chapter 4

1 0 0
                                    

Nasa multimedia ang leading men ng ating bida.


Ang pangalan po niya ay Lee Hyun Woo. Dati siya child actor na ngayon ay sikat na actor at singer.


Sana po magugustuhan niyo.


Enjoy:)

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Luna's point of view:

Magkasalubong ang mga kilay ni Uncle David na makita niya kami sa terminal ng bus sa Ali Mall. Pasado alas kuwarto na'yon ng hapon gayong kung tutuusin alas singko pa lamang ng umaga'y dumating kami sa Cubao. Ang hindi lang namin napangahasang gawin ay ang lumayo sa terminal. Mahirap na baka maligaw pa,sabi ko nga sa aking isipan.


Tinawagan namin kaagad si Uncle David kaninang umaga ngunit cannot be reach ang cellphone niya. Halod oras-oras ay tinawagan namin siya. Parating gan'un. Bandang alas-dos na ng hapon namin siya nakontak.


"Pambihirang patis,"salubong niya kaagad samin ng makita kami sa terminal. "Ano'ng ginagawa n'yo rito?"


"Gusto nga naming magtrabaho rito sa Manila,uncle,"sagot ko sa kanya. "At saka pinayagan po kami ni nanay."


"Hindi pwede. Sasakay kayo uli pabalik sa probinsya ngayong gabi,"matigas na sabi ni Uncle David.


"Uncle naman,"protesta ko habang pumapadyak pa ang mga paa ko.


"Sige na naman po. Payagan n'yo na kaming makapagtrabaho rito. Kahit po mga ilang araw lang kaming makitira sa inyo,"susog naman ni Ginny.


'Kumain na ba kayo?"pag-iiba nito ng usapan.


"Kanina po,"-Ginny.


"Sumunod kayo sa akin."


Sa isang fast food kami dinala ni Uncle David. Umorder siya ng mga makakain. Habang hinihintay ang order,nahalata ko na tila balisa si Uncle David. Patingin-tingin siya sa mga pumapasok sa kainan. Abala sa pagte-text. Kapag may tawag sa cellphone niya,sinasadyang lunabas upang hindi namin marinig ang pona-uusapan nila. Naisaloob ko lamang na ganoon siguro talaga ang mga negosyante. Parating busy.


"Huwag kang pumayag na pauwiin niya tayo,"balisang sabi sakin ni Ginny habang kumakain kami.


Ngunit bago ako makasagot ay nakita namin papasok ng uli sa kainan si Uncle David. Kunot pa rin ang noo at waring aburido. Nang umupo ay hindi man lang tinikman ang inorder niyang pagkain. Soft drink lang ang ininom niya. Tumingin si Uncle David sa relos niya sa braso. Waring naiinip.


"Pagkatapos kayo kumain,ibibili ko na kayo ng ticket."


Magpoprotesta sana kami na biglang nabaling na sa ibang atensiyon ni Uncle David. May isang lalaking papasok sa pintuan at kinawayan nito ni Uncle David. Matangkad ang lalaki. Malaki amg katawan. Moreno. Gwapo sa biglang tingin. Rugged look. Nakamaong na pantalon at polo shirt.


Nagmamadaling lumapit sa kinaroroonan namin ang lalaki.


Natigilan ako dahil sa lalaki na 'yon. Parang biglang slow motion na papalapit samin na 'yon lalaki yun. May ibang ako naramdaman na parang kinakabahan. Biglang bumilis 'yun puso ko. Natauhan ako na biglang nagsalita si Uncle Manuel.


"Bakit ba ang tagal mo. Kanina pa kita tinawagan,"sita kaagad ni Uncle Manuel sa lalaki.


"Sorry naman. Tao lang ako. Matrapik sa Edsa,ano ka ba?"sagot naman ng lalaki. Ipinakilala samin ni Uncle Manuel ang lalaki. Daniel daw ang pangalan niya. Ipinakilala kami ni Uncle David sa kanya bilang pamangkin kami ni Uncle David. Tila hindi naman interesado si Daniel samin. Kainis naman ugali ng lalaki 'to. Sayang naman siya. Gwapo naman medyo bastos. Suplado. Antipatiko.


"Ano bang plano? Bakit mo ko pinapunta rito ngayon?..."


Sinansala kaagad ni Uncle Manuel amg iba pang sasabihin ni Daniel. "Alam mo namang may fligtj ako ngayong gabi. Eh,biglang dumating itong dalawang kong kapatid. Ikaw na munang bahala sa kanila. Kailangan ko nang makaalis dito."


Habang nagsasalita si Uncle,napansin ko kumikindat piminsan-minsan si Uncle Manuel kay Daniel. Para bang sinasabi niya sa kanya na 'sakyan mo na lang ako,Daniel'.


"Sige. Ihahatid ko na ang mga ito sa inyo habang wala ka pa?"


"Hindi,"mariing sagot ni Uncle David. "Pasasakayin mo uli ang mga 'yan papunta Bicol ngayong gabi."


Lihim kami nagkatinginan ni Ginny. Mas okey kung si Daniel ang maghahatid sa amin sa terminal. Pwede ko siyang kausapin na ipasok niya kami ng trabaho sa Manila o di kaya'y ihatid niya kami sa bahay ni Uncle David mamaya. Tutal ay aalis naman siya.


Pagkatapos kami kumain,sabay kaming apat ng Ali Mall. Halata namang nagmamadali si Uncle David. Pumasok kami sa kotse ni Uncle David. Nasa dakong hulihan kami ni Daniel habang nasa pasengger seat sa unahan si Ginny at driver seat naman si Uncle David. Gusto pa rin kasi ni Ginny na kausapin si Uncle David.


Ang sumunod na pangyayari ay napakabilis. Tila isang kisap-mata lang ang nangyari. Natigilan ako na makita ko si Uncle David ng mapagsino ang makakasalubong. Bumunot kaagad ito ng baril. Pumutok.


"Anak ng...dapa,"sigaw naman ni Daniel saka tinulak niya ko.


Kitang-kita ko amg mga sumunod na pangyayari. Apat na lalaki ang bumabaril sa direksiyon namin. Tinamaan kaagad si Uncle David. Tinamaan din si Ginny na nasa tabi ni Uncle David kanina. Pumuputok din ang baril ni Daniel. Dalawa sa kalaban ang tinamaan. Ang iba'y tumakas na. Hinablot naman ako ni Daniel na mabilis.


"Halika na."


Nagtatarantang ako sumunod kay Daniel. Nasa kotse kami ni Daniel ng waring mahimasmasan ako. At doon ako umiyak ng umiyak.


"Sabi ng Uncle mo,pasakayin na kita sa bus pauwi ng Bicol."


"Ayaw ko,"galit na sabi ko. "Kailangan ko munang balikan ang uncle ko at ang kaibigan ko."

"Babalil tayo roon. Pero maya-maya. Delikado. Tiyak na marami nangga pulis doon."


"Eh,ano kung may pulis. Wala naman kaming kasalanan. Saka bakit nila binaril ang uncle ko."


Third person's point of view:

Napailing na lamang si Daniel. Malinaw na walang alam amg pamangkon ni David. Naka-park ang kotse ni Daniel sa parking lot na nasa second floor ng Ali Mall.


"Kung ayaw mo kong samahan,babalik ako roon,"pagkasabi'y binuksam kaagad ni Luna amg pinto ng kotse. Patakbo itong lumabas ng parking lot.


To be continued...


~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Casts:
IU - Luna
Lee Hyun Woo - Daniel
BTS Jungkook- Jake
BTS V - Jeremy

Like A FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon