UPDATE PO ULIT! <3 ANG BILIS KASI NUNG VOTES EH. :">
THANK YOU SA MGA NAGBABASA NITO! ♥♥♥ KAHIT MATAGAL AKONG MAG UPDATE NAGAANTAY PARIN KAYO. :))
Kaylee's POV
'Papikit-pikit ako ng mata pagkagising ko tapos may kulay puti na parang may blue? Kinisot ko yung mata ko at nalaman kong nasa kwarto na pala ako! Paano yun? Eh ang alam ko kagabi eh nasa sasakyan pa ako ni Niel.
Eh binuhat siguro ako? Imposible naman kasi kung na makadating ako dito sa loob ng kwarto eh, ano ako nag s-sleep walk? At alam kong hindi ako iiwan ni Niel doon sa sasakyan na tulog kaya malamang binuhat niya ako.
Tumingin ako sa wallclock at 6:00 am na pala eh may pasok na ako mga 8:00 am eh kaya bumangon na ako at dumiretso sa C.R.
Di na ako nagtagal sa C.R at nagsuot ako ng bathrobe pagkalabas ko. Mabuti naman at di pa gising ang manyak dahil malamang, kanina pa ako pinagnanasaan ng lalakeng yan!
Dahan-dahan ako kumuha ng susuotinko patungong office pagkatapos kong makuha yung damit, tumakbo kaagad ako pabalik sa C.R. at dali-dali akong nagsuot. Lumabas akong mukhang bruha dahil hindi pa ako nagsusuklay. Ginamit ko lang yung kamay ko pangsuklay eh.
"Oh? Ang aga mo naman yata?" Humikab siya na pagkasabi at umupo ng maayos. Tumingin ako sa salamin at kumuha ng suklay.
"May trabaho ako eh ikaw may trabaho ka rin, diba? Saan nga ulit yun? Sa bar? Haha! Eh anong oras na? Diba 7:30 pasok mo dun?" Nakatingin lang ako sa salamin habang sinasabi ko yun. Eh totoo naman kasi talaga na 7:30 palang ng umaga, aalis na siya.
"Tss, papasok ako ngayon sa trabaho ko." Seryoso yung boses na pagkasabi niya pero hindi ko yan paniniwalaan 'no! Sino naman ako para paniwalaan ang mga ganyan niya? Ano ako uto-uto? Tsssssss!
"Utut mu!" Umirap ako sa kanya at lumapit naman siya sa akin at humalik sa pisngi ko pagkatapos niyang ginawa yun, dumiretso na siya sa loob ng C.R. at ako naman eh bumaba na.
Pagkababa ko nakaamoy ako na parang may nagluluto doon sa kusina kaso, "AHHHHHHHHHH!" tumakbo ako nung may narinig akong sumigaw.
"ATE PAIGE! HOLY COW!" Napatingin ako doon sa luto niya tapos nag-pout lang siya sa akin.
"Sayang! Huhuhu! Ang hirap pa naman pagisipan ng pagkaing yan tapos masusunog lang din naman pala? Kainis naman kasi talaga!" Inoff ko yung stove pagkatapos nun tinabi yung pinaglulutuan ni ate Paige. Sayang yung manok, di na yata makakain dahil sobrang itim na eh. Masyadong napagod.
"Malakas yata yung apoy eh," tumingin ako kay ate Paige at naka-pout parin siya. Nag half hug naman ako sa kanya, "Okay lang yun ate, pwede ka naman ulit magluto next time pero wag mo lang masyadong lakasan yung apoy para hindi masunog yung niluluto mo."
Nabuhay yata yung dugo niya nung sinabi ko sa kanya yun kaya yung half hug namin naging whole hug na at nasasakal na ako!
"TAMA KA! MAY NEXT TIME PA! AND DAPAT HINDI AKO MAGIGING MALUNGKOT NGAYON! DAHILLLLLL NATANGGAP AKO SA RESTAURANTTTTTTTTTTTTT!" Masayang-masaya siya at tumatalon-talon pa habang nakayakap sa akin kaya nasasakal na talaga ako!
"Ate, di naman po yata ako masasakal?" Bumitaw siya sa akin at tinignan ako tapos ngumisi siya.
"I'm sorry! Masyado lang kasi akong masaya ngayon eh at dahil sa'yo nawala ang lungkot ko nung nasunong yung manok na niluluto ko!" Ngumiti ako kay ate Paige.
"Ako nalang po ang magluluto kasi bababa na po kasi si Niel para kakain eh," kumuha ako ng lulutuin ko sa ref. syempre lulutuin ko lang yung usually kinakain sa breakfast.
