chapter 5

0 0 0
                                    

Luna's point of view:

Sa Quirino Medical Center sa Project 4 na nagkamalay si Ginny. Hindi naman grabe ang tinamo niyang sugat sa balikat. Mabuti na lang daw tumagos ang bala at hindi naman tumama sa buto ni Ginny.

Nakunan ng mga pulis ang pahayag ko habang wala pang malay si Ginny. At ngayong nagkamalay na si Ginny,ito naman ang kinunan ng pahayag.

Si Uncle David naman,dead on arrival na siya. Nalagutan ito ng hininga bago pa man  dumating ang ambulansiya. Inabutan ko pa na nag-aagaw buhay si Uncle David. Nagawa pa niyang iabot sa'kin ang makapal na wallet ng ito'y nag-aagaw buhay. Kabilin-bilinan niya na huwag ibibigay na kahit kanino ang wallet at kay Daniel lamang ito ibibigay. Ang problema ko lang di ko makita si Daniel mula ng iwanan niya ko sa parking lot. Malabo sa'min ni Ginny na kung bakit binaril nila si Uncle David. Wala ring binanggit ang pulis na kumuha sa amin ng statement.

Pumunta ako sa C. R.para tignan ang wallet ni Uncle David. Maliban sa pera,may maliit na notebook na nakakaloob doon. Listahan ng mga pangalan. Ngunit walang kahulugan sa'kin ang mga 'yon. May ilang I.D. din na nakaipit. Valid I.D. lamang 'yon. Nabuhayan ng loob ko na makita ko ang address na bahay ni Uncle David. Kahit paano'y alam ko na kung saan siya nakatira.

"Ano'ng gagawin natin ngayon?"tulirong tanong ko kay Ginny.

"Sabi ng pulis,hindi pa raw tayo pwedeng umuwi o lumabas dito dahil may tatanungin pa tayo."

"Kailangan malaman nina Nanay ang nangyari kay Uncle David. Pero paano natin gagawin 'yon?"

Sinubukan ko uli na kausapin ang nagbabantay na pulis.

"Sir,wala naman po kaming alam sa nangyari. Bakit pwedeng umuwi kami?"

"Pwede naman kayong umuwi. Ang naging problema lang,wala kayang uuwian dito sa Manila tulad nh sinabi niyo kanina . Delikado naman 'pag gabi. Baka nga pinaghahanap kayo ng sindikato na pumatay sa tiyuhin mo."

"S-sindikato?"hindi makapaniwalang sabi namin ni Ginny.

"Oo sindikato ng droga ang nagpatimbog sa tiyuhin mo na mas kilala bilang Noy Bikol."

Saglit kami nawalang kibo at naguguluhan.

"Eh,bakit naman nila kami pinaghahana?" tanong ko kay manong pulis.

"Dahil witness kayo dalawa. Nakita n'yo ang mga bumaril sa tiyuhin mo."

"A D-diyos ko po Lord,"gulat na sabi naming dalawa.

Saglit kaming mawalang imik. Ang pulis naman ay itinuloy na ang pakikipag-text. Hindi nagtagal ay dumating naman si Daniel. Nakabihis na siya. Bigla kami nabuhayan ng loob namin dalawa.

"Magandang gabi po,sir,"bungad na bati ni Daniel sa manong pulis.

"Sino naman 'to. Kilala n'yo 'to?"binalingan ng pulis kay Luna.

"Opo,sir. K-ka..."

"Kamag-anak po ako ni David. Malayong kamag-anak niya ko,"sagot agad ni Daniel.

"Gan'un ba?"pagkasabi ng pulis ay tiningnan niya si Daniel mula ulo hanggang paa. Inusisa niya ito at waring wala siya tiwala kay Daniel.

"Kumain na ba kayo?"tanong sa amin ni Daniel.

Naalala ko pala na kanina pa pala kami naguguton. Maghahatinggabi na. Dahil nasa public hospital kami,walang libreng pagkain dito.

"Hindi pa nga eh..."

Binalingan ni Daniel si manong pulis. "Sir,tutal naman walang nagreklamo sa kanila,diba? Pwede bang ako na lang bahala sa kanila. Uuwi ko na lang muna sila para makapagpahingang mabuti. Kailangan ko pa ho kasing ayusin yung labi ni David."

