JAN'S P.O.V."HUWAAAAAAAAAAAAA HUHUHU" ngawa ni Lingling. Argh, grabe!~ Parang gusto ko na rin tuloy umiyak ngayon. Di na siya naawa sa eardrums ko. Haler, day two na kaya ng dramaserye niya.
"ALam mo Lingling, magtigil ka na nga dyan. Tss, para namang bago pa sayo yung pamba-babae niyang hudlo mong boylet, mas magugulat pa ako kung nanlalalaki na sya noh."
"Ay truelity yan friendship! Eh dinaig pa nga nila ang switch ng ilaw natin dito oh, panay on and off ang peg, chos.~ " Pagsingit naman ni Pariz, ang kaibigan naming paminta.
Nandito pa kasi kami sa boarding house na tinutuluyan namin nina Pariz at Dang, alas siete im punto na, homemdyi. Mantakin mo ba namang bigla na lang sumugod dito ng alas singco y media ng umaga? Susme, tinalo niya pa ang alarm clock ko sa pambubulahaw ah. Tapos ngangawa lang siya tungkol sa third break up times 2 times 2 nila ng kanyang jowa?
"Ay inako, kalamayin niyo ang loob ng lokaret na yan. Kayo nang bahala ah, male-late na ako sa work. Baka makaiwas nga ako sa ngawa ng hitad na yan eh bunganga naman ni bossing sumalubong sakin!" Pagpapaalam ko.
Hayy naku!! Alam ko naman na libre magpakatanga paminsan-minsan. Pero susme naman, inaraw-araw na ni ateng! Ang sakit niya sa bangs ha inpernes. Palalabs ko naman yang shunga na yan eh, kaso mukhang napasobra ang nasinghot nito na aerosol kaya lakas tama sa boyfriend niya. Pang ilan nya na kasi yan, pero dyan sya sobrang nafall. Yan ang napapala nya kakatrial and error. Ba't di sya tumulad sakin, faithful at stick to one. Yesss, yun oh! Hindi na ako nag-abala pang hintayin ang apela nila at nagsimula na akong mag-ayos ng sarili and off to go na akembang.
May 10 minutes pa bago ang time nung dumating ako sa opisina namin. Hay, thank goodness naman dahil kung late na naman ako, paniguradong gagawaran na ako ng consistency award in terms of consecutive tardiness. Nangangain pa naman ang department head namin na si ma'am Almontemonyo. Psh -_-# Nagtatrabaho nga pala ako sa financial department ng Navallo Group of Companies. Magtu-two years na rin ako dito.***
Nagliligpit na ko ng mga gamit ko nang biglang nag-ring ang phone ko.-PALOMO RIZALITO CALLING-
I swiped the answer button then inipit ko iyon sa aking tenga gamit ang aking balikat at pinagpatuloy ang pagliligpit ng mga gamit ko. 6PM na rin kasi.
"GURLLLLLL, ANG LOLALENG NATEN NAGPAPAKA- DEAD MADELA NA DITEY SA BAR! Homeygat!" Histerical na bungad sakin ng pamintang durog na ito.
"Ah ganun ba? Oh sige, dadaan ako sa supermarket mamaya at sagot ko na ang dalawang baldeng biskwit. Kayo na bahala sa kape at candies ah" Hay,,, yun lang pala itinawag neto kala ko pa naman kung ano na. Pinagpatuloy ko lang ang pag-liligpit.
"GAGA SIYA OH. OY SUSMARYOSEP, SI AVERILYNE NAGPAPAKALUNOD NA NAMAN SA ALAK DITEY!"
"Eh hayaan mo siya, dyan siya masaya, edi suportahan." Bored na sagot ko. Sa ilang beses na bang nangyari ang gantong eksena tuwing nagbebreak sila. Naku, believe me, umay na umay na 'ko.
"Naku naman friendship, hindi keribels ng power ko ang bunganga ng mujer na itey!Kung anu-ano ang iniispluka, nakakalurkey!"
"Okey payn, wateber. Paalis na rin ako dito sa office, 30 minutes nandyan na ko." Binaba ko na at rinding-rindi na ako sa kausap ko, sabayan pa ng maingay na background na nanggagaling dun sa bar.
Malayu-layo rin ang location ng bar na yun kaya medyo natagalan ako sa byahe. Traffic rin kasi. Alas siete na ng makarating ako roon. Nagpalinga-linga muna ako and hindi rin nagtagal ay nahagip na rin ng aking paningin ang bulto ni Palomo Rizalito na mukhang hindi na magkanda-ugaga kay Lingling.
"Oh, mukhang tapos na ang kalbaryo natin kay Lingling. T.K.O. na pala ang isang yan eh."
Humahangos pa itong si Palomo Rizalito nang maiayos niya na ng higa si Lingling sa sofa. Nasa may counter pala ang mga ito kanina.