"Sa susunod talaga kung magluluto ako, aayusin ko na!" Nag-fighting pa siya pagkatapos nun nagpaalam muna sa akin, "Sige magbibihis muna ako dahil ngayon na din ang first day ko sa trabaho ko!"
"Sige po ate!" Tumango ako at umalis na si ate Paige.
"BA'T AMOY SUNOG DITO?" Narinig ko yung boses ni Niel na sumisigaw eh akala mo nakalunok ng megaphone.
Saktong kakatapos ko lang din naman magluto kaya dumiretso ako sa dining table at nilapag dun ang mga niluto ko at kinausap siya.
"Nasunog kasi yung ano eh... yung niluluto ni ate Paige," bigla namang kumunot ang noo niya na akala mo ang laki ng galit kay ate Paige eh!
"Sabi na nga ba, hindi pwede sa babaeng yun ang magiging chef!"
"Oy, ang sama mo! Ba't ba ganyan ka kay Ate Paige? Wala ka ba talagang salitang 'manners'?" Nainis na naman ako sa kanya! Respeto lang sa nakakatanda eh wala siya! Anong klaseng tao 'to? Kulang ba 'to sa alaga? Pero imposible naman yatang kulang sa alaga eh halos babyhin na nga ng mommy niya kahit asawa na niya ako eh.
Minsan kasi, nagtetext yung mommy ni Niel na wag ko daw pabayaan si Niel at dapat daw tatlong beses kumain sa isang araw tapos dapat daw laging natutulog. Eh, ewan. Tatlong beses naman talaga kumakain si Niel sa isang araw tapos natutulog din lagi yun. Ano siya Zombie para hindi matulog?
"Tsssssss," yun na ang sinabi niya at umupo na at nagsimulang kumain. Ang sarap talaga kutusan ng alien na 'to eh! Kainis lang talagaaaaaaaa!
"RESPECT." Umirap ako sa kanya nun at kumain ng mabilis, naunahan ko pa nga siya eh at tumayo na ako para kunin ang bag ko sa itaas para umalis na.
Nung nakuha ko na ang bag ko, tumingin ako sa wrist watch ko at medyo maaga pa naman para pumasok pero dahil naiinis ako sa kasamang lalake ko ngayon, pupunta ako ng maaga sa office. Alam ko namang maraming paper works ang nakatambak sa akin tapos meron pang meetings.
Kailangan ko talagang gawin ang mga yun dahil meron kaming kasunduan ni dad. Kailangan ko munang mag trabaho sa kompanya niya tsaka niya ibibigay sa akin yung gusto ko. Napag-isipan ko na nga rin yun, gusto ko kasing magtayo ng wedding shop eh.
"Aalis na ako," malamig kong sabi at dumiretso na sa garahe para kunin yung sasakyan ko kaso wala?
"HOLY! Where's my car?" Medyo malakas ang boses ko. Ba't wala ang sasakyan ko dito? Nasaan na ba yun?
"Pinakuha ng daddy mo, kasi simula ngayong araw na 'to, ako na ang maghahatid-sundo sa office mo!" Lumingon ako sa likod and I saw Niel. Umusok naman ang ilong ko!
"Ha-ha?" Parang di kasi nag sink-in lahat sa utak ko yung sinabi niya eh. Ako? Hatid-Sundo? Ano siya driver ko? HAHAHAHA!
"What's funny?" Nangunot pa ang noo na pagkatanong niya at tawa parin ako ng tawa. Syet, driver ko 'to?
"Driver kita? HAHAHAHAHAHAHA! Bagay sa'yo!" Nang-aasar lang ako sa kanya, kasi kapag naaasar siya eh nagiging masungit at kapag nagiging masungit siya. I found it cute.
"Tsss, not funny." Asar na asar na siya! Weeeeeeeeee!
Pumasok na siya sa driver's seat at pinaandar yung sasakyan. Nakangiti naman akong pumasok sa sasakyan niya pero merong malaking question mark sa utak ko. Nasaan ba ang sasakyan ko? Lumipad ba yun?
Gusto ko sanang itanong kaso nung nasa daan kami, ang seryoso ng mukha niya at halatang naaasar talaga siya sa akin.
Nung mga oras na naka-side view siya, di maalis yung tingin ko sa kanya. Ba't ganun? Naka-glue na yata ang mata ko sa kanya eh!
Siya na yata ang pinakapoging driver sa buong mundo!
BINABASA MO ANG
The Casanova's Wife
Teen FictionHer mom wished for a grand daughter so her mom forced her to marry the Casanova.