KAPITULO 5 : "HANU DAW?"

5 1 0
                                    

Jan's P.O.V.

Yakap-yakap ng mga kamay at paa ko ang hotdog pillow ko.

Ang mga mata nya...

Mga titig nya...

Ang malambot nyang labi...

Shet na malagket! Napakagat-labi ako sabay gulong to the left, gulong to right.

"Wahhhhh, lubayan mo ang utak ko!~" with matching iling-iling pa yan habang nakahawak ang mga kamay sa ulo. Samantalang nakaangkla pa rin ang mga paa ko sa unan. Oh diba, mukha akong shunga. 'At dito ka dumerecho sa harapan ko, ayiiiey.' Dagdag ni subconscious brain2. 'Landi friend, wag masiado pa-obvious ha.' Sita naman ni subconscious brain1.

Mabuti na lang at ako lang mag-isa ngayon dito sa apartment, wala ang isa't- kalahating lukaret kong sisterets (Dang the Megaphone at Pariz, ang pamintang durog). Paniguradong imbis na makapag-isip ako ngayon ng matino, Ukrayan 101 pa ang magaganap. Kaka-alis lang ni Dang, night shift kasi sya, nurse. Si Pariz naman, real estate broker. Mamaya-maya lang, nandito na rin yun.

Hay mabuti na lang talaga at di ko pa nasasabi sa kanila na may crush ako kay hombreng-epal-pero-hot. He's the one na talaga. He's the one who stole my first!

'May abs kaya sya? Dapat pala nung nag-a-argyumento kami tunulak ko sya ng slight. Tapos dun banda sa may tyan para nakapa ko kung meron. Ayy sayang! Ba't ba ngayon ko lang naisip yun? Tss, nahalikan lang naman ako por da pers taym in inpiniti and beyand, bumaba na agad IQ ko? Hayyst.'  Yan lang naman ang laman ng semi- mahalay na isip ko.

Kinabukasan, biglang naghimala ang langit at naka-isip si Sta. Bihida na manlibre. Nandito kami ngayon sa isang restaurant para maglunch, kakagaling lang namin sa cinema.

3rd PERSON P.O.V.

Patingin- tingin si Jan sa paligid nang may masagap ang kanyang pandinig na sya namang nagpapantig talaga sa tenga nya. Sobrang hina lang nun pero narinig nya pa rin.

"Oh Drake pare. Mabuti naman nakaabot ka." 'Ayun.'  Bati ni Terrence.

"Oo nga pare, I really thought you can't make it, baka may 'hassle' na naman e." Ani Trevore.

"Haha, wait. Drake pare, let me guess. Ahm, may gender ba yang hassle na yan?" Pang-aasar naman ni Sigmund. 'Ayun na naman.' Panay bagting ng tenga ni Jan tuwing nababanggit ang pangalan ng 'allegedly crush' daw nya.

Parang nag-ala GPS naman ang mga mata ni Jan at agad na-locate ang subject. 'Ayun sya. Oooh, what to do, what to do? Ba't sya nandito?' Pasimple nyang binuksan ang shoulder bag at sa loob nito, kinapa ang cellphone nya.

Nagdudutdot sya ng kung ano doon. 'Yes!' Google search results for : 'First thing to do when you saw your crush who doesn't know you.' Tinap nya agad yung isang link.

Loading...

loading...

konti na lang konti na lang-

"Oy Jan, nagpapaka-retard ka na naman dyan." Sa pagkabigla ni Jan ay agad nyang naisara ang bag. 'Panira naman oh, lalabas na eh.'

Dineadma nya lng ito. Nagchichikkahan sina Ave, Pariz at Brij, but Jan's consciousness is fleeting to somewhere else. Kanina pa sya hindi mapakali sa upuan nya at panay ang lingon sa bandang gilid nila.

"Hoy, Jan! Maawa ka naman sa leeg mo! Kung may balak kang baliin yan, aber akin na at let me do the honor." Sita sa kanya ni Brigitte habang makataas sa ere ang mga kamay at ready to strangle na kay Jan. Tinabig lang yun ni Jan at carry on lang siya sa kanyang business.

"BECAUSE I MET A LUNATIC" Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon