Third person's point of view:
Tila naman ipinag-aadya sila ng pagkakataon dahil ng dumating si Luna sa kanila ay naroroon ang kanyang Uncle David. Makikipag-inuman na ito sa mga kapitbahay nina Luna. Ang kanyang inang si Aling Nena ay abala sa pagluluto ng ulam at pulutan. Ang kanyang amang si Mang Fredo ay kararating din lang mula sa bukid. Pagkatapos magmano sa tiyuhin ay tumuloy na sa loob ng bahay sina Luna at Ginny. Si Tony ay hindi na naghatid sa kanila. Matamlay na nagpaalam ang binata. Kailangan diumanong makauwi ng maaga.
Tipikal na bahay probinsya ang bahay nina Luna. Pawid ang bubong at yari sa kahoy at kawayan ang dingding at sahig. Bagama't may kalakihan amg balkonahe ay mas pinili ng mga nag-iinuman ang bahay-kubong sadyang pahingahan sa 'di kalayuan ng buhay.
Luna's point of view:
"Mabuti't dumating kana Luna. Tulungan mo na nga ako rito," salubong sa akin ni nanay na noon ay nagpiprito ng tilapya.
Maliban sa isda,may mga karne pang lulutuin ni nanay. Lahat na 'yon ay dala ni Uncle David. Parating niya ganoon kapag dumarating si Uncle David. Daig mo pa ang piyesta. Maraming dalang pagkain at bumabaha ang inumin. Kaya naman ay talagang sikat na sikat si Uncle David sa lugar namin. Tanging si Uncle David lamang ang umasenso sa aming bayan. May negosyo kasi ito sa Maynila. Buy and Sell daw ayon sa kwento niya sa'min. Balot sa alahas sa katawan. Magarbo palagi ang suot na damit niya at iba't ibang kotse ang dala kapag nagbabakasyon siya sa aming baryo. Dalawabg beses sa isang taon ito kung magbakasyon sa amin. Ngunit nitong huli'y tila napapadalas. Noong isang buwan lang,umuwi si Uncle David at heto na naman siya ngayon.
Bigtime kasi si Uncle David dahil sa negosyo niya. At pangarap ko rin sa darating ng mga araw. Gusto kong maranasan ng magandang buhay. Ang ikinakainis ko lang,ayaw ni Uncle David na sumama ako sa kanya sa Manila. Kesyo wala raw ako makakasama sa malalaking bahay niya sa Quezon City. Madalas daw kasi siya nangingibang bansa at buwanan kung umuwi. Sa pagkakaalam ko at sa mga kalugar namin,binata pa naman si Uncle David. Marami raw siya naging nobya pero wala pa siyang mapupusuan o mapili sa kanila ang mapangasawa niya o pakasalanan niya.
Nang matapos namin magluto ay kumain nang magkasalo sa loob mg bahay namin kasami ko naman sina nanay at Ginny. Si tatay naman,ayun,nagkikipag-inuman na kasama niya mga kalalakihan sa labas ng bahay. Ito na rin ang nagdadala ng mga kailangan sa mga nag-iinuman nila. Pulutan. Alak. Kanin. Tubig. At sigarilyo.
Ganoon palagi ang asksena kapag dumating na si Uncle David. Parang hari kung pagsilbihan ng mga kalugar namin ai maging sina nanay at tatay. Sulit din kasi ang kanilang pagsisilbi dahil bukod sa mga pasalubong,galante rin ito kung mag-iwan ng pera kapag aalis na siya sa'min.
"Sige na 'nay. Kausapin niyo po ulit si Uncle na isama ako sa Maynila pag-uwi niya. Gusto ko ho kasing magtrabaho roon,"pakiusap ako sa nanay ko kapag makasingit ako ng pagkakataon.
"Tumigil ka na nga,Luna. Nag-iisang anak ka na nga namin,iiwanan mo pa kami ng tatay mo."
"Nanay,dadalasin ko na lang ho ng uwi. At saka ayaw n'yo ba na mapapadalhan ko na kayo ng pera kapag nakapagtrabaho na ako roon."
"Oo nga naman ho,Aling Nena. Saka huwag ho kayong mag-alala dahil sasamahan ko ho si Luna sa Maynila. Dalawa ho kami,"singit naman kaagad ni Ginny.
"Eh,gustuhin ko man,ayaw nga ni David,eh. Saan kayo titira roon? Aber."
"Kaya nga kausapin n'yo si Uncle,'nay. Kung ayaw niya kaming patirahin sa bahay niya,maghahanap ho kami kaagad ng mapapasukan kahit katulong lang naman,'nay."
"Ikaw ang kumausap sa uncle mo. Kapag pumayag,sumige na kayo."
"Talaga ba,nanay?,"tuwang-tuwa ako sa sinabi niya at niyakap ko siya. "Ang bait talaga ng nanay ko."
"Kaya ako pumayag dahil kayo dalawa ni Ginny na luluwas. Kahit paano'y mapapanatag na ang loob ko. Pero kung ikaw lang,kahit pumayag ang uncle mo,hindi kita papayagan."
Halos hindi kami makatulog ni Ginny ng gabi 'yon. Si Ginny ay nagpaalam na sa kanila na dito siya matutulog. Excited kami pareho. Malapit na ng matupad ang aming mga pangarap.
"Paano kung hindi pumayag si Uncle,"nasabi ko 'yun sa isip ko. Paani kay 'pag 'di siya pumayag. Naku,kailangan gumawa ng paraan. Nakahiga kami sa higaan at nagpapahinga na.
Third person's point of view:
Sa labas ay tuloy ang inuman. Gumamit na ng petromax ang mga nag-iinuman para may maliwanag na ilaw. Gabi na'y tila patuloy pa rin sa pagdasa ang mga kalalakihan sa baryo. Bumabaha ang inuman. Ang usapan ay iba-ibang paksa. Ngunit tuwina'y si David ang bida. Ang mga papuri ng kalugar ay patungkol din sa kanya. Naisip tuloy ni Luna,iba talaga kapag mayaman. Halos sambahin.
Luna's point of view:
"Eh,'di tuloy 'yong plano natin. Kunin mo na lang number niya tapos luluwas tayong dalawa at sa Manila na natin siya tatawagan."
"Hindi raw ibinibigay ni Uncle ang landline sabi ni nanay. Palagi rin daw kasi itong wala sa bahay."
"Cellphone number."
"Oo nga pala." Napahagikhik ako sa sagot ko. "May cellphone nga pala ineregalo si Uncle noong graduation natin. Itinago ko lang dahil wala naman akong paggagamitan."
At dali-daling ko inilabas ang cellphone ko.
To be continued...
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Casts:
IU - Luna
Lee Hyun Woo - Daniel
BTS Jungkook - Jake
BTS V - Jeremy
BINABASA MO ANG
Like A Fairytale
RomanceSa umpisa ay parang aso't pusa sina Luna at Daniel subali't di nila namalayang nahulog na ang loob ni sa isa't isa. Mahal na mahal nila ang isa't isa subalit malaki ang utang na loob ni Luna sa magulang ni Jake dahil ito ang dahilan kaya sila nakaro...