"Ang utos sa akin ay bantayan lang sila dyan. Ano mang oras ay pwede nang umuwi ang mga 'yan."

May ilang papeles lang naman na kailangang pirmahan ni Daniel. Nang matapos 'yon,release na kami sa hospital. Naiwan kaming manong pulis saglit sa kwrarto. Si manong pulis naman ay tinawagan lang sa presinto at ipinaalam na tapos na ang pagbabantay niya sa'min.

"O,mauuna na ko sa inyo. Mag-ingat na lang kayo."

"Salamt po,sir."

"Isa pa,wala akong tiwala sa lalaki 'yan. Mukhang miyembro rinsiya ng sindikato. Mag-ingat ang kayo. Baka isa siya histing pumatay sa tito mo. At dahil nakita n'yo ang mga suspek,baka kayo rin ang isunod na patayin. Kaya ingat ang."

Nahintakutan kami dalawa ni Ginny. Hindi lubos namin kilala si Daniel. Paani kung totoo ang sinasabi sa'kin ng pulis. Wala na ang pulis ay hindi pa rin kami makahuma. Hindi namin namalayan na nakabalik pala si Daniel.

"Ayos na. Pwede na tayong umuwi."

Nagkatinginana lang kami ni Ginny.

"O,bakit para kayong nakakita ng multo?"

"E-eh...kasi po kuya Daniel,"hindi magawang ituloy ni Ginny ang sasabihin niya.

Nanlaki amg mga mata ni Daniel at medyo nakanganga tila bang naiinip na naghihintay sa susunod na sasabihin ni Ginny.

"Pwede po bang dito na lang muna kami hanggang bukas ng umaga,"ako na tumapos sa sasabihin sana ni Ginny.

"Hindi na pwede. May release pa nga kayo,eh. Bakit kayo natatakot sa'kin?'

Hindi kami umimik ni Ginny.

"Ok lang kung ayaw n'yong sumama sa'kin,bahala kayo sa buhay niyo. Inaantok talaga kasi ako at gusto ko ng matulog. Uuwi na ako at kayo na bahala sa labi ng tiyuhin niyo. At mag-ingat lang kayo sa sindikato."

Pagkasabi niya'y tinungo na nito ang pintuan at tila lalabas siya.

"S-sandali!"---ako.

Naudlot ang pagpihit ni Daniel sa doorknob ng pintuan. Nilingon niya kami.

"P-pwede bang ihatid mo na lang kami sa bahay ni Uncle David?"

"Sige. Kung 'yon ang gusto n'yo."

Mabilis lumakad ni Daniel. Halos hindi kami makaagapay lalo na't mabagal  pang lumakad si Ginny dahil may iniinda pang sakit sa katawan.

"Hoy! Hintayin mo naman kami,"sigaw ko sa kanya ngunit hindi man lang siya nilingon sa'min.

"Suplado! Sungit! ANTIPATIKO!"inis na sigaw ko sa kanya. At lumingon na nga niya kami.

"Daniel ang pangalan ko. Hindi hoy. Hindi suplado. Hindi sungit. At mas lalong hindi antipatiko. Okey?"tila bang walang emosyong sagot ni Daniel.

Bigla naman tumawa si Ginny.

"O Ginny. Ano naman at bakit ka naman tumatawa?"inis na sabi kay Ginny.

"Wala lang,"pigil ang tawang sagot ni Ginny.

"Ang cute niya 'no?"

"Siya? Cute? Parang di naman eh."

"Pero aminin mo Luna. Nagagwapuhan ka sa kanya  'no?"

"Oo aminin ko gwapo siya pero 'yun ugali lang niya'y hindi."

"O sige,bahala ka sa buhay mo. Pero para sa'kin bagay kayo."

Sus! Tumigil ka nga dyan. Huwag natin pag-usapan 'yan. Tara na at baka nakita tayo ng mga sindikato. Baka mamatay tayo."

"Sige na nga. Ayoko pa mamatay."

Naglalakad kami habang sinusundan namin si Daniel.

To be continued...

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Casts:
Lee Hyun Woo -Daniel
IU - Luna
BTS Jungkook - Jake
BTS V - Jeremy

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 22, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Like A FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon