kayo! di ko nga lang matukoy!"
"ulol! malamang, mas gwapo ako dun noh!"
"syempre naman! kuya kita eh! sige nga sige nga, ulitin mo!"