"Phew,, ay naku ateng. Napagod ako dun ah in fairness. Heavygat ang lola mo friend. Hayy." Sabay ipit ng imaginary long hair niya sa kanyang tenga at dahan-dahang naupo sa sofa, full of poise habang naka-dequatrong pagirl. Amfufu... Laking bulas tapos kung magpaka-demure, balak pang talunin si Maria Clara. Shacks!~
Nagdiskusyunan na muna kami ni Marciano saglit. Nagpahinga na rin muna kami bago namin napagdisisyunang iuwi na ang babaitang talandisay na ito.
"Sa uulitin ha Palomo Rizalito, wag mo nang kukunsintihin ang kagagahan nitong Lucresia Macaraig na 'to! Yan tuloy napala mo." Pagbubunganga ko pa rin habang akay-akay namin si Averilyne palabas ng bar. "Anshakit naman sa tenga Ateng,full name talaga? Azar ka ah." Nag-inarte pa tong pamintang to. Pasakay na kami ng cab ng may maalala si Pariz.
" Ayy ateng, naiwan ata yung pouch ni Averil sa bar."
"Oh siya sige ako na kukuha. Wait niyo ko ah. Sandali lang."Bumalik na ako sa loob ng bar. Tiningnan ko dun sa sofa kung nandun ba yung pouch ni Lingling. Pero mukhang wala dun. Ah! Sa counter, baka dun nila naiwan. And bingo! Nandun nga. Nang makuha ko na ito ay agad na rin sana akong aalis nang 'di sinasadyang nahagip ng aking paningin ang hudlong jowa ni Lingling. Aba ang hudas, nandito rin pala, mabuti na lang at hindi sila nagpang-abot. Dedeadmahin ko na lang sana at tutuloy na sa paglabas nang biglang nagpantig ang tenga ko sa narinig ko mula sa isa sa mga kasama nila.
"WILL YOU PLEASE SAVE THE DRAMA ALREADY MATT! WON'T YOU JUST GET OVER OF THAT FILTHY WHORE! SHE'S NOT EVEN WORTH KEEPING FOR MORE THAN A WEEK, GOODNESS!!! GET OVER HER AND JUST LET HER KEEP ON HOPPING FROM BED TO BED, JUST LIKE WHAT SHE USED TO DO, DAMNIT!!!"
Fact sheet!, hanu daw? Filthy whore? Not worth keeping? hopping from bed to bed? Aba sumusobra na ata yun ah. Kaming friends lang ni Lingling ang authorized na manglait sa kanya! At wala ng iba! Kumulo talaga ang dugo ko sa hombreng epal na yun. Low blood slash anemic akong tao, nahahigh blood ako sa alagad ng dilim na ito ah! Naku ah, stop me!. Nilapitan ko na, nasa likod lang kaya nila ako!
"You seem so hot, Mr."
I tilted my head at 15° and played with his necktie hanging loosely around his neck, nanggagalaiti na talaga ako, argh. Naku, gustong gusto ko na siyang bitayin gamit ang sarili niyang neck tie!!! Pero dahil isa akong anghel, pinaglaruan ko na lang ito gamit ang aking mga daliri. Nahihirapan na talaga akong kontrolin ang inis ko kaya nilubayan ko na ang neck tie niya at tumitig ako ng derecho sa kanyang mga mata.
"You know what,"
I then laid my hands on his chest then to his shoulders. Hmm, sarap! Sarap saksakin ng tooth pick!"You really look so hot." Oo tama, sobra kang nakakabanas! I bit my lip to conceal my annoyance.
"I bet red suits you well."Kumuha ako ng isang glass ng wine mula dun sa dumaang waiter. Napangiti tuloy ako dahil sa binabalak ko. Bwahahaha!
*splash*
"WHAT THE FVCK!!!" O'rayt! Haha, ganyan nga! Yan ang gusto kong maachieve kanina pa, hahaha.
"There, much better." Pinagkrus ko ang kamay ko sa aking dibdib. "Tama yan, magalit ka pa para mas lalo kang pumula!. Ha, bagay talaga sayo ang red, Mr."
Psh. Umalis na agad ako dun bago pa ko may magawang kung anong karima-rimarim, mahal ko pa ang pakpak ko. Ha, yun ang bagay sa kanya! Serves him right!
***
"Oh bakit ang tagal mo ateng. What took you so long ma fwend?" May pa-accent-accent pa tong baklushin na ito.
"Wala, may 'inasikaso' lang ako."
"Woo, scary. Bakat pa yung pinagtubuan ng sungay mo oh, bongga. Mukhang may ganap ah."
"May tinuruan lang naman ako ng leksyon sa loob. Nothing much."
"Who da who naman ang pobreng nilalang ateng? Ang malas nya ah, kawawa naman sya." Aba, nag-pout pa ang paminta!
"Kawawa? Di bagay sa mga katulad niyang kampon ng kadiliman ang salitang awa no!"