KAPITULO 6: MOTHER KNOWS BEST!

7 1 0
                                    

AHAHAHAHA. JAN! SARAP MO VIDEOHAN KANINA. HAHA, EPIC PEYL! Ahahaha" eksaheradang tawa ni Dang.

Sumeryoso naman ang mukha ni Pariz sabay madramang sinabing

"DRAKE, PANAGUTAN MO KO!" At dun bumunghalit na naman ng tawa ang dalawa.

"Ahahaha! gurl, yung totoo. San mo nahugot yon, lufeyt eh, Haha. Shunga lang! ahaha" galak na galak lang ang peg ni Pariz oh. May pahampas-hampas epek pa yern.

"CHEEEEEE! Tigilan nyo na nga ako, argh!" Dumerecho na ito sa kanyang kwarto at nagtalukbong ng kumot. Sumunod naman ang mga kaibigan nito sa kanya.

JAN'S P.O.V.

"Friend, di mo naman sinabi na level 10 na pala HD mo kay Drake, akala ko crush lang! Haha" Nakisawsaw na rin si Ave sa pangangantyaw sa'kin.

"Truelity sisteret! Nandun na sya agad oh, kakakilala lang nila, pahiya-hiya pa nung una eh no. Haha!" Buwisit na Palomo Rizalito na 'to oh.

Argh, nakaka-asar na to the max na talaga! Nagwalk out na nga ako sa restaurant kakatawa nila, tapos hanggang dito ba naman, hindi pa rin sila titigil? Bumangon at nag-indian sit ako.

"Eihh, hindi nyo kasi naiintindihan ei." Nakasimangot pa rin ako.

"Enlighten us then. Haha" suhistyon ni Pariz.

"Eh kasi sabi ni ina, he's the one na eh." Nag-iwas ako ng tingin, nakakahiya naman kasi eh.

...3 days before...

"HOY JAN CAROLINA, LUMABAS KA NGA DYANG BATA KA! JAN CAROLINA, ISA!"

May kung sinong todo sigaw sa labas ng apartment namin na kulang na lang eh magiba na ang gate sa tindi ng paghampas. Matingnan nga. 'Hala! Si ina yun ah? Bakit kaya sya napasugod dito sa Manila eh nasa probinsya sya nakatira?'

"My maderdir, ano pong ginag--" *Pakkk* Harouch namern. Napahawak agad ako sa namumulang pisngi ko, sampalin ba naman ako ni ina. Nakadrugs ata to eh.

"Ina!"

"IKAW NA BATA KA, HINDI MO NA KAMI BINIGYAN NG NAMAYAPA MONG AMA NG KAHIHIYAN! HINDI KITA BINIHISAN AT PINAG-ARAL PARA LANG MAGING DISGRASYADA!"

"Ina, ano po bang sinasabi niyo? Hindi ko po kayo maintindihan."

Napatakip naman ng bibig si ina at mariing napapikit. "ABA'T TALAGANG BALAK MO PANG ILIHIM AH. SA TINGIN MO BA HINDI KO MALALAMAN HA?" Ano bang pinagsasabi nya? Kinaladkad naman niya ako papasok sa loob ng apartment. Grabe na ito ah, ano bang trip ni madear at high na high na naman sya?

Pagpasok namin sa loob, dumerecho agad si ina sa kusina at uminom ng tubig. Pinapakalma ata ang sarili. Ang kaliwang kamay niya ay nakapamay-awang at tutop naman ng kanang palad ang kanyang noo.

"Aminin mo sakin anak, sino ang walang hiyang iyon na bumaboy sa iyo? Sabihin mo kung sino?"

"Ina, ano ba yang mga pinagsasabi nyo?"

"SINO?" Nagpapabalik-balik ng lakad si ina.

"Anak, hindi mo naman kailangang mahiyang aminin sa akin ang tungkol doon eh. Anak kita. Mahal kita kaya poprotektahan kita sa abot ng aking makakaya. Ipinagtapat na sa akin ni Dang at Paris ang lahat anak." Umiiyak na si ina. Ano ba yan pati ako napapaiyak na rin. Huhu

"UWAAAAAH, INA! huhuhu " Hindi ko na napigilan, napaiyak na talaga ako kahit di ko gets ang mga pinagsasabi nya. Ano ba yung pinagtapat nina Dang at Paris? Ang drama kasi ni ina eh, nakakadala. Niyakap naman niya ako habang tinatapik ang likod ko.

