KAPITULO 4 : "HIS DA WAN!"

4 1 0
                                    



NAUNANG nakabalik sa table nila si Drake. Medyo natagalan pa si Jan, natulala pa ata.


"Halu! Earth to Jan Carolina!" Pag-agaw ni Pariz sa patakas nang kaluluwa ni Jan.

"Ha? May sinasabi ka? " Maang na tanong ni Jan.

"Ateng umamin ka nga sakin. *sniff* Kelan pa?"  *sniff* Ala, nagdrama ang baklita. Nakaharap ito kay Jan at nakapatong ang dalawang kamay sa balikat ng dalaga, niyuyugyog pa.

"Ano bang pinagsasabi mo dyan ha Palomo Rizalito? 'Di kita maintindihan?"

"ILAN ATENG, ILAN?! Umamin ka na, please!" HAla talaga siya oh, naabnoy na naman~

"Ilan ang ano? Shemay, nahihilo na ako Palomo Rizalito ah, masasapak na kita!"

"Ilang baygon ang sininghot mo ateng? Kaya ka ba natagalan kanina dahil nag-hits ka pa, ha?" Biglang hinalughog ni Pariz ang bag ni Jan. Hinahanap ang lata ng baygon.

*Ploingks*

Dinagukan nga ni Jan ang baliw na baklang ito.

"HARAWCH, ateng! Oh kita mo na, kita mo! Nagiging bayolente ka na talaga! Sinasabi ko na nga ba eh, may kababalaghan kang ginawa kanina eh. Aminin mo na , ami.nin.mo.na.!" Naghisterical na akusa ni Pariz.

Kababalaghan?
Natigilan si Jan sa binitawang salita ng kaibigan. Oo nga, may kababalaghang nangyari sa kanya kanina!

Bumalik ang alaala ng kaganapan kanina.

Nagtatalo sila nung hombreng epal na sinabuyan nya ng wine sa bar last month.

Sa totoo lang, hindi nya talaga natandaan ang itsura ng hombreng iyon. Kaya nagtataka talaga sya nung komprontahin sya ng isang magandang nilalang.

Nasa secluded area na sila ng function hall pero tuloy pa rin ang diskusyunan nila. 'Ha, akala nya ata magpapatalo ako sa kanya. Dream on dude, manigas ka!' She said at the back of her mind.



Jan's P.O.V.

...

"Ms. Will you please listen first?" Aba, siya pa talaga ang may apog na magdemand ah. Kapal!

"Listen? Sa ano? Sa kaepalan mo? Ikaw ang makinig sa akin mister-I-don't-know. Alam mo sa ating dalawa talaga, ikaw yung maling mali. Dapat kasi, iniisip mo muna ang mga sasabihin mo bago mo ibuka yang bastos mong bunganga. Bastusan naman kasi eh. Eh kung kapatid mo kaya , or nanay mo masabihan ng ganon kahit di naman yun totoo, tingin mo di ka manggagalaiti sa inis? Isipin mo nga."

Argh, grabe. Ang dami kong gustong isumbat sa kanya. Ipapamukha ko sa kanya na sya rin naman ang may kasalanan kung bakit ko sya nasabuyan ng red wine eh.

"...Tapos sinasabi mo na tanggap mo nang mali ka, pero gan-mmmmmmpp".

{O_O}

Nanlaki ang mata ko. Shit! Ano ba tong ginagawa niya? Sinunggaban niya ako ng halik! He kissed me! He kissed me, he kissed me. He really did kiss me!!! OMG! HE'S...



HE'S DA WAN!

Titig na titig ako sa kanya sa sobrang pagkabigla nang bigla kong nalasahan ang red wine. Muntik na kong mabilaukan! Ilang saglit pa ay tumigil na sya and I saw him smirk.

"Now we're even. I hope everything's settled now Ms." Bagsmirk pa sya.

Tulalang napatango na lang ako. Naglakad na sya palayo. Napahawak ako sa aking labi, parang nararamdaman ko pa rin ang malambot at mainit nyang labi. Ang first kiss ko, ninakaw nya!



"Hoy ateng? Natulaley ka na naman? Sinasabi ko na nga ba, ang lakas ng tama mo ah. Naku, sisiguruhin ko talagang makakarating 'to kina Dang at Lingling. Kuu talaga, mags-switch na tayo sa lysol!"

Hinayaan ko na lang magngangawa tong si Pariz. In state of shock pa rin ako sa kissing scene namin kanina, shems! Ang first kiss ko, wala na.

Napatingin ako sa kinauupuan ng suspect sa nasabing nakawan. Tawa ng tawa yung mga kabarkada nila samantalang yung hombreng epal naka-poker face lang. Kung hindi naman, ngingisi lang.

Pansin ko rin kapag kinakausap sya, madalas monosyllabic lang ang response sya. Napansin ko rin na medyo malapad pala ang balikat, matangkad sya, fit ang katawan. Proud na proud yung ilong nya, medyo makapal din ang kilay nya.


Bakit ang gwapo nya?

Napakapit ako sa labi ko. At ang labi nya... ay ano ba yan, tumulo laway ko. Pero syempre joke lang yun. Ang OA naman. Pero sa totoo lang, Nakaka-drool pala talaga ang kagwapuhan nya.


Ba't ba ngayon ko lang yon napansin? Pano nya kaya nagagawang umaktong cold sa kabila ng pagiging hot nya? Hayy.

Ano nga bang pangalan nya? Nakahalumbaba kong tanong habang nakatulala pa rin sa gawi niya.

"Alin friend, yung hotty na katabi ni fafa Sigmund?" Sabat ni Pariz. Ala, nag-thinking out loud pala peg ko kanina?

"Oo"


"Si fafa Drake yun mare. Drake Nicholas Filmore is the name. Pinagnanasaan mo no? Naku ateng ah."

"Asaness!" Tanggi ko, syempre deny-deny din para iwas okray mga friend.

"Sya yung dun sa bar, remember?"


Ah, Drake pala. Finally, I've met the wan.


"BECAUSE I MET A LUNATIC" Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon