CHAPTER 3
~ I found him! ~
Vince's POV
Iniisip ko kung magcucutting classes ba ako o hindi. nakakatamad kasi ang unang subject. bakit ba kasi pumasok pa ako?!
late na rin naman ako, kaya hindi na lang talaga ako aatend ng unang subject. Arts?! magdradrawing lang naman.
naglalakad na ako sa hallway. palabas na kasi ako campus. pero...
nakita ko siyang tumatakbo.
si Yumi!
halatang nagmamadali siya. late na rin kasi siya!
nagbago na ang isip ko. aatend na lang ako ng klase.
Yumi's POV
late na ako! late na ako! LATE NA AKO!
leche naman kasi yung alarm clock ko, sira pala! tapos, isa pa si kuya, wala ring kwenta! hindi man lang ako ginising!
kaya eto ako ngayon, nagmamadaling tumatakbo papuntang classroom.
shocks! kapagod ha!
nakarating na ako sa classroom ko. T_T nagsisimula na pala sila.