"Shhhh. 'Wag kang mag-_alala anak. *sniff* Hindi kita pababayaan. Pananagutin natin siya sa kahayupang ginawa nya sa iyo anak. *sniff* Hinding hindi ako makakapayag na hindi siya managot sa paglapas-tangan niya sa iyong puri! Walang hiya siyang animal sya!"

Natouch naman ako kay madear. Ah alam ko na! Siguro yun yung nakaw first kiss thingy. "Eh ano naman pong gagawin niyo ina?"

"Susugurin ko siya. Kailangang linisin nya ang iyong puri na kanyang dinungisan sa pamamagitan ng matrimonya!"

"Ina naman, ang OA." Pout.

"ANONG OA? Nararapat lamang na linisin nya ang krimen nya sa harap ng altar! Dinungisan nya ang iyong puri anak kaya't kinakailangang panagutan ka nya!"

"Ina naman. Agad agad? 23 pa lang kaya ako. At isa pa, wala naman kaming feelings sa isa't isa eh."

"Walang feelings kamo? Anak, ang pag-ibig, napipilit yan. Kailangan mo lang ipadama, ipakita at iparinig ang presensya mo sa kanya. At para saan pa ba ang gayuma? Ui anak, si Nana Prudencia marunong manggayuma."

"Ina naman eih. Sobrang pangit ko ba at kelangan ko pa ng gayuma para lang mapansin niya?" Nakakapagtampo ah, di ba sya bilib sa alindog ko? Ang seksi ko kaya sabi ni lola. Hehe

"Hindi naman sa ganon anak. Ang akin lang, bakit ikaw pa ang magpapaka-effort eh siya naman ang may atraso sayo? Aba! Marapat lamang na siya ang maghirap mo! Hindi ata basta-basta ang ginawa niyang katampalasan sa iyo!"

"Eihhhh, ina naman. Over naman yang mga plano mo eih. Absurd much."

"O sige. Hindi muna ako makikiaalam. Pero Jan Carolina, siguraduhin mo lang na mapapanagutan ka nya!" Ngumangawa na naman si ina. "Maniwala ka anak ko, yan angnararapat mong gawin! Naiintindihan mo ba ang sinasabi ko anak?"

"Opo,ina. Huhu. Opo." At muli na naman kaming nagyakapan. Tama, may tama si ina. May tama talaga si ina kaya nararapat lamang na sumunod ako sa kanya.

~

"KYAAAHHHHH! HOHEMJI HOHEMJI ATENGGG. DEZ EZ ET! DEZ EZ RELI EZ ET!" Halos mahiwalay na kaluluwa ko sa katawan sa tindi ng pagyugyog sakin ni Dang.

"Hindi ko kasi alam ang sasabihin o gagawin ko eh. You know naman, newbie here." Totoo naman kasi eh, hindi ko talaga alam, psh. Tumabi sa akin si Lingling.

"Ateng, sabi mo gusto mo sya diba?" Tanong nya sa akin. Tumangu-tango naman ako. "Slight."

"Then go get him! Kung hindi ka gagawa ng move, sige ka. Si queen mother ang gagawa."

"Eh hindi naman nya ko gusto eh. Pano ko naman yun magagawa?"

"Di ka nya gusto? Ngayon oo. Pero anong malay mo, bukas iba na. Alalahanin mo ang mga sinabi ni queen mother sayo sister. Kelangan mong gumawa ng paraan para mapanagutan ang dapat panagutan. Dagil kung hindi mo magagawa by hook, ina will do it by crook! Hala ka."

Hindi ko akalaing may nalalaman pa lang ganito itong babaeng to ah.

"Trueron sisteret. Walang mangyayari kung wala kang gagawin. Ang destiny, naka-set na yan. Pero kailangan mo pagtrabahuhan para mareach." Dagdag pa ni Pariz.

"Don't worry Jan, full support kami sa'yo. Nasa likod mo lang kami, nakatago! Haha" Si Dang.

Kahit mga baliw tong mga kaibigan kong to, maaasahan naman. At tama. Tama sila. Kaya maghintay ka lang Drake Nicholas Filmore, because love has come my way. Nyahahahaha

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 26, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

"BECAUSE I MET A LUNATIC" Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon